"Okay, I'll be there in 10," narinig kong sabi ni Kuya sa kausap nya sa phone.
Mukhang malaki ang problema sa office. Ang alam ko kasi nagpaalam sya kay Daddy para masamahan ako kahit ngayong araw lang. Overseas call pa yun. Kaya siguro nakabusangot ang mukha nya mula pa kaninang nasa byahe pa lang kami. Nasungitan pa nga ako.
"Gabby, iwan muna kita sa Kuya Matt mo, okay?" Bilin nya na inirapan ko lang dahil sa pagbanggit na naman sa "KUYA" na yan.
"Opo, kuya," I teasingly said. He just rolled his eyes at me. Imagine a manly roll. Napangisi tuloy ako nang wala sa oras.
"Umayos ka," Kuya Marcus warned me. Wala pa nga akong naiisip gawin para mamaya, may warning agad.
Napalabi na lang ako and saw him turned his glare at Mattheus, "ikaw na muna bahala sa kapatid ko,"sabi nito kay Matt. "Tsk, remember, she's still a minor."
Nagtataka kong tinignan si Kuya Marcus dahil sa sinabi nito kay Matt. Oo, I won't call him "kuya" kahit sa isip ko. Ha-ha. Mukhang ayaw talaga akong bigyan ng alone time with my Mattheus. Aburidong aburido ang mukha, e.
"I know that, no need to remind me,"sagot ni Matt.
Bakit kasi kailangan pang i-remind nya si Matt? Mas okay nga kung hindi nya maisip yun e, di ba?
"Hatid ka na namin, Kuya," I offered. Baka humaba pa ang bilin nya at hindi na umalis. Napakasama ko talagang kapatid.
"Huwag na, just have fun, okay?" he said then hugged me. "You behave, or else..." bulong na banta pa ni Kuya sa'kin na sinagot ko lang ng tawa.
"Ikaw bro gusto mo ng hug?" biro pa ni Kuya kay Matt na sinamaan ito nang tingin.
Konting konti na lang talaga, mabubuking ko na 'tong dalawang ito e.
"Sapak, gusto mo?,"asar nitong tugon na ikinagulat ko.
As in gulat na gulat na halos lumuwa na yung mga mata ko. Feeling first time marinig na mag-Tagalog sya. Bihira kasi yang magsalita ng Tagalog. Ewan ko ba sa taong yan. Basta ang alam ko lang love na love ko sya, ha-ha. Di ba, naisingit ko pa.
Tinawanan lang ito ni Kuya Marcus habang lumalayo sa'min. Pinanood na lang namin sya hanggang sa mawala na ito sa paningin namin.
Tinext ko na lang si Kuya na mag-ingat sila sa byahe na nireplyan nya lang ng, "Be thankful. But you owe me one." May pagkindat pa sa dulo ng text.
Nakita kong nakangisi si Mattheus habang nakatingin sa phone nito. Siguro itinext din ito ni Kuya Marcus.
Bumaling ito sa akin nang maibulsa na nito ang phone nya.
"Let's go?" Patanong nitong yaya sa akin sabay ngiti kaya ngumiti din ako pabalik.
Shems, ngiti pa lang yun.
Tumikhim ako para itago ang kilig na nararamdaman ko. "Tara," sabi ko at nauna nang maglakad.
Naramdaman kong pinantayan nya ang lakad ko. Sa sobrang tangkad tuloy nya, nagmumukha akong duwende. Hanggang kilikili nya lang yata ako. Pero I'm still growing, the perks of puberty period.
"Want to go on the rides?,"tanong nitong nakatungo sa akin, "or you want to eat first?,"dugtong nitong tanong.
"Let's eat first," sagot ko habang nakatingala dito. "Ginutom ako sa eksena nyo kanina sa Zipline e," biro ko sa kanya na ikintawa lang nito.
"We're just protecting you," depensa pa nito habang tuloy lang kami sa paglalakad. "KFC or you want to eat some healthy foods?"
"KFC!," excited kong sabi na nauwi sa pagsimangot nang lumihis kami ng daan. Napatawa lang ito sa reaksyon ko habang tumitingin sa relo nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/236581621-288-k996657.jpg)
BINABASA MO ANG
Love between a Man and a Kid
RomanceA cliché story of a man falling in love with his bestfriend's little sister. Not a problem for some, I guess. But this sister of his is way, way younger than us. A 3-year gap is fine. 5 years? Maybe a bit okay. But 10 years?! It never occurred to me...