Chapter 3

148 8 2
                                    

"My Yielly..." bulong ko at napatingin sa papalayong pigura ni Kuya Matt.

Parang echo yun na nagpapaulit ulit sa isip. Hindi ko sigurado kung tama ang pagkakadinig ko o baka nag-aassume lang ako. Pero base sa reaksyon nito kanina parang nagulat din ito sa sinabi. Pati nga si Kuya Marcus napatigil sa pagnguya ng fries e.

Dahil sa naisip, napatingin ako kay Kuya Marcus na kasalukuyang pinagdidiskitahan ang crispy chicken na nasa harapan nito. Bubulong bulong pa ito habang ginagawa iyon.

"Kuya, " tawag ko dito. Tumingin naman sya sa'kin habang nakataas ang dalawang kilay.

"What?" tanong nito at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Tumikhim ako para lumabas yung words na gusto kong itanong. Kaso kinakabahan ako. Baka nagkamali lang pandinig ko.

"What is it?" ulit nitong tanong nung hindi ako nagsalita.

"Ahm..ano..," simula ko na nagpaangat ng tingin ni Kuya sa'kin. " Did you clearly hears what Mattheus had said?," nag-aalangan kong tanong.

Kakagat na sana uli ito sa manok na hawak pero napahinto. Iniisip kung anong isasagot sa tanong ko.

"Sabi nya kukuha syang tubig," balewala nitong sagot. Tinuloy lang ang pagkagat sa manok na hawak.

"No, before that," paglilinaw ko.

Ibinaba nito sa plato ang hawak na manok at pinunasan ng tissue ang kamay at bibig. Pinaningkit pa nito ang mga mata nito bago sumagot sa sinabi ko.

"Ano bang narinig mo?," balik tanong nito sa akin. Nakahalukipkip pa ito habang naghihintay ng sagot ko.

"My... Yielly..," mahina kong sagot habang nakatungo. Hindi ko tuloy makita reaksyon ni Kuya Marcus.

Mayamaya lang narinig ko na ang malakas na pagtawa nito. Kaya napaangat agad ako ng ulo at tiningnan ito nang may pagtataka.

"Oh, come on Gabby," teary eyed na ito kakatawa, "I think you misheard him."

Misheard?

Napakunot noo ako. Hindi ko alam kung anong itutugon kay Kuya kaya tumahimik muna ako.

I know he's watching my reactions kasi hindi pa nito inaalis ang tingin sa akin.

I guess hindi matanggap ng isip ko lalo na ng puso ko na mali ang pagkakadinig ko sa sinabi ni Kuya Matt.

Those words made my hopes rise up. I thought he feels the same way towards me. I thought he likes me the way I like him, too. I thought...

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga naisip ko.

Or maybe I just assumed too much.

Asyumera.. but masisisi nyo ba ako?

He's just too nice kasi. He always looked out for me and very attentive to all my needs. In short, he always makes me feel special.

Ganun din ba ito sa ibang tao? O ganun ito sa akin kasi kapatid ako ng bestfriend nya?

"Geyb-ri-yel," napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang paraan ng pagtawag sa akin ni Kuya Marcus. "Sounds the same, right?" tanong nito sa akin.

Napakunot noo ako pero tumango din kalaunan.

"That's what he said, so snap out of it,"he lazily said.  "Ang tagal nung tubig."

Tumayo si Kuya pagkasabi nun at susunod na sana sa kusina nang makita namin si Ate Linda, isa sa mga kasambahay namin, na dala ang mga inumin. Nasa likod nito si Mattheus.

Love between a Man and a KidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon