Chapter 25
"Why do you always call me this late? I have a job, you know."
"Yes, and you're the boss! No one is going to fire you, Ylana, come on!"
Hindi ko mapigilan na matawa sa kakulitan ni Favy Ann. Akala ko ay tinawagan niya ako ngayong madaling-araw dahil may emergency siya o kaya ay naglalasing na naman dahil siya na lang ang single sa amin (sa kaniya mismo nanggaling) pero iba pala ang pakay niya: ang yayain akong mag-club bukas ng gabi bilang bonding daw namin.
"I don't know, Fav. I still have lots to take care of," I said as an attempt to pass, even though I know exactly how this is going to end up.
"You know what else needs taking care of? Our friendship! Ngayon ka lang umuwi, ni hindi nga tayo madalas magkita, tapos hihindian mo pa ako ngayon? Quota ka na, Ylana, ah!"
Binitawan ng aking isang kamay ang hawak na mga papel bago ako nag-ayos ng upo. "Okay, okay. Tell me when and where."
Narinig ko ang saglit na pagtili niya sa kabilang linya. "No need, I'll pick you up. Sa condo ka ba ngayon?"
"Yes."
Tumili ulit siya, halatang excited. "Okay, okay. I'll see you tomorrow. Wear something sexy!"
Oh, no problem with that; I have lots packed. Moving into a foreign place was hard for me at first because I was not used to their way of living, so, stepping out of my comfort zone was a big step needed. With years of constantly fitting in, I've adapted their lifestyle — including the accent, how they dress, and how they behave. It actually helped me a lot with coping.
I met a lot of people there, too, most of them I became good friends with. Partying and mostly going out is how they bond so that's when I started enjoying other people's company as well. The sexy dresses I packed with me are mostly gifts from my New Zealand friends, some are personally bought.
Pagtapos ng tawag ni Favy ay nag-asikaso lang ako ng kaunti pang mga papel bago ako natulog. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may kailangan akong kitain sa umaga. Naligo ako bago nagbihis ng pang-opisina at nag-ayos ng sarili. Mabilis lang iyon, mabilis lang din ang naging drive papunta kaya mabilis din akong nakarating.
Sa isang restaurant ang napagkasunduan namin bilang kitaan. Nag-email sa akin ang kumpanyang iyon, nag-o-offer ng sponsorship sa gaganaping unang exhibit ko rito sa Pilipinas. Iyon na rin ang pa-opening ng art gallery ko kaya malaking event ang magaganap, malaking budget din ang magagastos kaya hindi ko tinanggihan itong sponsorship na ito.
Binati ako ng isang waiter bago ako dinala sa nireserbang table namin. Wala pa ang kikitain ko kaya hindi muna ako um-order. Maigi na rin na maaga ako kaysa naman sa late.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ako natanggap ng text galing sa numero lamang.
From: +639556784321
I'm here, Ms. Fera. Tell me exactly where you are. Thank you.
Iyon ang nakalagay roon. Ang weird dahil hindi ito galing sa numero ng dati kong tine-text para sa meeting na ito. Nagduda ako roon pero nawala rin iyon nang makarinig ako ng boses na nagbanggit ng apelyido ko.
"Ms. Fera?"
Sa kaunting gulat ay napatayo ako kaagad para maglahad ng kamay, hindi tinitingnan ang mukha ng nagsalita.
"Pleasure to meet-" Nalaglag ang panga ko, "Oh, my gosh! Primo!"
He went for a hug instead of a supposed handshake. Primo was grinning from ear to ear like he was as delighted as I am with this unexpected meeting.
YOU ARE READING
Since Then, Till Now
Teen FictionYlana Nattalie Ferra and Latch Rylon Dalfuego. Two connected souls that grew together but drifted apart. Faced the struggle of love and connection. But will that love connect their souls again?