07

13 0 0
                                    

Chapter 07

"Ylana, focus!" sigaw sa akin ni Coach.

Kanina pa ako distracted sa laro. Simula noong makita ko kasi kung sino ang babaeng tumabi kay Latch ay halos matulala na ako. Buti nga hindi pa ako natatamaan ng bola sa kahibangan ko.

Nang i-set sa akin ni Favy ang bola ay malakas akong nag-spike. Hindi nasalo ng kalaban kaya naman nagpalakpakan. Nakita kong nakatingin sa akin si Latch habang kinakausap siya ng katabi niya.

Bakit hindi niya kinakausap? Si Ateng maganda 'yun, ah?

Kung bakit distracted ako ay hindi ko alam. Siguro nagulat lang ako dahil akala ko ako pa ang lalapit para kay Latch, ayon pala ay kusa naman pala lalapit sa kaniya.

Sinenyasan ko siyang kausapin niya ang babae pero nanatili ang tingin niya sa akin.

Bakit ba siya nakatitig sa akin? Kawawa naman si Ate, kanina pa nagsasalita, sayang laway!

I was trying so hard to focus on the game when it resumed. Iniiwasan ko ang tumingin paminsan-minsan sa gawi nila.

Ano kaya ang pinag-uusapan nila at mukhang hindi interesado 'yung isang 'yon?

Tha game ended fast. Kalaunan ay hindi ko na naisip sila Latch dahil kinabahan na ako sa laro kanina, ang dikit kasi ng score kaya hindi ko na magawa pang tumingin-tingin.

"Nice game!" bati ko habang nakikipagkamayan.

Hindi naman kami masyado nahirapan sa game na ito dahil konting kaba lang ay natapos na din naman. Pumunta na kami sa aming tent at nagpahinga. Kukuha na sana ako ng tubig habang nagpupunas nang pawis nang biglang may sumulpot na bottled water sa aking harapan.

"You did great. Congrats," aniyang nakangiti sa akin.

"Thanks! Oh? Nasaan na 'yung kausap mo kanina?" sambit ko at uminom na.

"Hindi ko alam," He shrugged.

"What do you mean hindi mo alam?" Now I'm confused.

"Lana, hindi nga ako interesado," he said calmly.

Pinaningkitan ko pa siya ng mata saglit at hinayaan na. Hindi naman daw pala. Sayang naman! Mukhang bagay pa naman sila!

"May game pa kayo?" I asked.

"Wala na," sagot niya naman. "Do you want to eat?"

"Uy! Sasabihin ko pa lang sana! Tara!" Hinatak ko na siya papunta doon sa mga food stands.

Noong nandoon na kami ay muntik na akong sumigaw nang may kumurot sa tagiliran ko.

"Galing mo sa spike kanina, ah? Parang hinugot sa inis, ang lakas eh," pang-aasar ni Favy habang tinataas-taas ang kilay.

"Hi, Latch!" bati niya nang makita kung sino ang katabi ko.

"Hi, Favy," ngiting bati naman ni Latch.

"Tumigil ka nga, Favy. Anong inis pinagsasasabi mo diyan?" I gave her a disgusted face. She laughed.

"Hindi pa ba kayo nagsasawa sa mukha ng isa't isa? Hanggang dito ba naman ay lagi kayong magkasama," sabi niya at bumili na.

Nang kami na ay tinanong na ako ni Latch at siya na ang bumili. Mag aabot na ako sa kaniya ng bayad pero ibinalik niya sa akin iyon.

Hay... Nadagdagan na naman utang ko.

Kumakain na kami ngayon ng siomai kasama si Favy. Nakatayo lang kami dahil kapag doon kami kumain sa stand ay mahaharangan namin iyon.

Isang piraso na lang sana ay ubos ko na ang akin nang may biglang sumagi sa aking balikat, isang player na natakbo, dahilan kaya natapon sa jersey ko ang toyo.

Since Then, Till Now Where stories live. Discover now