Chapter 15
Sa tuwing training ay hindi ko maiwasang mahiya dahil sa nangyaring pagpalit sa akin. Nababati pa rin naman ako ni Coach pero hindi ko alam kung friends pa rin kami, may tampo ako sa kaniya.
Sa FTM Dance Troupe naman ay nagpapractice kami tuwing friday kung kailan wala kaming training kaya napapagsabay ko naman.
"Naiirita na talaga ako d'yan sa babaeng 'yan! Kung nasaan si Latch sumusulpot bigla akala mo kabute!" padabog na nilapag ni Favy ang bag niya sa upuan.
"Tss! Hayaan mo siya." Nilapag ko na rin ang bag ko, "She likes him, let her be."
I can't.
Ang lakas ko magsabi sa iba pero hindi ko naman magawa sa sarili ko. I can't help but be bothered by her, lalo na noong lagi niya nang sinusundan si Latch. Akala ko magkakasundo kami kahit papaano pero nawala na iyon noong ipinalit siya sa akin. Hindi ko na gusto ang presensiya niya.
Nakinig kami sa klase buong umaga at kumain naman noong lunch. Niyaya ako ni Gab pero sinama ko sila Favy at Inna, na-mi-miss ko na rin si Inna Jane at hindi ko na siya lagi nakakasama. Noong natapos naman ang klase ay nag training na kami. Ganoon ang nangyari hanggang sumapit ang Sports Fest.
"Okay, guys. We need to win, okay? Do your best!" ani Ashley bago nagsimula ang first game namin for today.
Dati ako ang ganiyan.
Latch is watching so I did my best. Ayaw kong mapahiya. Sa tuwing makaka-score kami dahil sa akin ay nakikita ko siyang pumapalakpak, ganoon din si Primo sa tabi niya habang pinapanood ang kaibigan ko.
Nang matapos ang game ay dumiretso ako kay Latch dahil nasa kaniya ang gamit ko. Tumayo kaagad siya nang makalapit ako, he handed me my towel before he opened my tumbler.
"Congrats, spike master." Binigay niya 'yon bago kinurot ang tungki ng ilong ko. I glared at him while drinking.
"Thanks," Nagpunas ako ng pawis at hinampas siya sa braso, "And stop with the 'spike master'."
Tumawa siya kaya hinampas ko ulit siya sa braso. Epal.
Magsasalita na sana ako ulit nang may mauna sa akin. When I heard who it was, I can't help but roll my eyes.
"Congrats, Ylana! You were great." Hindi ko alam kung plastik ba 'yung ngiti niya o ano kaya nginitian ko na lang siya, "Hi, Latch! When's your next game?"
Kailangan talaga kay Latch siya magtanong? Hindi puwedeng tingnan na lang sa schedule? Pinigilan ko talaga ang sarili kong umirap. Bawat araw nadadagdagan 'yung pagkairita ko sa kaniya.
I stood there waiting for their little chat to be over while holding my tumbler and my towel. Tumingin na lang ako sa malayo para hindi mag mukhang usisera.
"10:30, why?" Kahit hindi ko nakikita paniguradong nakakunot na ang noo niyan.
"Oh I was just asking, manonood kasi ako." She plastered a sweet smile.
Tinanguan naman siya ni Latch, "We'll go ahead." Hinatak na ako ni Latch doon. Nakita kong umawang ang bibig niya habang sinusundan kami ng tingin.
Hmp! Ano ka ngayon?
Binitawan ako ni Latch nang makarating kami sa tent. Hinatak niya ang isang upuan at pinaupo ako roon. Kumuha rin siya at umupo sa tabi ko.
"So? When's your next game?" pang-aasar ko. Kunot-noo siyang bumaling sa akin bago umirap.
Tinawanan ko naman siya dahil natutuwa talaga ako kapag kumukunot ang noo niya.
YOU ARE READING
Since Then, Till Now
Fiksi RemajaYlana Nattalie Ferra and Latch Rylon Dalfuego. Two connected souls that grew together but drifted apart. Faced the struggle of love and connection. But will that love connect their souls again?