Chapter 11
"Ylana, can you at least reconsider?" Mom said, following me to my room.
"Ma, why do I have to study there kung p'wede naman po rito?" I almost begged.
"Lana..." her voice is now calm. "Magandang offer 'yon. I thought you want to have your own art gallery someday? That's a good oppurtunity to expand your horizon!" She sat beside me.
Kakauwi lang namin galing sa Hacienda De Ferra, our ancestral house in Visayas. We spent one week there and I was happy and free the whole time because I spent it with my cousins, my Titas and Titos, and Lola. Akala ko ay uuwi akong masaya, pero ngayon pa naisip ni Mommy sabihin sa akin ito.
"You want me to leave?" I looked at her with my puppy eyes. She sighed.
"Lana..." She cupped my face. "Think about it. Marami pa namang oras." She kissed my forehead before she left.
Napabuntong-hininga akong humiga sa kama. I don't want to leave.
Days passed at unti-unti din akong naburyo sa bahay. Buti na lang at nagyaya sila Tita Lani na lumabas. Ayaw ko rin namang tuluyang mabulok sa bahay ngayong bakasyon.
It's already sunset and I'm sitting at a picnic blanket with Latch, watching the lights from the city infront of us. Nandito ulit kami sa pinuntahan namin noong nanalo ako ng Ms. Intramurals noong Grade 6.
"Lana, are you even listening?" tanong sa akin ni Latch.
"Huh? Wait, hindi ko narinig." Tinitigan niya ako.
Hindi ko alam na kanina pa pala ako nakatulala habang nagsasalita si Latch. Hindi pa rin kasi matanggal sa isip ko iyong sinabi ni Mommy. Ilang araw na pero hanggang ngayon nasa isip ko pa din.
He sighed and looked infont. "Sabi ko you and your friends should come with us this Friday. Beach trip."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Beach trip?! Sa wakas! Naramdaman ata ng universe ang boredom ko!
"Really?! P'wede?" I sound like a kid offered to go to Disneyland.
"Yeah. Sabihin mo sa kanila may service tayo. Libre na rin ang entrance at food. All they need to bring is themselves," sabi niya pa na mas kina-excite ko.
"Okay! I'll tell them right now!"
Huhugutin ko na sana ang cellphone ko nang pigilan niya ang kamay ko.
"P'wede naman mamaya."
Right.
Ayaw niya nga palang nag ce-cellphone kapag ganito. Pinapagalitan niya ako lagi sa tuwing nasa labas kami at hawak ko ang cellphone ko. Sabi niya kasi ay i-enjoy ko daw ang real world kapag nasa labas, hindi puro pindot. May point naman siya.
"Feeling ko may something kay Primo at Favy," sabi ko nang umupo na ulit nang maayos. "Madalas na sila nagpapansinan eh. Mukha pang masaya si Favy."
Natawa siya sa akin. "Maybe they're friends now," aniya sabay kuha ng pagkain sa gilid.
"I don't know. May iba eh! Dati kasi kulang na lang isumpa niya si Primo tapos ngayon ni hindi man lang sumasabay sa akin tuwing lunch," pag-ra-rant ko pa.
"Paano, iba kasama mo," he said, almost like a whisper.
"Hoy, narinig ko 'yon, ah!" siga kong sabi sa kaniya.
Bumaling siya sa akin. "Bakit? Ide-deny mo?" panghahamon niya.
Aba! Palaban!
"Hindi! Eh p'wede naman siyang sumama eh," pagdadahilan ko pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/222747015-288-k908339.jpg)
YOU ARE READING
Since Then, Till Now
Novela JuvenilYlana Nattalie Ferra and Latch Rylon Dalfuego. Two connected souls that grew together but drifted apart. Faced the struggle of love and connection. But will that love connect their souls again?