Chapter 01
"Ylana? Baby? Lalambot na 'yang cereal mo."
Agad akong napatingin sa kinakain ko dahil sa sinabi ni Mommy at nagmamadaling inubos iyon.
Papasok ako ngayon sa school at Monday ngayon kaya hindi ako puwede ma-late. Bigla ko na naman kasi naalala 'yung sinabi sa akin ni Latch noong gabing naglaro kami ng tagu-taguan! Hindi ko alam kung inaasar niya lang ako no'n kasi napikon siya o kung totoo talaga 'yung sinabi niya.
Tinanggal ko na iyon sa aking isip at tumayo na para suotin ang aking backpack.
Hahalik na sana ako kay Mommy nang maalala ko 'yung project namin nila Inna at Favy. Ngayon 'yon ipapasa!
Dali-dali akong umakyat sa aking kwarto at bumaba na nang makuha ko 'yon. Nagpaalam na ako kay Mommy at tuluyan na sanang aalis nang magsalita siya.
"Ay, anak! Day-off ni Manong Raul ngayon kaya doon ka daw muna sa kotse nila Tita Lani mo!"
Oh, great.
Manong Raul is our driver. Since sa dulo lang ng street ang bahay nila Latch, sinasabay na ako nila Tito and Tita kapag wala akong service.
Gaya ngayon. Ayaw ko man, eh, wala akong choice. Naiilang pa kasi ako sa sinabi ni Latch kaya parang ayaw ko pa siya makita ngayon.
Bakit niya ba kasi sinabi 'yon? Ano bang trip niya? At bakit sumakto pa sa day off ni Mang Raul?
Naglakad na ako sa bahay nila Tita at pinapasok naman ako agad ng guard dahil kilala naman nila ako.
"Good morning Ylana, baby!" Niyakap agad ako ni Tita at hinalik-halikan pa sa pisngi nang makita niya ako. Nang makuntento siya ay binitawan niya na ako at tinawag na si Latch.
Ang bagal naman no'n! Kumakain pa siguro.
Umupo na lang muna ako sa sofa habang hinhintay siyang matapos para makaalis na kami. Hindi naman nagtagal ay lumabas na siya sa dinning room at nagpaalam na kay Tita.
Tahimik ang naging biyahe namin papunta sa school. Hindi ko alam pero parang naiilang din sa akin si Latch. O baka sadyang tahimik lang siya ngayon? Hindi ko na inisip pa masyado.
Lumabas na ako sa sasakyan at pumasok sa school. Nilingon ko pa siya saglit para siguraduhin kung nakasunod ba siya sa akin. Napansin niya nga ako ngunit hindi ako kinausap.
Anong problema nito? Baka masama ang gising?
Hinayaan ko na lang siya at dumiretso na sa classroom. Pagkapasok ko ay nandoon na kaagad si Inna at Favy na nag-uusap sa kanilang upuan.
"Please sabihin mong hindi mo naiwan 'yung project natin!" bungad sa akin ni Favy na parang nagmamakaawa pa.
Kinuha ko sa bag ko ang folder at pinakita 'yon sa kaniya. Kinuha niya iyon at pumapalakpak pa habang nagtatatalon.
Ang taas naman ng energy nito.
Ilang minuto lang ay nag start na ang klase namin. Tahimik lang kaming nakinig at nag re-recite naman kapag tinatanong. Pabalik-balik man sa isip ko 'yung sinabi ni Latch ay hindi ko na ito pinansin.
Hindi ako puwedeng madistract at baka tawagin ako bigla sa recitation, baka hindi ako makasagot at mapahiya pa ako. Hindi pa kasi ako napahiya sa klase.
Grade conscious ako kaya naman hindi ko kayang magpabaya. Hindi pa ako nawala sa honor roll simula grade 1. Same with Latch. In fact, he's way smarter than me. Siya lagi ang Top 1 sa class nila. Kahit jologs ang tingin ko ro'n, matalino 'yon.
YOU ARE READING
Since Then, Till Now
Teen FictionYlana Nattalie Ferra and Latch Rylon Dalfuego. Two connected souls that grew together but drifted apart. Faced the struggle of love and connection. But will that love connect their souls again?
