03

22 0 0
                                    

Chapter 03

"What is it Latchy-boy?" bungad na tanong ko kay Latch habang binubuksan ko ang maliit na gate ng aming bahay.

Grabe pawis na pawis sila! Totoo ngang may game sila ngayon! Tama naman pala si Favy!

"P'wede makiinom?" hinihingal niya pang sabi.

"Pasok." Sumunod naman sila sa sinabi ko. Tinanguan pa ako ni Primo habang nakangiti. Ganoon din naman si Nico na mukhang lalagutan na ng hininga. "Where's Tito and Tita anyway?"

"They went somewhere. Walang tao sa bahay. Day off nila Manang."

Oh, okay. Kaya naman pala dito dumiretso. Ayos lang naman dahil sanay na naman kami na ganito.

Nang makapasok na kami sa loob ay naabutan ko pang nagbubulungan ang dalawa kong kaibigan. Ano naman kaya ang pinag-uusapan ng mga ito at mukhang ayaw talaga nilang may makarinig?

"Bakit ka ba kasi kinakabahan, Fav?" narinig kong bulong ni Inna nang makalapit ako.

"Anong kinakabahan?! Hindi ako kinakabahan! Mukha ba akong kinakabahan?! "

Natawa na lang ako sa kanila. Sila Latch naman ay nandoon na sa kusina, umiinom ng tubig. Nang matapos sila ay magkakasunod na silang umalis doon at isa-isang nagpaalam.

"Thanks, Lana. Enjoy kayo, Fav and Inna," ngiti pang bati ni Latch habang tinatanguan ang dalawa kong kaibigan.

"Salamat, Lana," nakangiti ring sabi ni Primo. Nakita ko pang lumipat saglit ang kaniyang mga mata sa taong nasa tabi ko.

Bakit may pag-tingin?

"Salamat sa pa-tubig, boss Lana! Hello, Inna!" habol pa ni Nico na matapos akong ngitian ay kumaway pa kay Inna.

"Sige lang! Enjoy sa game niyo!" Sinundan ko pa sila saglit sa gate at kinawayan.

Nang makaalis sila ay hindi ko na kinaya at pinaulanan ko na ng tanong si Favy. Wala naman siyang imik at patuloy lang na kunot-noong nakatingin sa TV, kunwari ay walang naririnig.

Ilang araw na ang nakalipas ah, buti hindi pa siya nagpapalit ng crush?

Bumalik na lamang kami sa panonood at pagkatapos ay nag merienda. Hindi namin namalayan ang bilis ng oras at mag-aalas tres na pala kaya naman naisipan na nilang umuwi. Ayaw pa nga sanang umuwi ni Favy at masyado pa daw maaga ngunit dahil walang kasama si Inna ay wala na rin siyang nagawa.

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may dalawang kamay na pumatong sa mga mata ko. Nanonood ako eh!

"Dapat ba huhulaan ko kung sino 'to?" pang-asar na tanong ko sa kaniya.

Alam ko na naman kasi! Pero dahil hindi siya sumagot ay sasabayan ko na lang siya sa trip niya.

"Uhm... Kuya Will?"

Narinig ko naman siyang tumawa at sa wakas ay tinanggal na ang kamay niya. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ang pinapanood ko.

Pinasadahan ko siya ng tingin at napansin kong naka jersey shorts pa rin siya pero iba na ang pantaas. Naka-white t-shirt na siya ngayon at may hawak din siyang bimpo. Hindi na rin siya pawis.

"Wala pa rin sila Tito at Tita?" Nakita kong umiling siya.

Kaya pala siya nandito. Wala din sila Mommy at Daddy ngayon. Si Daddy ay maagang umalis dahil may meeting daw siya at si Mommy naman ay nasa Firm. Si Daddy kasi ay isang Businessman at si Mommy naman ay Lawyer. Mayroong sariling company si Daddy at si Mommy naman ay may Law Firm. They're both very hardworking. That's one of the things I admire about them.

Since Then, Till Now Where stories live. Discover now