One Shot

3 0 0
                                    

"Nandiyan na si Ma'am!" Sigaw ni Sarah kaya naman nagsi-balikan na sila sa sari-sarili nilang upuan.

Pagpasok ng teacher namin, inilibot niya ang kaniyang mga mata hanggang sa tumama ito kay Sarah,

"Aba! Sa susunod na sisigaw ka, pumunta ka doon sa baba, kunin mo 'yung mic at doon mo i-anunsiyo na nandito na ako." Sabi niya sa kaklase ko.

Nagsi-tawanan kaming magkaka-klase habang si Sarah ay nanginginig at nakatungo. Sobrang lakas naman kasi ng sigaw niya.

Binati namin ang ginang at binati din kami pabalik saka umupo. Hindi naman talaga galit si Ma'am, sadyang malakas lang talaga ang boses ni Sarah kaya siguro ito pinuna.

Ito na ang last subject ngayong araw kaya naman lahat kami ay bibong-bibo makinig at mag-uwian na.

"Dahil malapit na ang Family Day, hindi muna tayo magkakaroon ng klase ngayon," Paninimula ni Ma'am pero nagsigawan agad ang mga kaklase ko.

Ngayon lang kasi ice-celebrate sa school na 'to ang Family Day kaya naman maraming excited.

"Yehey! Wala ng klase!"

"Uwian na!"

"Ma'am lang sakalam!"

"ML na tayo nila Jasper!"

Puro ganiyan ang naririnig ko, syempre isa rin ako sa mga sumigaw. Kapag ganitong may pagkakataon kang sumigaw sa loob ng klase, sulitin!

Natigil lang kami sa pagsasaya nang ibagsak ni Ma'am ang mga libro niya sa table na kahoy at lumikha iyon ng malakas na ingay.

"Ano, masaya kayo? Nakarinig lang ng hindi muna tayo magkaklase, Mga nagsipag-hiyawan na. Eh kung ibagsak ko kaya kayong lahat?!" Sigaw niya samin kaya dali-dali kaming tumungo para hindi masalubong ang mga mata niya.

"Eh kung pasigawin ko kaya kayong lahat diyan sa quadrangle hanggang sa maubusan kayo ng boses? Aba! Pumapasok kayo para mag-aral! kung gusto niyo na umuwi, magdrop kayo at 'wag na mag-aral." Pangangaral niya. Sigawan kasi ng sigawan eh, ayan tuloy mukhang hahaba pa ang sermon.

"Amen," Bulong ni Shan, bestfriend ko.

"Sabay-sabay tayong pumitik at manalangin," Bulong ko habang pinagsasaklob ang mga kamay at pumitik. Hindi ko alam kung ginawa rin ba ni Shan 'yung sinabi ko pero narinig ko ang tawa niya.

"Sige, magtawanan kayo diyan sa likod!" Sigaw nanaman ni Ma'am, Nagulat ako dahil nakapwesto kami sa likod, hindi ako nag-angat ng tingin. Mababaling nanaman sa akin ang galit niyan, eh.

"Tulad ng sinabi ko kanina, hindi tayo magkaklase ngayon. Gusto kong maramdaman niyo ang kahalagahan ng pamilya." Sabi niya, umayos ako ng upo at tumingin sa guro. Sa katunayan, kaya niyang makipagsabayan sa mga trip ng mga estudyante pero hindi niya hinahayaan kapag lumalagpas na kami sa limitasyon namin, kapag nakakaabala kami ng tao o 'di kaya ay tuluyan kaming nawawalan ng respeto.

May pamilya na siya at dito nag-aaral ang kaisa-isahan niyang anak, sa pagkakaalam ko masaya naman ang pamilya nila dahil palagi siyang sinusundo ng asawa niya. Hindi rin siya ganoon katanda at makikita mo ang kagandahan sa mukha kahit na tumatanda na ito. Isa siyang Filipino teacher at halatang hindi baguhan sa pagtuturo dahil sa angking galing niya.

"Lingid sa ating kaalaman na ang Pamilya ang pinakamaliit na sangay ng lipunan ngunit napakahalagang parte sa buhay. Wala naman tayong lahat dito ngayon kung wala tayong Ina na nagluwal sa atin.—" Paninimula ng Guro.

"Ma'am, Wala rin po tayo dito kung wala tayong Ama at Ina na gumawa sa atin!" Sabi ni Marco, ang pinakamakulit sa mga kaklase ko ngunit napakahusay pagdating sa acads.

True ColorsWhere stories live. Discover now