Six

187 6 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Papasok na kasi ako sa office pero sa totoo lang kahit hindi na ako magtrabaho doon kaya ko ng kumita ng pera. I own a two clothing boutique. Pero para mas maggrow pa yung career ko kaya hindi ako nag-resign. Palabas na ako ng bahay ng mapansin ko may malaking truck sa tapat ng bahay ko. May bagong lipat?

Alam ko kasi binebenta nay un kaso masyadong mahal yung presyo kaya walang bumibili. Sumilip-silip ako kung sino yung bago kong maging kapitbahay pero wala naman ako nakitang tao.

Kaya mabilis na ako sumakay sa kotse ko. Pero ang laking gulat ko ng pag-start ko ng ignition, may lalaking kumatok sa driver’s side.

“Hi!” si Apollo na nakangiti sa akin. Naka-sweatshirt lang siya at nakatight jeans. Simple lang pero ang gwapo niya tingnan.

Binaba ko ang salamin ng kotse ko.

“Nanggugulat ka naman. Aga-aga ah? Napunta ka dito.” Tanong ko sa kanya.

“Just to see you.” He answered me.

Nakaramdam na naman ako ng kakaibang tibok sa puso ko. Oh No, ngiti at boses pa lang niya nagugulo na agad ang puso ko.

“Wala kang sasakyan?” I asked him.

“Wala..Coding. Can I ride with you?”

“Sure.”

Kaya sumakay na siya sa sasakyan. Nasa tabi ko siya. Nag-offer siya na siya na lang ang mag-drive pero tumanggi ako. Kaya tinanong ko kung pauwe na siya. He said yes pero ng napadaan na kami malapit sa condo niya hindi siya umimik na bumaba. Kaya nagtaka ako.

“Apollo… malapit na kasi dito yung office ko kaya ibaba na kita malapit sa condo mo.” I approached him.

“Dun na rin ako baba para makita ko yung workplace mo.”

“No, nakakahiya. Baka kung ano isipin nila sa atin.” Kaba-kaba kong sagot sa kanya.

“Bakit ka mahihiya? Wala naman tayong ginagawang masama? Pangit ba ako para makasama?” he said calmly.

Hindi na ako nakipagtalo. Ayoko din kasing mainis ng maaga. Talagang sumama pa talaga ito sa trabaho ko. Hindi ko tuloy alam yung gagawin ko.

Nasa parking lot na kami ng building. Nakababa na kami sa kotse.

“Uhmm.. I am going to work na ha? You can go this way para makalabas ng lobby.” I said. Sasakay na kasi ako sa elevator paakyat sa floor ng office ko.

“Wait..” hinawakan niya ang braso ko. Sa ginawa niya, nakaramdam na naman ako ng kuryente sa katawan ko.

“What?”

“Anong floor ng office mo? What is the name of the company?”

Ngumiti ako.

“10th floor. Maximus Enterprising.”

Lunch time na. Pero wala akong time para dun. Madami kasi pending na dapat agad tapusin. Nagyaya na ang mga kasama kong mag-lunch pero tumanggi akong sumabay. Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ko ng mapansin ko may tumabi sa akin.

“Hindi ako sasabay.. Madami akong rush kaya una na kayo.” Wala sa loob kong sabi.

Pero hindi pa rin umaaalis ang nasa tabi ko. Nakamasid lang sa ginagawa ko. Kaya nagsalita ako ulit.

“May kailangan ka pa ba?” at sabay tiningnan ko kung sino ang nasa tabi ko. Nagulat ako na si Apollo iyon may bitbit na lunch para sa akin.

“Masamang magpalipas ng gutom.” He said at tinabi ang ibang gamit sa table ko. “Kaen muna tayo.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meet the Boy-ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon