Trigger Warning: Self-Harm!!!
Tumigil si Mama sa pagtatrabaho kahit kasisimula pa lang niya at mas tinuon ang pansin sa pagpilit kay Papa na pirmahan ang mga papel. Papa would ignore all of it and try to appease her.
Habang tumatagal ay mas lumalalim ang awa at pag-aalala ko kay Papa at mas nagagalit ako lalo kay Mama.
Wala naman na akong kinakausap sa kanila masyado kahit pa noon. Madalas akong nakakulong sa kuwarto at ginagawa lang ang kung anong gusto ko. Father would let me be because he knows I am trying my best at school and despite not being that smart, I am diligent. At alam ko namang walang pakealam si Mama kahit anong gawin ko. Kahit siguro tumambay ako isang araw sa kuwarto nang hindi kumakain ay hahayaan ako noon. She was busy with her phone all the time. Hindi ko lang alam na ang pinagkakaabalahan niya ang sisira sa pamilya namin.
All this time she was branding my Father the title she deserved.
I hated her so much that I never talked to her. Ang lamig sa buong bahay namin na tinutupok lang ng apoy tuwing nag-aaway sila ay mas lalong tumindi.
Lumabas ako ng kuwarto para umalis na at pupuntang paaralan. I glanced at our dining table after hearing the sounds of utensils.
Naroon si Papa at mag-isang kumakain sa hapag. May nakahandang tatlong plato sa mesa at may mga pagkain na siya mismo ang nagluto.
My Father was always busy at work. Maaga siyang umaalis tuwing umaga kaya hindi siya minsan man nakakapagluto. Mama would cook but whenever she felt lazy, she would just instruct me to buy instant foods at convenience stores.
Nakagat ko ang ibabang labi at dinaramdam ang pagsikdo ng puso. It was even harder to breathe now that I am witnessing it in front of me, of how our family started to fall apart while my Father was holding each strings. Napagtanto kong si Papa lang talaga ang kumakapit simula sa una at hindi lang namin iyon makita. He was striving hard and working to earn money for us to have a better life, hindi ko rin iyon nakita.
I was busy living my own life inside my room, inside my mind and outside our home. Ni hindi ko nagawang tignan ang pagod sa mga mata ng ama ko. I realized that I did not even hold the strings that connects me with this family. We were like individuals living in the same house and stupidly calling themselves a family.
Ibinaba ko ang bag sa sofa namin at mabilis na nagtungo sa kusina. I don't want my Father to finish eating alone. Late na ako sa paaralan ngunit hindi naman problema iyon.
Nakababa lang ang tingin nito sa plato at mabagal ang pagnguya. May baso sa tabi ng plato niya kaya iyon ang napagdiskitahan ko. Kinuha ko ang pitsel sa malapit at sinalinan ang baso ng malamig na tubig.
Nag-angat ng tingin si Papa.
"Oh, sweetie. Aalis ka na?" parang natauhan ito at nagulat pa sa presensiya ko.
Umiling ako at naupo kaharap.
"Mamaya na po. Sasabay akong kumain. Nagluto kayo eh." I grinned sheepishly. Natawa si Papa at inabot ang ulo ko para guluhin ang buhok.
"Sulitin mo na 'yan. Minsan lang 'yan." Tukoy niya marahil sa mga pagkaing nasa hapag.
Napanguso ako at kaagad na kumuha nang marami. I was smiling widely even when my heart was breaking. It was the first time that I saw my Father had this genuine smile in his lips and eyes. Hindi ko maiwasang hindi maluha kaya yumuko na lang ako habang pinapagana ang sarili sa pagkain.
My Father knows how to cook but the taste of my tears feels awful.
"Ang sarap! Dapat parati kang nagluluto, pa! Para naman maganda ang araw ko tuwing papasok sa paaralan."
BINABASA MO ANG
The Heart of a Soul
RomanceAfter Georgina's mother had left their family for another man and blackmailed her father that she would kill herself if he would not agree to divorce, Georgina felt as if something inside her has been missing. The sight of blood had not scared her b...