Chapter 8

17 9 0
                                        

Sumilip ako sa classroom namin at nag-iingat na walang kaklaseng makakita sa aking pasulyap-sulyap sa loob. The class has already started fifteen minutes before! Nahuli ako dahil naeengganyo sa pakikipag-usap.

Our teacher wrote something on the board. Nakatalikod siya mula sa pintuan kaya binalak kong pumaslit nang hindi nila napapansin. Hindi naman kalayuan ang upuan ko. Kung walang magsusumbong ay hindi ako mahuhuli.

But before I could do that, my teacher turned around just when I was on the doorstep. Natigilan siya at umalsa ang kilay pagkakita sa akin. Ang abala kong mga kaklase ay natigil din sa ginagawa at nagsilingunan sa direksyong pinagmamasdan ng guro namin.

"Ah..." I awkwardly stood alone on the doorstep and fiddled with my fingers to calm my pulsating heart.

"Yes, miss Bautista? Do you know what time it is already?"

I bit my lower lip and nodded in accordance. Bumaling ako sa oras na ipinapakita sa screen ng cellphone at binanggit ang oras na naroon.

"9:48 AM na po, Ma'am." I answered.

Napapikit ang guro namin at napailing. My classmates started laughing as if I had said something funny. Ano bang nakakatawa? I just answered my teacher's question about the time. I really just wanted to get inside now and mope on my seat.

Iginala ko ang tingin sa mga kaklaseng chini-cheer pa ako para makahanap ng kaalwanan. My eyes stopped at Noah and I almost jumped from where I stand. Nakatitig siya gaya ng mga kaklase ko ngunit hindi naman siya tumatawa sa sinabi ko kanina. Unlike my classmates who were very interested to witness what was happening, his eyes were evident of boredom and annoyance. Parang gusto na niyang pumasok ako dahil nakakaistorbo ako sa klase.

Pinapasok din naman ako ng teacher namin at dahil na bad mood sa pagiging late ko, nadamay pati ang ibang kaklase namin. Pinakuha kami ng papel at magpapa-quiz daw siya sa mga itinuro niya kanina. Wala ng kalalagyan ang mga madilim na iniisip ko kanina dahil wala na akong karapatang manatili pa roon habang walang alam sa magigin sagot!

Maraming reklamo ang maririnig habang nagaganap ang test at may mga pasaring pa na sa akin papunta. Hindi na lang ako nagsalita at nag-focus. Nagbabakasakali na lang akong may question na alam kong sagutin.

In the end, I got 3 out of 20. Iyong mga kaklase ko ay mababa rin ang scores at may nakakuha pa nga ng bilog. My teacher was so disappointed that only few got passing. Si Noah naman nakakuha ng perfect score. While everyone has him as their eye candy, they don't have the opportunity and liberty to compliment him. Nagsimula na kasi ang mahabang sermon ng guro namin at hindi na lang iyon patungkol sa pagiging late ko dahil halata namang late man ako o hindi, kapag nagkaroon ng test ay ganoon pa rin ang magiging resulta nila. They just have a certain person to put the blame to because they can't accept that they're also to be blamed.

Nang umalis na ang guro namin ay 'tsaka pa nakahinga nang maluwag ang mga kaklase namin. Noah seemingly not affected by the tension rested on his seat. Oo nga naman at siya lang sa lahat ang nakakuha ng perfect score.

Tumayo kaagad si Amanda nang matapos ang subject at nakakrus ang brasong lumapit sa akin. I avoided my gaze at her but still waited for her to say what she wanted to say.

"Saan ka galing?" she asked her brows twitching in irritation.

"Ah, kasama ko sila Maria."

Nangingkit ang mata niya at hindi na sumagot. She just nodded and seemed to believe what I had said. I don't think she fell silence because of the awkwardness upon hearing my friends from other classes' names. Nagkapatawaran naman na kasi ang lahat at may mga pagkakataon pang sabay kami sa lunch. Although it only happen whenever we're not eating on the rooftop.

The Heart of a SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon