Chapter 12

17 10 0
                                        

I've been avoiding close interaction with Noah and Amanda but when I finally join them for lunch, it ascertain what have been bugging me.

Hindi naman nila ako pinipilit kumain ng lunch kasama sila pero hindi mawala-wala ang kaba sa akin kaya naghahanap ako parati ng palusot para makaiwas. Wala namang maghahanap ng palusot ko dahil binibigyan ako ni Amanda ng space. I am certain she knows about what has been weighing me down and she wants me to let go of it completely if I am to approach them again. So it won't deter the friendship that grows with us. Hindi ko lang inakala na si Noah pa ang harap-harapang magsasabi sa akin sa mga palusot kong pilit na itinatanggi. He knows about it! Siguro ay pinagtatawanan niya na ako sa loob-loob!

Kaya kumapit na ako sa pinakamalakas kong laban.

Sa tuwing tanghali ay iniimbita ko sila Frezie kumain kasabay ko. Minsan ay hindi pa sila kumakain sa labas kaya kailangan ko talagang pilitin! Umabot pa ako sa panlilibre sa kanila para lamang pumayag. Hindi naman problema ang pera dahil marami akong ganoon.

Pinili naming sa mall kumain ngayon. We are supposed to have lunch at the cafeteria but Amanda was there. Magkasabay silang kumain ni Noah. Pakiramdam ko nagiging yelo na sa lamig ang kalapit na mesa dahil sa katahimikan ng dalawa. Hindi sila nag-uusap at tahimik lamang kumakain.

"Amanda!" tawag ni Frezie mula sa malayo. Rinig pa iyon ng iba at napalingon din sa amin.

Lumingon si Amanda at nahanap kami na malapit pa sa unahang mga mesa. Bumaling din ang blankong mukha ni Noah sa amin nang marinig na may tumatawag kay Amanda. Our eyes met even among the crowded space. Halos manigas ako sa kinatatayuan ngunit ayaw hayaang ganoon ang mangyari kaya napatayo ako nang mabilis.

Everyone's eyes are now on me. Nakakuha pa ako ng atensyon sa mabilisang pagtayo! I should've done it subtly.

Hindi ako nagpaalam at kaagad na umalis doon. Nakasunod kaagad ang mga kasama kong tinutukso ako at si Maria na sinasaway si Frezie at Moore na huwag akong masyadong tuksuhin.

Alam naman na ni Noah na iniiwasan ko nga siya. I made it obvious for him to realize that. No... it's not that I want him to say it out loud. Sa labis na pakiramdam ko ay hindi ko man lang magawang pakiayon sa paligid at huwag maging agaw-pansin. It's not his fault that he recognized my efforts in avoiding him but it's still embarrassing! Katatapos ko lang aminin sa lahat na gusto ko siya, sigurado akong iritado rin iyon sa pagpapanggap kong biktima. It is not my intention. I just want to run away from people trying to antagonize me again.

"Wala na silang manok. Barbeque na lang binili ko dahil mahirap naman kainin ang crab. Nagmamadali tayo."

Inilapag ni Frezie ang pagkain ko. We decided to eat in the food court. Marami kasing tao sa mga fast food restaurant at mauubusan na kami ng oras sa pagpila pa lang at paghihintay ng mauupuan. Marami namang mapagpipilian sa food court at marami pang bakanteng upuan.

"Thank you..." Ngumiti ako at inusog ang plato nang umupo na rin ang iba kong kasama. Pareho kaming lahat ng binili. Kanina ay bumili rin kami ng organic lemon juice sa first floor.

"May sukli ka, Gia." Inilagay nito ang mga barya at tatlong bente pesos sa bandang gilid ng plato ko.

Nilibre ko sila ng maiinom kanina pero hindi na sila pumayag na magpalibre ng lunch. Nasasanay na silang tumatakbo ako sa kanila para humingi ng mapagtataguan mula sa ibang tao kaya hindi na sila nagdadala ng lunch. Sinasabayan na nila akong bumili rin ng pagkain sa kung saan ko napipiling kumain. Probably they don't want me to feel out of place, pressured and guilty.

We started eating as the conversation I did partake is progressing. Nagtatawanan sila at tumatawa lang din ako kahit hindi nauunuawaan ang biro na nasabi. My smile would eventually fade as they move to another topic. Napapansin nilang ganoon ako sa mga nakaraang araw. I try to be present at the very moment but I can't help it, my mind would saunter into lamenting thoughts.

The Heart of a SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon