Chapter 11

17 9 0
                                        

I felt so helpless at that very moment. In the middle of the crowd where everyone was only there out of curiosity and to eavesdrop, I know I have no accomplice. I felt so alone and wronged. Hindi ko makalimutan ang mapanghusgang mga mata ng mga nakarinig ng sinabi ko at ang gulat na ekspresyon ni Amanda pagkatapos ng aking pag-amin.

And when my eyes averted into another place, he was there.

Hindi ko man lang napansin na naroon siya at gaya ni Amanda ay narinig ang pinag-aawayan namin ng mga babae. Madilim ang ekspresyon niya at mariing nakakunot ang noo. I've never seen him with this intense expression. Parati man ay madilim ang mukha niya ngunit wala ng mas ididilim pa ngayon. His face was read in fury and shame.

It doesn't make it any better now that he's there and heard all of my shameless confession. Kung kanina ay malayo sa hiya ang naramdaman ko, ngayon ay unti-unting gumagapang ang pakiramdam na iyon. I feel angry to myself that I have the guts to feel that way when I just brought shame to Noah.

Bago pa may dumugtong ng salita sa mga nangyayari ay tumakbo na ako papalayo sa kanila. Sa bilis ng pagtakbo ko ay nakakamanghang hindi ako natapilid habang tumatakbo rin ang isipan.

I covered my face with my pillow and started screaming inside my room. My muffled screams and the slight shivering of my voice made me feel even worse. Ramdam ko ang pamamasa ng gilid ng mga mata at ang panunuyo ng lalamunan ko.

Paano ko sila haharapin!?

People would definitely talk about it. Kahit na hindi na masyadong marami ang naroon at nakakarinig ay panigurado akong mayroong magkakalat ng kuwento noon. They will have different versions of what happened and I know my image won't get any better. Sa lahat ng bersyon magmumukha pa rin akong desperado.

In the first place, I was so desperate to fight for myself and our friendship. I was so desperate to fight for my place in their lives. It makes it seem like I am so pitiful.


That is why when weekdays came, I tried my hardest to avoid them.


Sa tuwing nakikita ko lang ang mukha nila ay bumabalik sa akin ang lahat ng pakiramdam sa sitwasyong iyon. And what is reigning is the feeling of embarrassment. Lalo na sa tuwing naaalala ko kung paano nasira ang iniingatang ekspresyon ni Noah sa mga sinabi ko. He's probably so disgusted and ashamed. No one ever shamelessly confessed their feelings to Noah in front of a crowd, while being oblivious to what it could result to.


"Miss Bautista, why aren't you on your seat?"


Huminto ang guro namin sa pagsusulat sa pisara nang mapansing nasa ibang upuan ako. Matuwid ako sa pag-upo at ipinapakitang wala akong balak magsimula ng gulo. I just... wanted to stay away from them. From him.


"Ma'am, ito na po ang bago kong upuan," diretso kong pahayag na ikinataas ng dalawang kilay nito.


"And who says that? I am your adviser. I get to decide your seating arrangement. Bumalik ka ngayon sa totoo mong upuan."


Nakatitig sa akin ang mga kaklase ko at para bang ikinakahiya ako. I bit my lower lip trying to gain sympathy from my teacher. This is the only time I needed their sympathy. Iyon lang ay tinaasan lamang ako nito ng kilay at isinenyas ang upuang kong katabi si Noah.


I pouted and stood up from my seat. Iritado naman ang nakaupo sa totoo kong upuan dahil kailangan niyang bumalik sa upuan niyang hindi katabi ni Noah. With a heavy heart, I walked towards my seat. Ibinagsak ko ang bag na dala at pabagsak ding umupo sa upuan. Nang makuntento ang guro namin ay binalikan na nito ang ginagawa.


The Heart of a SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon