Chapter 2

34 11 16
                                        

"Huwag mo nang ipagkaila sa akin, Javier! Nakita ko kayo ng babae mo! Nakita mismo ng dalawa kong mga mata!"

"Tang ina! Puwede bang tigil-tigilan mo ako riyan sa kahibangan mo, Grace? Nagtatrabaho ako nang maayos dito! Huwag mo akong pinagsasalitaan ng ganiyan!"

Natahimik sila sa labas at nanatili lamang akong tuod sa loob ng kuwarto ko. I sighed heavily and continue scribbling on my notebook. Napangiti ako sa dami ng naisulat ko. Sometimes, pain was really helpful, huh...

Pain was not bad after all. As a writer, I need to feel pain and love at the same time. That makes us feel alive. It was like a food for the heart. Sa dinami-rami ng nangyayaring hindi maganda sa mundo, itong puso kong natatanging nakaramdam ng sakit ang mayroong kakayahang makaintindi noon. Pain makes us understand even more and empathizes. Pain was motivating.

"Nagtatrabaho ako para sa inyong dalawa ng anak natin!" My Father's voice was uncontrollably weak and emotional. Napahigpit ako ng hawak sa ballpen at itinuon ang atensyon lalo sa ginagawa.

"Kung ganoon magtatrabaho ako, Javier upang wala ka ng maisumbat pa sa akin!" si Mama iyon. Kasunod noon ay ang pagbagsak ng pinto sa kabilang kuwarto, marahil tunog na gawa ng Ina ko.

Gaano ko man iwasan ang mga bagay-bagay rito sa loob ng bahay ay hindi iyon maiiwasan. Hindi ko maaaring takpan ang mga tainga at mata, sa ganoong paraaan mawawalan ako ng kakayahang makakita at makarinig. Higit na kailangan iyon para sa sarili ko gaya ng makaramdam. And even when I rest them for a while, my mother and father quarreling will be the only image I could see and sound I could hear. It's heartbreaking but I will be fine.

It will be fine as long as I can feel that I am still existing. Ganoong paraan ko man sila parating nakikita, masaya pa rin ako. Sa tuwing lumilitaw ako sa gitna ng away nila ay pipilitin nila ang mga sariling magbati. If my existence was selfish, that doesn't matter to me at all. Kahit pilit man ang lahat ng iyon masaya ako dahil ganoonpaman, sinusubukan nilang magkaayos para sa akin. I feel important and happy.

"Lunch time!" sigaw ko nang matapos ang huling subject namin sa umaga.

Tumango si Amanda at ngumiti nang marahan sa akin. I flashed a grinning face. Nag-unat ako ng katawan bago nagsimulang magligpit ng mga notebook.

I feel so exhausted inside our class. Kung yayaman kaagad ako sa pagsusulat, hindi ko na gagawin ang pag-aaral! Nakakapagod naman iyon at minsan hindi pa nasusuklian ang pagod mo. Sometimes studying too much will make other students hate you for being ahead of them so why would we even love to go ahead just to be hated?

Going ahead will just give them an opportunity to hold onto your feet. Either to get dragged by you or to stop you midways. Mabigat ang may dinadalang pabigat at nakakababa sa sariling makitang nauuna na sila pagkatapos ka nilang mapigilan.

Naunang akong natapos sa pagliligpit dahil kaunting gamit lang naman ang inilabas ko. Amanda was very keen in taking down notes. She was using lots of pen in different colors. May highlighters pa at stickers. If there's someone's notebook they could borrow to be certain of good scores, it could be Amanda's. Iyon nga lang, ako lang naman ang nakakahiram nito.

"Tara na!"

Hinila ko kaagad siya palabas ng classroom nang matapos siyang magligpit. Nagulat ito sa ginawa ko at halos nagpahila na lang sa taranta nang hindi na kayang tulungan ang sarili. Humalakhak ako habang hila-hila si Amanda sa kamay. She was panting so hard when we reach at the cafeteria.

"Gia, bakit tayo nandito?" aniya pa at luminga sa maraming tao.

"Bakit naman hindi? Mas maganda nga maraming tao kaya mas masaya!"

The Heart of a SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon