04

760 40 0
                                    

𝗦𝗼𝗿𝗿𝘆 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝘂𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲, 𝗯𝘂𝘀𝘆 𝗽𝗼 𝗸𝗮𝘀𝗲 𝘀𝗮 𝗿𝗲-𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗲, 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗸𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗹𝗲𝘁 𝗻𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗸𝗼 𝘆𝘂𝗻𝗴  𝗻𝗼𝘁𝗶𝗳 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗸𝗼 𝗱𝗮𝘄 𝘁𝗼𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗻𝗮 𝘁𝗼𝗵.

𝗦𝗮 𝗡𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗽𝗼 𝗻𝗴 𝗖𝗼𝘃𝗲𝗿 𝗻𝗴 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗻𝗮 𝘁𝗼𝗵, 𝗧𝗛𝗔𝗡𝗞 𝗬𝗢𝗨 𝗦𝗢 𝗠𝗨𝗖𝗛 𝗣𝗢

Enjoy!🥰

"Oh ano hindi ka na maghahanap ng trabaho?" Si ate Athena habang naghuhugas ng pinagkainan niya.

"Tatlong araw na ako nag a apply sa ibang companya pero wala akong mapasukan dahil puro Companya nila Carl Ang itinuturo."

Ang lalaking yun gagawin pa talaga Ang lahat makabalik lang ako sa Companya nila, sa susunod na apply ko at wala talaga akong mapasukan magpapa check up na ko para malaman mo Carl na walang laman na bata yung tiyan ko, Wala kong choice kailangan ko ng pera.

"Hindi kapa ba dinadatnan?" Tanong bigla ni ate.

"Hindi pa tsaka sa 2 pa ko e, bakit?"

Naguguluhan na den ako.

"Nag take kaba ng pills nung pagkatapos niyo ni Carl?"

"Hindi e nakalimutan ko nga."

"Sabagay Wala pa namang isang buwan dadatnan ka naman siguro sa susunod na araw, nag aalala lang ako sa sinabi ni Carl na buntis ka e Wala pa naman palang isang buwan." Tuloy tuloy na sabi niya.

"Bakit ba buntis agad iniisip niyo, Hindi ako mabubuntis ate ano kaba."

Hindi naman talaga, Hindi pa ko handa mag alaga ng bata tsaka mali namin iyong gabing iyon.

"Sige na kainin mo na yung salad dun matatapos na ko dito."pagtataboy niya sakin.

Next week siguro magpapa check up nako, Sayang den yung trabaho ko sa companya nila Carl, Hindi ko nlang siya papansinin pero alam kong gagawa den ng paraan yung tatay niya.

Kumuha ako ng salad sa ref tsaka pumasok sa kwarto, mag s scroll nalang muna ko sa Facebook, nakakawalang gana ngayong araw.

Kinuha ko yung cellphone ko tsaka tumihaya sa kama para mag Facebook.

Puro lang naman about sa KDRAMA at KPOP laman ng news feed ko Wala namang bago dun, ayaw ko den naman mag post ng mga picture ko.

'phone call'

Hindi ko naman kilala yung # ng tumatawag dahil hindi naka save sa cellphone ko.

"Hello." Paunang sabi ko

"Hello po ma'am si Jasmin po ito yung assistant niyo po sa dati niyong trabaho, itatanung ko po sana kung papasok pa po kayo, baka po kase mawalan den ako ng trabaho."

Problema ko pa yun?dagdag pa talaga hah.

"Ah ganun ba, may mga ginagawa pa kase ako kausapin mo nalang si Mr. Clemente na wag ka muna tanggalin sa trabaho baka sa susunod na linggo papasok den ako."

"Talaga po?" Buong galak na boses niya.

"I'm not totally sure."

"Ah ganun po ba, Sige po asahan ko po kayo ma'am, goodmorning na den po pala." Tsaka niya pinatay yung tawag.

Kapag Hindi ako papasok may mawawalan ng trabaho, pareho kaming walang trabaho kapag nagkataon king Inang Carl yun.

Hindi naman talaga mabigat yung trabaho ko doon, puro lang encode at print tsaka magpapa pirma pero dahil sa lalaking yun parang napag iinitan ako ng mga ibang ka trabaho ko.

"AHHHHHHHHHHHH" malakas n sigaw ni ate Athena Pag kapasok niya s kwarto ko may hawak pa siyang loptop.

"Bakit ka ba sumisigaw?"

"Guess what?"

"Hah? Sabi ko bakit ka sumisigaw."

"Hulaan mo nga." Pag uulit niya.

"Sabihin mo nalang kase ng deritso ate Ang sakit sa tenga ng sigaw mo."

Linapag niya sa harap ko yung loptop niya pero hindi ko binigyan ng pansin iyon.

"Wag ka na maghanap ng ibang trabaho mo." Sabi niya sakin habang naka upo sa kama ko.

Kaya napaupo den ako tsaka nag taas ng kilay at naka cross arm.

"Bakit naman?" Subok kong tanong.

"Nag apply kase ako." Pag kwento niya.

"Tapos?"

"Natanggap ako, Hindi na ko mag tratrabaho sa bar kaya wag ka na den mag resign dun sa Clemente building."

"Ano bang trabaho pinasukan mo?bat pati ako nadamay?"

"Natanggap ako agad sa Clemente building, magka pareho na tayo ng trabaho." Masaya pa yung boses niya.

"You've gotta be kiddy me?nung ako nag apply dun mga dalawang linggo ako bago natanggap, bakit ikaw parang dalawang araw lang?"

Ang bilis naman hindi pa nga siya pumupunta sa building.

"Kinausap ko si Carl." Parang sising sisi naman siya ngayon.

Alam ko na susunod dito, sinabi niyang Hindi ako mag reresign kapag natanggap Siya.

"Sinabi kong hindi ka aalis sa Building nila, kaya tinanggap ako kaagad ni Carl." Nakayuko na siya ngayon.

"Ate naman, mas lalo mo lang binibigyan si Carl ng pag asang papasok pa ko."

Tinapik niya ko. "Ito naman hayaan mo na buti nga may trabaho na tayong pareho." Pag kukunsensya niya sakin.

Matutuwa ba dapat ako?

"Hindi ako papasok dun."

"Talaga kahit ganito na lalaki sahod mo?" Kinuha niya yung loptop tsaka pinakita sakin.

Omyghad.

"B-bakit ganyan na kataas?" Tanong ko.

"Ewan ko kay Mr. Clemente gusto ka daw  talaga ng anak niya e."

"9k weekly aba yayaman talaga ako nito."

Tinignan ko ulet yun pero 9k talaga e 3k lang yan noong nakaraan e.

"Arghhh gagawin talaga ng lalaking yun ang lahat makabalik lang ako." Napasabunot pa ko sa buhok ko.

"Ayaw mo ba?akala ko ba gusto mo makaipon?" Si ate.

"Gusto ko nga pero ang unfair naman sa iba."

"Sus gusto mo den naman, tsaka hindi kana den naman ta tanggapin sa ibang Companya ako nga den e."

"Kailan daw unang pasok mo?"

Ngumiti siya sakin bago sumagot. "Kung kelan ka den daw papasok ulet sabi ni Carl."

"Kayo talaga pinag kakaisahan niyo ko noh?" Pag bibintang ko.

"Tsehh pwede ba!" Tsaka nia kinuha yung loptop niya tapos lumabas na ng kwarto.

Gusto ko naman mag maroon ng trabaho pero ayaw ko naman doon.

Bahala na nga tutal kailangan ko naman ng pera tsaka kapag Hindi ako pumasok doon ulet mawawalan ng trabaho si Jasmin tsaka baka bumalik ulet si ate Athena sa bar e puro mga naglalasing yung andun.

Kinuha ko yung salad na naubos ko tska ko hinugasan yung mangkok, pagkatapos pumunta ko sa kwarto ni ate Athena.

HIDING THE Heiress TWINSWhere stories live. Discover now