Chapter 3

149 4 3
                                    

Chapter 3

Pumasok si Andrew sa loob ng kanyang opisina. Siya ang Lieutenant Colonel ng Special Action Force ng PNP at ang may hawak ng Counter-Terrorism Operations ng buong bansa. Dahil sa dami ng trainings na pinamunuan niya ay binansagan siyang “Youngest Lieutenant Colonel” in Philippine history. Ilang beses na ring nailagay sa dyaryo ang mukha niya dahil sa iba’t ibang hostage incidents na nangyari sa Pilipinas, lahat ng mga iyon ay matagumpay na naresolba ng mga loyal at hard-working team members niya. May koneksyon din siya sa NBI kung saan malalaking kaso din ang hinaharap nila. Napakamapanganib ng trabaho na ginagampanan niya sa dalawang ahensiya na iyon at hindi lang minsang nalagay sa bingit ng panganib ang buhay niya. Gayunpaman ay heto siya at hindi natitinag.

 

Ilang segundo rin ang lumipas bago bumalik sa kasalukuyan ang isipan ni Andrew. Napatitig siya sa screen ng kanyang monitor at binalikan ang mga nangyari ng nagdaang gabi sa birthday ng Lola Leonida niya. Patuloy kasi siyang ginagambala ng imahe ng babae na kinulit niya ng kinulit, si Malou. Mukha kasi itong modelo pero hindi ito sobrang payat. Kahit ang paraan ng pananamit nito ay pinag-iisipan at hindi mahalay. Nangiti na naman si Andrew nang maalala kung paano ito pumasok ng bahay ng Lola Leonida niya ng naka-running shoes. Hindi naman sa pangit ang porma nito, nagkataon lang talaga na pagtitinginan ito ng tao dahil semi-formal ang motif ng event.

 

“Sir, nasa line two po si Mister Reyes at hinahanap kayo,” wika ng sekretarya niyang si John na ang palayaw ay Kalbo sa intercom.

 

“Salamat,” sagot niya kay Kalbo bago sinagot ang telepono. “O Jastine, napatawag ka?”

 

“Nasaan ka ba kagabi pare? Kagabi pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot. Tumawag ako sa opisina ninyo pero ang sabi wala ka naman daw kasong inaasikaso,” reklamo ng kaibigan sa kanya.

 

“Pasensiya na, nasa birthday ako ni Lola Leonida. Naiwanan ko sa guest room nila iyong personal cellphone ko kaya hindi ko nasagot ang tawag mo,” paliwanag ni Andrew.

 

“Ah ganoon ba, o paano? Titignan mo ba iyong bahay na sinasabi ko sa iyo dito sa Area Three? For sale na iyon.”

 

Napatingala siya at napaisip. Two weeks ago kasi ay nakapagpaalam na siya sa mga magulang na magsasarili na. Sa edad kasing treinta y dos ay ayaw pa siyang payagan ng mga magulang na bumukod. Natatakot kasi ang mga ito na baka mag-asawa umano siya ng wala sa oras.

 

“Anong oras ba ang Open House para matignan ko?” tanong niya.

 

“Available iyong bahay mula ten am hanggang six pm. Ilang bahay lang naman ang pagitan noon sa bahay namin kaya kung gusto mo doon ka nalang sa bahay tumuloy para masamahan kita.”

 

“Wala ka bang ibang gagawin?” alanganing tanong niya. Minsan kasi ay namamalagi ito sa Blumentritt kung saan nakatira ang mga magulang nito. May compound sila Jastine sa Area Three kung saan nakatira naman ang lolo at lola nito pati na rin ang iba pang mga pinsan at kamag-anak.

 

“Tulad ng?” parang walang ideya si Jastine sa tanong ni Andrew.

 

It Was You After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon