Chapter 8

133 4 3
                                    

Chapter 8

"Jastine, may alam ka ba sa ikinikilos ni Andrew? Nitong nakaraang araw kasi parang may babaeng humahabol sa kanya," kunot noong tanong ni Malou kay Jastine na ngayon ay nasa garahe nila at inaayos ang sasakyan niya.

Lumabas si Jastine mula sa ilalim ng sasakyan. "Wala naman. Ang alam ko walang girlfriend iyon. Actually naghahanap nga si Drew ng liligawan, may kilala ka bang pwede?"

Umiling siya. Lahat halos ng kakilala niya ay may mga kasintahan at asawa na. "Wala e. Ikaw ba walang kilala?" balik-tanong niya kay Jastine.

"Oo, ikaw," turo pa nito bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Adik. Bakit ako e hindi naman ako naghahanap ng boyfriend?"

Narinig niyang tumawa si Jastine. "Natural. Lalake naman talaga dapat ang humanap sa babae at hindi kabaliktaran. Ikaw dapat ang liligawan, hindi ang manliligaw."

Pumalatak siya. "Wala naman akong sinabing manliligaw ako ng lalake."

"Oo nga, pero pwede kang ligawan, tama ba?"

"Hindi."

"Bakit naman?"

"Dahil ayokong sayanging ang oras ko at ang oras ng mga lalake na manliligaw sa akin."

"Paano mo naman nasabi na masasayang ang oras nila, aber?"

"Una, kukulitin nila ako, tatawagan, itetext, kakausapin sa Facebook. Wala silang mapapala na sagot mula sa akin."

"Hindi pagsasayang ng oras ang tawag doon kundi pagpupursigi. They are pursuing you kaya gusto nila ang ginagawa nila whether their time is being wasted or not."

"Babasted-in ko rin naman sila kaya sayang lang."

"Sa iyo siguro sayang pero sa kanila hindi. Isa pa, kahit siguro mambasted ka ng lalake kung gusto ka talaga nila hindi mo sila mapipigilan," sagot ni Jastine bago lumabas at tumigil sa ginagawa.

"Wow!" natatawang wika niya sabay palakpak. "Spoken like a true playboy," aniya kay Jastine bago ito sinimangutan.

"Playboy ka diyan. Mabait ako ha!"

"Oo nga, mabait ka nga. Mabait na playboy. Iyon nga ang sinabi ko."

"May topak ka na naman ano?" natatawang tulak ni Jastine sa kanya.

"Ewan ko sa iyo," sagot niya bago iniabot dito ang itinimpla niyang orange juice. "Magpalamig ka na nga lang muna dahil parang puno ng hangin ang utak mo e."

Pumalatak si Jastine bago naupo sa lamesa niya. "Paano na Lou kung ligawan ka ni Drew, sasagutin mo ba siya?"

Ngumiti siya ng sobrang tamis. Sinasabi na nga ba niya at may pinatutungkulan si Jastine sa mga hirit nito sa kanya. "Are you kidding me? Kaibigan lang ang turing ko doon ano!"

"Wala ka man lang ba kahit na katiting na feelings for him?"

Umiling siya. "Hindi ako liligawan noon dahil sinabi ko sa kanya na ikaw ang gusto ko."

Napailing si Jastine. "Masokista ka rin ano? Hindi tayo talo hindi ba?"

"Oo nga. You're just my shield from guys like him kaya huwag ka nang magreklamo," sagot niya bago naupo sa tabi nito. Medyo masakit para sa kanya na marinig mula rito na hindi siya nito gusto romantically. Matagal na niyang gustong marinig dito na may pagtingin din ito sa kanya pero mukhang hindi iyon mangyayari.

Kawawa ka naman puso.

"Andrew is a good guy."

"So are the rest of the male population here in the Philippines," balik niya. "Your strategy won't work on me Jastine. Magkaibigan lang talaga kami ni Andrew."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Was You After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon