Chapter 5
“Miss Rico, may naghahanap ho sa inyo sa labas,” anang security guard na si Olan. Kinakabahan ito at hindi alam ni Malou kung bakit.
“Kilala mo kung sino?” tanong niya.
Umiling ito. “Nakasibilyan hong lalake pero mukha pong kayo ang sadya dahil kayo nalang ang titser na nandito sa building e.”
“Sigurado ka ba na ako ang hinahanap?” tanong niya bago tumingin sa sariling relo. Lahat nga ng kasama niya ay umalis na. Coding ang sasakyan niya ngayon kaya nakatambay siya sa Faculty Room nila. Palilipasin muna niya ang trapiko bago umuwi ng bahay. Wala kasing pasok sina MJ at Rhea sa umaga kaya hindi niya magawang magpasundo sa dalawa at si Jheymie naman ay gabi pa ang uwi mula sa bangko.
“Oho. Kung hindi ko nga ho tinanong kung sino ang pakay niya siguro ho hanggang mamaya iyon maghihintay doon. Boypren ho siguro ninyo.”
Napakunot-noo si Malou dahil wala naman sa pamilya niya ang nagsabing dadalaw. Kahit ang Papa niya ay hindi siya madalas na binibisita sa eskwelahan dahil busy rin ito sa sariling negosyo.
“Sinabi mo ba na nandito pa ako?”
“Hindi ho. Ang sabi ko lang ho titignan ko kung nandito pa kayo.”
“Okay, salamat,” nakangiting sagot niya. “Sabihin mo umuwi na ako. Wala akong kilalang lalake na susundo sa akin kaya nakasisiguro kong hindi maganda ang pakay noon.”
“Wala ho ba kayong pinagkakautangan?” biro pa ng gwardya sa kanya.
“Mukha ho ba akong nangungutang?” ganti naman niya.
“Hindi naman ho. Nagbabakasakali lang ako.”
“Kayo talaga Mang Olan, kahit kailan talaga palabiro. Pakisabi nalang ho paglabas ulit ninyo na nakauwi na ako.”
“Areglado ho, Miss Rico,” anito bago lumabas.
“Sinong naghahanap sa iyo?” tanong ni Miss Corazon na kapwa niya guro. Mukhang bumalik ito dahil may nakalimutan na naman.
“Wala ho. Nagkamali lang ng hinahanap,” aniya bago ipinagpatuloy ang pagtipa sa keyboard. Patapos na siya sa written quiz na ibibigay sa klase niya dalawang araw mula ngayon.
“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ulit ni Miss Corazon.
“In ten minutes ho siguro,” aniya.
“Okay, sige, mauuna na ako. Huwag kang magpapagabi, iha.”
Tumango siya bago nagpasalamat. Ang totoo, she needed to remove Andrew from her thoughts kaya nagpaiwan siya. Sakto na marami siyang gustong gawin kaya naman mawawaglit ito sa isipan niya.
BINABASA MO ANG
It Was You After All
RomanceLou is a funny yet reserved type of person and being a teacher who loves sleep and lives with her three cousins, she's not bound to anything, even LOVE. But things changed when her close friend Jastine came back, she was hoping that they could start...