Chapter 2
Pumasok na sa bakuran si Malou habang naka-running shoes. Mabuti nalang at Nike ang tatak noon kaya ayos na rin at hindi siya mapapahiya. May ilang tao ang tumingin sa kanya dahil ayos na sana ang pang-itaas niya, ang sapatos lang na suot niya ang rason kung bakit kakaiba siyang tignan.
I do not care kung anuman ang tingin ninyo sa akin, I will wear whatever I want.
“They thought that you’re a Koreana,” anang boses na nagmumula sa likuran niya.
“Koreana your face,” sagot ni Malou bago hinarap ang kumakausap sa kanya. Kilala na kasi niya ito sa tagal nilang nag-usap kanina. “Bakit mo ba ako sinusundan ha?”
“Hey!” nakataas ang kamay na sambit ng lalake. “Iisa lang ang gate papasok sa bahay kaya pareho lang tayo ng dadaanan. I swear, if there’s another way malamang hindi tayo magkakasabay.”
“May pa-swear swear ka pang nalalaman diyan,” ingus dito ni Malou. “Ngayong nakapasok ka na, lubayan mo na ako. Hahanapin ko pa ang nanay ko kaya tsupi!” pagtataboy niya. Napansin niyang matangkad ito pero hindi kasintangkad ng mga kabarkada niya na puro basketball player sa UST kung saan siya nag-aral ng kolehiyo. Matangos ang ilong nito at lalakeng lalake ang kulay dahil hindi ito kaputian. Mabango din ang pabango na ginamit nito. All in all ay bagay dito pati ang simpleng dress pants at long sleeve na suot nito. Ngayong nakikita na niya ng maayos ang mukha nito at kabuuan ay isang salita lang ang naiisip niya na nababagay para i-describe ito. Babaero.
Nginitian siya nito at sinaluduhan pa bago siya iniwanan. Siya naman ay tuluyan na ngang humalo sa mga tao para hanapin ang kanyang ina na dapat ay naghintay sa kanya sa entrada ng bahay para hindi na sana sila naghahanapan.
“Lou!” hiyaw ng nanay niya na nasa tapat ng buffet table at may kausap. “We’re here!”
Nilapitan ni Malou ang ina, hinalikan sa pisngi at binati ang mga kausap nito. “Akala ko hihintayin mo ako sa harapan para sabay na tayong papasok Ma?”
Tinignan lang si Malou ng kanyang ina bago pinasadahan ang suot niya. “What happened to your shoes?”
Yumuko siya para tignan ang sapatos na suot. “I was going to wear my heels when some jerk outside made fun of what I am wearing so tada! I wore these. Okay naman hindi ba?”
“You look like a Korean. Blond na nga ang buhok mo tapos ganyan ka pang manamit?”reklamo ng nanay niya sa kanya.
“Ma, not in front of your friends,” awat ni Malou sa ina na nagsisimula nang manermon. Kada nalang kasi nagkikita sila ay may napapansin ito sa kanya. Besides, ayaw niyang napagkakamalang taga-Korea, mas mukha naman kasi siyang Intsik o Haponesa.
“Right, sorry about that honey,” sagot naman nito sabay lingon sa mga kaibigan na nakatingin lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
It Was You After All
RomanceLou is a funny yet reserved type of person and being a teacher who loves sleep and lives with her three cousins, she's not bound to anything, even LOVE. But things changed when her close friend Jastine came back, she was hoping that they could start...