Chapter 4

135 5 2
                                    

Chapter 4

“Sumama ka na sa akin, diyan lang naman tayo pupunta e,” yakag ni Jastine kay Lou. Kadarating lang nito at agad na umano itong pumunta sa bahay nila.

 

Kumunot ang noo ni Lou. “Ano na naman iyan ha? At saka saan tayo pupunta?”

 

Nginitian siya ni Jastine. “Sa amin, nandoon sina Reyver at Riyan,” sagot nito na ang tinutukoy ay ang iba pa nitong pinsan na kababata rin niya. “May ipakikilala ako sa iyo kaya halika na!”

 

Natigilan si Lou at napatitig kay Jastine. Sana hindi babae. “Tao?” tanong niya.

 

“Oo naman, alangan namang bagay,” tatawa-tawang sagot ni Jastine sa kanya. Kung alam lang nito na biglang bumigat ang mga paa niya dahil baka potential girlfriend na nito ang ipakikilala nito. Huwag nalang siguro siyang sumama.

 

“Matutuwa ba ako kapag nakilala ko siya?” kinakabahang tanong niya.

 

“Oo naman, kasi dito na rin siya titira sa lugar natin in no time,” sagot ni Jastine.

 

What? Ito na siguro ang pinaka-kinatatakutang araw niya sa kanyang buhay. Magpapakasal na kasi si Jastine at magsasama na ang mga ito at dito pa sa Area Three nito pinili na manirahan.

 

“Ah, eh… teka lang ha, babae ba iyan?” alanganin ang ngiting tanong niya. Pasimple pa niyang pinagkrus ang dalawang daliri niya at nanalangin na sana ay hindi matupad kung anuman ang iniisip nito.

 

Tinapik siya ni Jastine sa balikat. “Ano ka ba? Para kang namatayan diyan sa pagtatanong. Hindi babae, lalake!” anito bago tumalikod at bumaba ng hagdan ng bahay nila.

 

Susmaryosep!

 

“Jastine, teka lang,” naiiyak nang wika niya. “Ano… matanong ko nga, may...may mga itinatago ka bang hindi namin alam?”

 

Napakunot ang noo ni Jastine dahil sa tanong niya. “Oo, naman, lahat naman tayo mayroong itinatago na hindi alam ng iba. O ano, sasama ka ba?” tila nagmamadaling tanong nito.

 

Napalunok si Lou. “Isang tanong nalang bago ako sumama sa iyo kung okay lang… Uhm, closet queen ka ba?” nakapikit ang isang matang tanong niya.

 

“Are you out of your mind?” hindi makapaniwalang bulalas nito. “Straight ako ano! Para ka talagang sira!” ani Jastine bago umakyat at hinigit ang mga kamay niya. “Tara na, malamang pinapapak na ng mga tiyahin ko ang taong ipakikilala ko.”

 

“Sino bang ipakikilala mo sa akin?”

 

“Best friend ko lang naman,” sagot nito. “Rhea! MJ! Jheymie! Hihiramin ko muna itong magaling na Ate Lou ninyo ha!” sigaw nito sa mga pinsan niya na nasa sala.

It Was You After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon