Chapter 7
"Nakatulala ka na naman diyan, Drew?" puna ni Jastine sa kanya. Nakapangalumbaba kasi siya habang nakatingin sa pintuan. Nasa opisina niya sa bahay si Justine at inaasikaso na nito ang nalalapit nitong kasal.
"Feeling ko masasaktan si Malou kapag hindi mo sinabi sa kanya na ikakasal ka na," wala sa loob na sambit niya.
Napakunot noo si Jastine. "Bakit naman?"
"She likes you, remember?" pagpapaalala niya rito.
"She likes YOU!" turo nito sa kanya. "Hindi ako ang tipo ng lalake ng babaeng iyon dahil mas mukha raw akong babae kaysa sa kanya," natatawang sagot ni Justine.
"I don't think so," nakasimangot na sagot na naman ni Andrew.
"Hoy, parang wala ka sa sarili. May nangyari ba habang wala ako?"
"Walang mangyayari," pag-amin niya rito. Mukhang hanggang pakikipagkaibigan lang ang talagang mararating niya kay Malou. "She doesn't like me."
"Pare, never pa akong tinulungan ni Malou na mag-ayos ng bahay. Hindi pa rin niya ako nagawang pahiramin ng futon mattress niya."
Pumalatak si Andrew. "Isang kanto ang layo ng bahay ninyo sa kanila kaya hindi ka niya magagawang pahiramin ng futon, medyo mabigat para buhatin niya iyon kaya impossible. Isa pa, nakatira ka sa Lola mo kaya paano ka niya tutulungan sa pagbili ng mga gamit?"
"Oo nga, pero-"
"Hindi niya ako type," sagot kaagad ni Andrew.
"Type ka nga noon, hindi pa lang niya nare-realize pare. Never give up uy!"
"Never give up?" nagtatakang tanong ni Andrew kay Jastine. "Paano akong hindi gi-give up kung ikaw ang gusto niya?"
Tumawa ng malakas si Jastine. "Para kang nagbibinata, Drew, samantalang kilala ka bilang isang matapang na alagad ng batas. Hindi kami talo, okay? Wala akong gusto kay Malou kaya dapat panatag ang loob mo na hindi ko siya didigahan. I'm getting married in six months time, bro. At take note, hindi siya ang pakakasalan ko kaya huwag mo akong tignan na parang pinagpaplanuhan mo na kung paano mo ako papatayin dahil hindi mangyayari ang kinatatakutan mo. I only see her as a sister, not as a lover."
Napahawak sa sentido si Andrew. Totoo naman na hindi niya karibal si Jastine pagdating kay Malou dahil mahal na mahal nito ang girlfriend nito at ikakasal na ang dalawa ilang buwan mula ngayon. Nag-aalangan lang siya dahil sa nararamdaman niya at insecure siya sa closeness nina Malou at Jastine. "Hindi ko pa naramdaman ang ganito. I've never felt so down and desperate for a woman's affection. Aaminin ko pare, kampante ang pakiramdam ko noong wala ka dito dahil magkasama kayo ni Arlene at hindi ka niya nakikita. Pero ngayong nandito ka na-""Hindi bagay man," natatawang bulong ni Justine. "Tigilan mo ang pagseselos mo dahil wala kang karapatan na pagselosan ako. Hindi nga kami talo ni Malou 'di ba? Besides, nasa bahay si Arlene ngayon dahil kasama ng mga pinsan ko na mamimili ng bulaklak sa Dangwa. Ipakikilala ko siya sa iniirog mo para hindi ka na manibugho." Puro malalalim na salita na ang binibitiwan ni Jastine dahilan para magtaka na siya. In love na in love nga talaga ito dahil lumalabas lang ang pagkamakata nito kapag high ito sa pag-ibig.
"Mukha na ba akong desperado?" natatawang tanong niya.
"Hindi pa naman. Hindi naman kasi halata na insecure ka sa akin e." tatawa-tawang sagot ni Jastine. "Alam mo, pare, wala ka talagang dapat na ipag-alala kasi mas magiging masaya si Malou kapag ikaw ang nakatuluyan niya. I always leave the country for business, ganoon din si Arlene kaya nga kami nagkaintindihan e. Pero si Malou, kailangan niya ng lalake na nandiyan para sa kanya, tulad mo."
BINABASA MO ANG
It Was You After All
RomantizmLou is a funny yet reserved type of person and being a teacher who loves sleep and lives with her three cousins, she's not bound to anything, even LOVE. But things changed when her close friend Jastine came back, she was hoping that they could start...