Chapter 6

104 2 2
                                    

Chapter 6


Walang pasok si Malou ng araw na iyon kaya naisip niyang manuod ng balita sa telebisyon na hindi niya palaging ginagawa. Tawa siya ng tawa sa isang programa na nasa tv nang biglang matuon ang pansin niya sa newsflash sa telebisyon. Isang oras na ang nakalilipas nang mangyari ang isang hostage taking situation sa mataong lugar sa Edsa ng umagang iyon. Isang bus ang nakaharang sa daan at kitang-kita na may mga pasaherong nagpapanic sa loob nito.

Napailing nalang siya. May mga tao talaga na walang magawang matino sa buhay. Imbes na magsumikap sa mabuting paraan ganito pa ang ginagawa.

Bumuntong-hininga siya. "Minsan ka na nga lang manunuod ng tv tapos masamang balita pa ang maririnig mo," bulalas niya makaraan ang ilang minuto ng panonood. "Sana lang mahuli ang mamang ito na gumugulo sa daloy ng trapiko sa Edsa. Kawawa naman iyong mga hostage pati na iyong mga naipit sa trapiko."

Umayos siya ng upo at itinuon ang pansin sa kung paano nagsagawa ng paraan ang mga pulis at NBI para mapakawalan ang mga hostage at masakote ang hostage taker. Nang una ay mukhang nagpulong ang dalawang grupo para gumawa ng plano. Nagkagulo lang ng makita niyang hinawakan ng hostage taker ang isang babaeng pasahero at tutukan ng patalim sa leeg habang bumababa ang mga ito sa bus. Mabuti nalang at walang kurtina ang bus kaya nakikita ang anumang nangyayari sa loob. Tumapat ang hostage taker sa entrance ng bus at humarang sa pinto para pigilan na makababa ang mga pasahero. Nagsisigaw ito at nagdemand ng ransom money mula sa gobyerno. Gusto rin umano nito ng pabahay para sa pamilya nito na hanggang ngayon ay naghihirap na nakatira sa Payatas. Mukhang nakikipag-areglo ang isang pulis samantalang ang ilan ay naka-stand by. Biglang natutok ang camera sa isang lalake na pasimpleng lumayo at nagtago sa likuran ng isang police car, may hawak itong kakaibang baril. Kitang-kita niya ng barilin nito ang hostage taker na nagbabanta na itatarak sa leeg ng babae ang hawak na patalim. Sapol sa noo ang hostage taker na bumalandrang bigla ang katawan sa bus. Nakawala ang babaeng hinostage nito at mabilis na nakaresponde ang mga pulis. Napakawalan ang lahat ng sakay. Napag-alaman pa ng awtoridad na may sakay na isang buntis at dalawang batang babae ang bus, mabuti nalang at hindi napaano ang mga ito.

Ililipat nalang niya ang telebisyon dahil tapos na ang krisis nang marinig niya ang pangalan ng sniper na iinterbyuhin ng newscaster. Lieutenant Colonel Andrew Narciso was being interviewed right after he removed his mask. Ito pala ang susi sa matagumpay na operasyon ng NBI at pulisya ng Maynila.

Natawa siya ng wala sa sarili dahil hindi niya akalain na may mataas na katungkulan pala si Andrew sa pulisya. Ito umano ang pinakabatang lieutenant kolonel at ito ang pinakamatindi. Ilang saglit pa niyang pinanood ang interview dito bago iniwanan ang telebisyon para magpunta sa kusina. Nagugutom siya at dahil nakalimutan niyang kunin kay Andrew ang mamon na binayaran nito ay wala siyang maisip na kainin.

"O dabers, ang astig ni Kuya Andrew ano?" wika ni Jheymie na kagigising lang. Himala na late na itong bumangon ngayong araw. Kadalasan kasi ay maaga itong nakakapagluto ng almusal kahit na walang pasok sa bangko.

Napakunot-noo si Malou. "May sinasabi ka?" kunwari'y hindi niya narinig ang sinabi nito.

"I saw you watching him on tv."

"Nanonood ako ng balita as you can see, malay ko ba na nandoon pala siya."

"Alam mo ate, nakakatuwa ang reaksyon mo nang makita mo siyang interview-hin ng reporter. Nang maratnan kita dito, nakangiti ka na parang wala sa sarili," ani Jheymie bago inilabas ang isang kahon mula sa refrigerator. "O, ipinabibigay nga pala ni Kuya Andrew," anito bago inabot sa kanya ang hawak.

"Ano ito?"

"Ang puso niya, ano pa ba?"

"Corny mo neng, pwede ka nang maging komedyante."Hindi nagugustuhan ni Malou na pati mga pinsan niya ay nagiging close na kay Andrew.

It Was You After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon