Hindi ko inaasahang sa ganitong pagkakataon pa kaming magkikita ulit. It's been almost a year since I left without even proper goodbye and cut all the possible communication that can lead us both.
Nang makapasok kami ng kwarto ay may isang nurse na nagche-check ng vitals niya. Gising na talaga si Clayton at agad din akong umiwas ng tingin dito nang makita ang kalagayan niya. May benda ang kanyang kanang braso at may sugat pa sa ulo. Ito ang kauna-unahang beses na makita siya sa ganitong kalagayan.
Kaya siguro ayaw niya akong pumunta sa kanya kapag naa-aksidente dahil sa itsura niya ngayon.
It's only the bruises that made him look different but his aura is still the same authoritative Mafia Lord.
"Go to him, Dahlia," Irvin whispered. I almost flinched because of shock. I've been spacing out again. I slowly nodded at him and tried to calm myself before I walk towards his direction. He's sitting on the bed while staring at the walls. Tapos na ang nurse sa ginagawa kaya malaya ko na siyang makaka-usap ngunit nanginginig ang katawan ko.
And when the moment he diverted his gaze on me, I feel like falling on the floor. Mabuti nalang at lumapit si Irvin. He tapped my back and said something to Clayton.
"I'm glad you're okay now, my lord. I'll stay outside first to give you time with Dahlia." He bow down his head in front of him like he's some kind of a king in his own empire.
Ngumiti nang pilit si Irvin sa 'kin nang humarap tsaka ito lumabas ng kwarto. Mas lalong nakadagdag sa kaba ko ang tunog ng pagkasara ng pinto, hudyat na kaming dalawa nalang ni Clayton dito.
Ang kanyang malalamig na mata ay napako sa 'kin. Hindi na ito katulad ng dati na may halong paglalambing. There's some kind of spell on his eyes that's forbidding me to know his secrets. I can't read what he's feeling right now.
Naupo ako sa upuang nasa tabi ng kama niya at kinakabahan siyang tinignan. Damn! This is the first time I became scared of him. For pete's sake, he's a mafia and a dangerous man but I have never been frightened to his existence, just now...
"How dare you show your face here."
Inaasahan ko nang sasabihin niya talaga ito sa 'kin ngunit tila hindi pa handa ang puso ko sa sakit na naramdaman nang marinig ito mula sa kanya mismo. Hindi na siya ngayon nakatingin sa 'kin kaya naglakas-loob na akong kausapin siya. Alam ko kaseng hindi ko kakayanin kapag nakatingin sa mga mata niya dahil parang hinihigop nito ang lakas ko.
"I am so sorry, Clayton. I t-think...I just d-did the right thing..."
Ang kanyang tingin sa 'kin ay nagbalik nang marinig ang sinabi ko na parang hindi makapaniwala. He laughed sarcastically.
"Right thing, Dahlia? Is it right that I almost died just to save you? You didn't even notice that you and my baby are in danger!"
Dinalaw ako ng pag-aalala nang sumigaw ito. Kakagaling niya lang sa isang laban at hindi pa masyadong magaling ang kanyang mga sugat. Ang mga ilalabas niyang emosyon ay maaaring maka-apekto sa kalagayan niya.
"Don't oblige yourself in protecting us." Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa 'king mga mata habang sinasambit ang mga ito sa kanya. The pain that passed by his eyes didn't escape from my sight.
"So, you're ordering me what to do now? Fvck, Dahlia! Did you even think of me when you left?"
Mapait ang kanyang boses na tila tinatago nito ang sakit na nararamdaman. Nakokonsensya na ako nang lubos. Hindi ko na nga rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang mga lumalabas sa bibig ko.
"Kaya nga ako umalis dahil ayaw kong maging dahilan para mas mapahamak ang clan niyo. Hindi mo na ba naaalala ang rule ninyo na bawal kang magkarelasyon sa isang agent? Paano nalang kapag kumalat na may anak ka sa 'kin?" Doon ko na hindi napigilan ang mga luhang lumandas sa mukha ko.
"I don't care about the rules! What matters to me is you and my own baby. I can't believe that you're so selfish, Dahlia. Our fathers even break that rule for us. Wala akong pakealam sa mga kaaway kung pupuntiryahin nila ako dahil dito."
"But Clayton..." Hinawakan ko ang kanyang kamay na mas lalong kinakirot ng puso ko nang agaran niya itong alisin na para bang may nakakahawa akong sakit at ayaw niyang madapuhan.
"I am ready to kill and to be killed for the both of you," Clayton said in a serious tone that shut me up.
Doon na ako nanigas sa kinauupan ko. Marahan kong pinanusan ang mukha dahil natatakpan na nito ng mga luha.
Ito ang pinaka-kinakatakutan kong sumugal sa relasyong mero'n kami noon. Sa una pa lang ay alam kong mali na lahat ng nangyayari sa 'min lalo na noong pinagkasundo kami ng aming mga ama. I feel so much regret in loving this man. Not because I'm in danger but because I realized that he's so good for me. I don't deserve him enough for doing so many mistakes to him.
"Bakit kase ako pa, Clayton? B-bakit ako pa ang m-minahal mo?" Dumako ang kanyang tingin sa 'kin at parang mas gusto ko nang tumakbo ulit paalis dito nang makita ang luhang bumagsak sa mata niya.
Isa ba itong bangungot? Nakilala ko ang isang Clayton Reed na matapang at walang kinakatakutan. Ni minsan ay hindi siya nagpakita ng kahit anong kahinaan kahit na ang totoo ay nasasaktan na siya. He always act brave in front of everyone even if I know that deep inside him, he's longing for happiness that he deserves.
Nais kong saktan ang sarili ko habang pinagmamasdan ang lalakeng patuloy na lumalaban para sa 'kin habang umiiyak. Gusto kong igalaw ang aking kamay para punasan ang mga luhang 'yon ngunit tuluyan na ata akong nanghina.
"Hindi lang minahal, Dahlia dahil mahal pa rin kita hanggang ngayon. Handa kong isuko ang lahat ng meron ako, huwag lang ikaw..."
I smiled bitterly to him.
"P-paano kung hindi na kita mahal?" nasasaktan kong tanong.
Hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga salitang ito. Fvck it! Why can't I stop myself from hurting him?! This is too much. Gusto ko nang umalis.
"Then just kill me. I'll be happy if you're the one who will end my life. You are the only reason why I always choose to stay here in this cruel world."
Sa pagkakataon na ito ay lumapit na ako sa kanya tsaka siya niyakap. Sakto lang para maibalot ko ang mga braso ko sa kanya habang nag-iingat na baka masagi ko ang kanyang sugat. Hindi siya gumalaw at tanging mga hikbi lang namin ang naririnig ko sa buong kwarto.
"Just tell me that you don't love me anymore and I will finally let you go." Umiling-iling ako habang nakasubsob pa rin sa kanyang dibdib.
"Tell me, Dahlia," matigas niyang sabi. Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya tsaka siya tinignan nang diretso.
"The love I have for you never fades, Clayton. And I'm now ready to stay here and be with you to face all the enemies..."
YOU ARE READING
Hiding The Mafia's Baby (HIDING SERIES 03)
RomanceWe can't be together for he's the most dangerous man I know. I love him but I love my baby more and as Agent Dahlia, I am all heads up to turn my back on him and never let him know about our son. But I never anticipate that my world will be more wre...