Chapter 6

7.8K 296 9
                                    

Hindi pa ako lubos na nakaka-recover sa binalita niya ay agad na naman niya akong hinila palabas sa kwartong 'yon. Gusto ko siyang pigilan dahil ramdam ko ang galit nito.

Irvin is a good man to me but now...he's different. And his bad news started hunting me again. Clayton was shot? Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya. Hindi ito ang unang beses na nangyari 'yon sa kanya pero ito siguro ang kauna-unahang pagkakataon na masilayan ko siya sa ganoong sitwasyon.

Whenever he suffered into an accident, he won't let me visit him or stay by his side and help him cure his bruises. Ayaw na ayaw nitong nakikita ko siyang nahihirapan at nasasaktan.

"You're my weakness, Dahlia..." Ito ang lagi niyang sinasambit sa 'kin noon. Ayaw ko mang suwayin ay kinakailangan pa rin dahil mas ayaw kong mas mahirapan siya kapag nasisilayan ko siyang nasasaktan. And now that everything is diffrent, I'm now ready to face him.

How I wish he won't reject me this time. Kahit man lang ang alagaan siya ang magagawa ko sa ngayon. Marami akong kailangang ipaliwanag. I don't want yet to blame myself but I can't deny it anymore. This is my fault. Clayton is a man who revolves his world into the clan and his enemies. He never focuses into himself that made me want to hurt myself.

Tama nga si Hera at naging madamot ako. Sarili ko lang ang inintindi ko at hindi ko inisip ang mararamdaman niya. Hindi ko pa man alam ang kwento sa likod ng nangyari at sa lahat ng pinagdaaanan niya nang umalis ako ay mukhang hindi ko na kakayanin.

Tumigil kami sa harapan ng isang medical room na nandito sa likod ng mansyon. Kumabog nang malakas ang dibdib ko na parang lalabas na ito dahil sa kaba. Pinigilan ko agad si Irvin nang tangkain nitong pihitin ang door knob.

"What now? You're going to avoid your fiancé again?"

Nakaramdam ako ng kirot sa loob nang banggitin na naman niya 'yon. I wonder how did he know about that. It's been our deepest secret between the four of us: Clayton, Former Lord Mafia Armendous, me and my past father.

"I'm not. It's just that, I'm ashamed of myself..." mahina kong saad.

"You deserve to feel that way, Agent Dahlia. Ayaw na nga sana kitang dalhin ulit dito sa kanya ngunit naging mas masahol siya nang mawala ka. How I wish that you are not alive right now." Nagulat ako sa huli niyang sinabi.

Gano'n na ba talaga niya ako kinamumuhian at gusto na niyang mamatay ako? Edi sana binaril nalang ako nito nang magpunta siya sa bahay namin. I would be even feel glad for it. I'm brave enough to offer myself infront of him and shoot me in the head until I lose my life with my own dripping blood.

"Why did you became like this? Did you hate me that much for leaving huh?" matapang kong tanong.

Lumayo ito sa harapan ng pintuan. Hinarap ko siya at tinignan nang mariin ngunit yumuko lang ito.

I always see him as a tough person but he's acting strange...really strange.

"Nang umalis ka ay nasilayan ko lahat ng pagbabago niya, Dahlia. Halos mapatay niya lahat ng nakapaligid sa kanya no'ng araw na nawala ka. Nandito ang mga gamit mo pero ang may-ari ay wala. Akala niya ay may kumuha na sa 'yong kaaway at may ginawa na sa 'yong masama. He hired almost 10 groups of men to find you and even planned a mission to attack all the possible enemies but you were not into one of them. Lahat kami dito ay hindi siya kayang pakalmahin. Tinanggal mo rin ang device na nakalagay sa katawan mo para kung sakaling nawala ka ay mahahanap ka pa rin. Then there comes this day, one of the agents had heard a conversation between the Lutone clan."

Tumigil muna ito sa pagku-kwento saka inangat ang tingin sa 'kin. Kung kanina ay masama ay kanyang mga matang nakapukol, ngayon ay hindi ko na mawari kung anong ibig sabihin ng kanyang mga tingin.

"Ayon sa kanyang narinig ay nabanggit nila ang pangalan mo. Lahat kami ay nagtaka kung paano ka nila nakilala at nahanap. Pero isa pang natuklasan namin ay meron silang ka-sabwat na malapit sa 'yo."

Nakuha niya ang buong atensyon ko dahil do'n. Kunot-noo ko siyang nilapitan at inangat ang tingin ko sa kanya dahil sa tangkad nito.

My body immediately reacted when he held both of my shoulders tightly and his raging eyes is on its mode again.

"W-who?" kinakabahan kong tanong.

"Your cousin, Hera."

Nanlumo ako sa narinig. Tila hindi ko kayang maniwala.

"The hell are you talking about? Are you insane? Why would my cousin do that? She doesn't even know anything about mafias!" Gusto ko siyang pagsusuntukin sa dibdib nang mamuo ang galit sa 'kin.

Wala siyang karapatang pagbintangan ang pinsan ko dahil siya ang tumulong sa 'min ng anak ko.

"You can't be an agent for nothing. I thought you're smart but I was wrong all along. And as expected, you just gave your trust to the person who almost harm you and your baby."

"How can you prove me that, huh?! Tell me, Irvin! Tell me you're just joking! Hera can't do this to me!"

Dumako ang malakas na sampal ko sa kanyang pisngi. Mas lalong sumama ang tingin niya sa 'kin na kulang nalang ay saktan na ako pero hindi ako natinag. Muli akong nagtangka ng sampal sa kanya ngunit agad niya itong nasalo at hinawakan nang mariin ang kamay ko. Inaamin kong nasasaktan ako sa paraan ng pagkakahawak niya pero ayaw kong magmukhang mahina sa harap nito.

"Explain me these pictures!"

May nilabas siya mula sa pocket niya at malakas na tinapon sa harapan ko ang mga litrato. Nagsimula akong manghina nang lumuhod ako para pulutin ang mga litrato.

Hera's face is very clear on each pictures with an old man. Pamilyar na pamilyar din ang matandang lalakeng kasama niya. Para bang nakita ko na siya sa isang underground fight. Ang isang litrato ay nasa isang tago silang lugar kasama ang maraming armadong lalake. Nag-iisa lang siyang babae at ibang-iba ang impresyon ko sa kanya sa mga ito. Ito ba ang parati niyang pinagkaka-abalahan kapag wala sa bahay? Kaya ba hindi rin niya sinasabi sa 'kin ang mga trabaho niya at lagi niyang sinasabing natatanggal siya sa trabaho?

"Say something, Dahlia." Hindi ko na namalayang naitayo na pala niya ako. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa mga mata ko.

I run out of words to say something to him.

"You still want to see the Mafia Lord or give yourself a space for a while?" Nag-angat ako ng tingin nang mahimigan ang pag-aalala sa tono nito.

Sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung paano ako magre-react. Ang alam ko lang sa ngayon ay nahihiya ako kay Irvin. Nasampal ko pa siya kanina kahit hindi pa naririnig ang kanyang eksplenasyon.

"I wanna see him."

Desidido na akong makita siya. I don't want to make this any longer. I've already witnessed about the issue on my cousin and I guess it's really time to face the real game.

Sakto no'n ang pagbukas ng pintuan.

"The Mafia Lord is already awake."


And we both headed inside with my trembling heart...

Hiding The Mafia's Baby (HIDING SERIES 03) Where stories live. Discover now