Naubos na ata lahat ng lakas ko makaraan ang ilang oras matapos manganak. Kung sinuswerte ba naman kase, nawalan pa ng gas ang tricycle nila tita kanina at malayo pa ang bayan dito sa 'min. Buti at mayroon kaming kilalang kumadrona(midwife) malapit dito na nagpanganak sa 'kin.
This is the least I have ever imagined to give birth inside a house. I thought I'll be dying earlier and was near to lose my own breath. No definite words can describe how hard and painful in giving birth.
"Happy Mother's Day, mommy..." Agad na sumilay ang ngiti sa aking labi nang matanaw si Hera na palapit sa kinahihigaan ko habang hawak ang anak kong umiiyak na.
Fate is really at its finest that it became my destiny to have my first baby at the exact mother's day. Butterflies on my stomach suddenly lift up when I held my baby.
"Hi baby, welcome to outside world," I softly said as I kissed his forehead. Hinele ko ito at marahang pinunasan ang mumunting luhang lumabas sa kanyang mga mata.
"Anong ipapangalan mo sa kanya?"
"Clave Asher." I giggled.
"Naks ang ganda ah. Pang-mayaman ang peg."
Tumigil na ang pag-iyak ng anak ko at mas lalo akong napangiti. Para kasing ang sakit marinig ang kanyang iyak. Kung pwede lang itong yakapin dahil sa kasabikan ay kanina ko pa ginawa. He looks so adorable yet so fragile. I'm afraid that I might hurt him.
"Dahlia, masakit pa ba?" nag-aalalang tanong ni Hera. Kumunot naman ang noo ko.
"Huh? Anong masakit?"
"I mean 'yong pempem mo hehe. 'Di ba masakit kase kakapanganak mo pa lang?"
Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko sa tinuran niya. Gusto ko siyang batuhin ng kung ano man ang mahahablot ko pero nanghihina pa rin ang katawan ko. Malay ko ba kase kung anong tinutukoy niya tsaka nakalimutan ko pang masyadong direct to the point ang babaitang 'to.
"Filter your words, Hera."
"Sorry na HAHAHAHAHAHAHA." Tawa lang siya nang tawa at sakto namang pumasok din sa kwarto si Tita Jeniva at ang matandang nagpa-anak sa 'kin.
Biglang natigil ang walanghiya kong pinsan sa pagtawa. Kinabahala ko pa na baka matakot ang anak ko sa kanya at umiyak na naman.
"Ang cute talaga ng anak mo, ija. Nasisiguro kong gwapo rin ang kanyang ama." Nanlaki pa ang mata ko sa gulat nang banggitin ni tita ang tungkol sa ama ng anak ko. Lumapit naman sa kinaroroonan namin si Aling Linda at pinaglandas ang daliri nito sa mukha ng anak ko.
Nagulat pa kaming lahat nang sumilay ay munting ngiti nito.
"Mag-iingat kayo ng anak mo. Malapit na silang dumating." Nagtataka akong tumingin sa kanya.
Usap-usapan dito sa bayan namin na hindi lang isang kumadrona si Aling Linda dahil manghuhula rin daw ito. Marami ang natatakot sa kanya minsan dahil madalas na nagkakatotoo ang mga hula nito. And what was she talking about? Sinong darating?
I know it's just a mere guess but I started to feel uneasiness.
"P-po?"
"Ihanda mo ang sarili mo, ija. Lalo na't mag-isa ka lang." This time ay umiling na ako sa kanya.
"Hindi po ako mag-isa. Nandito pa po ang mga kamag-anak ko." Totoo naman 'di ba? Alam kong sa loob-loob ko ay may kulang pa rin pero
hangga't nandito si Hera at sina tita ay kakayanin kong lumaban para sa anak ko."Hindi mo pa ako maiintindihan sa ngayon pero alam kong kakayanin mo lahat ng pagsubok na darating sa 'yo. Maging matapang ka at huwag mong kakalimutang manalig sa Diyos. Malapit nang magsimula ang totoong laban mo."
Bawat salitang kanyang binibigkas ay tumatatak sa 'kin. Tagos na tagos ito sa 'king puso't isipan. Ano bang ibig niyang ipahiwatig sa 'kin? Hanggang sa matapos niyang tignan ang kalagayan ko at ng anak ko ay hindi pa rin nawawala sa 'king isipan ang mga sinabi niya. Halos isang oras na rin nang maka-alis ito.
"Sasamahan kitang magpa-check-up bukas, Dahlia. Kailangan niyo pa ring matignan ng doctor." Sumang-ayon ako sa sinabi ni Hera at sabay na kaming lumabas ng kwarto para sa hapunan. Inilapag ko muna si baby sa crib niya na nandito sa sala namin para mas malapit ko siyang matignan habang kumakain kami.
Mabuti nalang at tulog na ito kaya makakakain na rin ako.
"Anong plano mo na ngayon, Dahlia?" tanong sa 'kin ni Tita Jeniva. Kaninang hapon pa sana sila umalis kaya lang ay mas pinili nilang manatili muna rito para mabantayan din ako. Lima kaming nasa hapag ngayon, kasama sina tita at tito, si Hera tsaka ang bunso niyang kapatid na lalake na si Ryker at 16 years old pa lang.
"Baka maghahanap din po ako ng trabaho, tita. Kaya lang inaalala ko si Clave kapag walang magbabantay sa kanya." Si Hera kase ay may sarili ring trabaho at nakakahiya naman kung pati siya ay maistorbo ko sa pag-aalaga.
Haissst...this will be so hard for me and my son.
"Sabihan mo ako kapag magtratrabaho ka na at dito muna ako mananatili para mag-alaga sa anak mo. Isasama ko si Ryker dito." Agad naman akong nahimasmasan sa sinabi niya. Kung sana ay nandito rin si mama pala maalagaan din ang apo niya...
"Bakit naman ako, ma?!" reklamo agad ni Ryker. Hindi kami masyadong close dahil may pagka-masungit ang pinsan kong 'to. I just can't tolerate mean people even my relatives.
"Ayaw mo?" taas-kilay na tanong ni tita.
"Ayoko! Edi hindi na kami magkikita lagi ng girlfriend ko," He said and pouted. Aaminin kong pogi ang pinsan kong 'to pero mas natawa ako sa itsura niya nang sapakin siya ni Hera na nasa tabi niya.
"Dagdag ng isang daan ang allowance mo. Ayaw mo pa rin?" hamon ni tita. Napatigil naman si Ryker sa pagrereklamo at nawala ang pagka-kunot ng kilay niya. Napalitan ng isang malaking ngiti ang mukha niya. Lumitaw tuloy ang dalawa niyang maliit na dimples.
"Aba syempre ma, bawal tumanggi sa grasya. Sino ba naman ako para umayaw pa?" Pumalakpak pa ito sa tuwa pero nang dumako ang tingin niya sa 'kin ay inikutan niya ako ng mata.
Walahiyang batang 'to.
"Tsaka kung prino-problema mo ang girlfriend mo, hiwalayan mo nalang," saad ko para asarin siya pero mas sumama ang tingin nito sa 'kin. Hindi ko na napigilan ang tawa ko pati na rin sina Hera.
"Inggit ka lang kase wala kang jowa." Imbes na patulan pa ito ay bineletan ko lang siya. He did the same thing to me and resumed eating his food.
Ang totoo niyang ay iniiwasan ko lang talaga na pag-usapan ang bagay na 'yon dahil baka kung saan pa mapunta.
Pagkatapos naming kumain ay nagpresinta pa akong tulungan sila sa pagliligpit ngunit agad akong sinuway nila tita.
"Hindi mo pa nababawi nang tuluyan ang lakas mo kaya magpahinga ka na lang. Mabuti pang pumasok na kayo ng anak mo sa kwarto. Kami na ang bahala dito."
Hindi na ako nag-abalang magreklamo pa dahil alam kong talo lang rin ako sa huli. Kailangan ko rin kaseng mabawi ang naubos kong lakas. Not for myself but for my baby...
Naipasok na kanina ni tito ang de-kahoy na crib ni Clave sa loob ng kwarto kaya hindi na hassle para sa 'kin. Hawak ko pa rin ang anak ko sa aking bisig at pinagmamasdan ang kanyang napaka-among mukha. His gorgeous eyes reminds me of his dad. I tried memorizing his adorable features. I know that it's not yet totally defined but I can't deny how angelic his face is. I started imagining about him when he grow.
Pero ayaw ko pang mangyari iyon sa ngayon. Katulad ng pangarap ay dapat huwag kong madaliin ang lahat ng mga pangyayari. I don't want to remove a single glance on him and just wanna stare at him the whole night.
Until I felt sleepy already and yawned many times.
My baby needs to rest too and even if I still want to hold him in my arms, I decided to put him inside his crib. I covered his body with the blue blanket with a cute teddy bear printed on it. After planting a soft kiss on his forehead, I whispered something that made me left a tear from my eyes.
"I love you so much, baby. I know your daddy will be so proud having you too..."
YOU ARE READING
Hiding The Mafia's Baby (HIDING SERIES 03)
عاطفيةWe can't be together for he's the most dangerous man I know. I love him but I love my baby more and as Agent Dahlia, I am all heads up to turn my back on him and never let him know about our son. But I never anticipate that my world will be more wre...