Chapter 5

7.8K 287 13
                                    

Tila ba ako naging estatwa sa kinakatayuan ko. Kumapit pa sa 'kin ang malamig na kamay ni Hera. Hindi ko siya magawang balingan ng tingin pero ramdam kong takot na takot na rin ito. Ang  malalamig na mata ni Irvin ay nalipat sa anak kong mahimbing pa ring natutulog.

Wala na akong kailangang itago pa dahil pakiramdam ko ay lahat ng sikreto at plano ko sa amin ng anak ko ay nasira sa isang iglap. Kung may pagkakataon man kaming tumakbo ng pinsan ko para tumakas pa ay alam kong wala na. Nanlaki pa ang mga mata ko nang may tatlo pang mga lalake ang lumabas sa itim na sasakyan at lumapit sa 'min.

"A-anong ginagawa n-niyo?" taranta kong saad. Tinangka pa ni Irvin na kunin ang anak ko ngunit lumayo ako sa kanya. Si Hera ay mangiyak-iyak na rin at hindi na malaman ang gagawin.

Ang kaba sa aking dibdib ay mas lalong nadagdagan nang hawakan ng dalawang lalaki si Hera at ang isa ay ako ang puntirya.

Fvck them!

I thought I'll be having a peaceful life the moment I escaped from them but I was wrong. It's a total wreck now. And slowly by slowly, my whole strength was fading until I noticed that I'm no longer holding my baby. 

Agad kong tinignan nang masama si Irvin.

"Ibalik mo sa 'kin anak ko!" Sinubukan ko pang kumawala sa lalakeng may hawak sa 'kin ngunit hindi ko kaya ang lakas nito. They're not even familiar to me. Maybe Clayton hired new agents when I left.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay sunod-sunod na sigaw ang pinakawalan ko nang buhatin ako ng lalake nang walang kahirap-hirap. Nakita kong binitawan na ng dalawang malalaking lalake si Hera na wala na ngayong malay sa sahig. Ang iyak ng anak ko ang mas lalo nagpasikip sa dibdib ko.

He's now awake and innocently witnessing a tragedy.

"Maawa kayo sa 'min..." Ito ang huli kong nasambit bago manlabo ang mata ko at nawalan ng malay.

___

Naalimpungatan ako nang marinig ang isang matinis na iyak kaya agad akong nagmulat ng mata. Hindi ko na inabalang magkusot pa ng mata nang maramdaman ang lamig na tumatama sa balat ko. I roamed my eyes around the room I am in and I almost gasped air when I realized that this place is where I used to stay before. 

Talagang dinala nila ako sa mansyon ng mga Reed!

Bumaling ako sa katabi ko at namataan ang anak kong umiiyak. Dahan-dahan ko itong binuhat sa aking mga bisig.

"Hush now...we're still safe baby," bulong ko at nagbabakasakaling kumalma siya. Tinignan ko ang malaking glass window sa gilid ko at napagtantong mataas na nga ang sikat ng araw. 

Ang huling naaalala ko kagabi ay may tinakip silang panyo sa ilong ko kaya ako nawalan ng malay. Malawak ang kwartong ito at nagbabakasakali pa akong makita ang pinsan kong si Hera ngunit nabigo ako. Where did they put her?!

I have never imagined this before. I thought I'll never come back to this place again but hell! The more I escape and avoid this life, I always fail. Kasabay nang pag-iisip ng maraming bagay ay ang marahang pagbukas ng pintuan.

"Gising ka na pala, Ms. Dahlia..." bungad ni Manang Pinang. Siya ang mayordoma dito sa mansyon at nagsilbing nanay ko na rin. Nakangiti siyang lumapit sa 'kin na may dalang tray. Hindi ko na maipagkakailang namiss ko siya and I've been longing for her delicious recipes.

"Good morning po," bati ko sa kanya. May galit akong nararamdaman ngayon sa puso ko dahil sa lahat ng nangyari kagabi ngunit ayaw ko naman siyang idamay do'n. Wala siyang kasalanan.

"Grabe, ija. Akala ko hindi na kita masisilayang muli. Siya na ba ang anak mo?"  Nakangiti akong tumango sa kanya. I slowly put my baby on her arms upon noticing the sparks in her eyes and saying that she wants to hold my baby. Eyes really speaks louder than words.

I always do look in someone's eyes to know their real feelings. It's not an absurd way though...eyes can really define our sincerity. If you try to lie in words or actions, you eyes shouts nothing but truth.

Tumigil na si baby kakaiyak nang buhat na siya nito ni manang. "Anong pangalan niya?"

"Clave Asher po." 

"Ang ganda naman. Bagay-bagay sa kanya. Kinuha mo sa pangalan ng ama niya 'no? CLAyton VErnix?"

Nagulat pa ako nang mapagtanto niya 'yon. Halatang-halata ba o talagang kilala na talaga ako ni manang? haisst...

"Manang, nandito rin po ba ang pinsan kong si Hera? Uhm...payat din po siya katulad ko at magkasing-tangkad din po kami." Sa wakas ay nagawa ko itong itanong sa kanya sa kalagitnaan ng pag-eenjoy niya sa pagbuhat ng anak ko.

Hinayaan ko lang ito at sinimulang magtimpla ng gatas ni Clave. Hindi ko pa nagagawang galawin ang pagkaing binigay ni manang dahil wala akong gana. Sa ngayon ay ang anak ko muna ang iintindihin ko habang naguguluhan pa sa maraming bagay.

"Kayo lang naman ng baby mo ang nakita ko kagabi na pinasok nila Irvin. Gulat nga gulat nga ako eh. Nasa kusina pa ako noon para uminom ng tubig kahit na madaling araw na," She explained.

I sighed in disappointement. What are really their plans for us? I hope my cousin is okay and I feel so sorry for what happened to her. It's all my fault why she ended up like this.

I also checked the room if I have my other things here especially my phone. I need to contact her! Pero gano'n nalang ang sobrang inis ko at nang makitang bag lang ni Clave ang nandito. Where are my things?!

"Manang, may cellphone po ba kayo diyan?" Hindi niya ako sinagot at nag-iwas lang ito ng tingin sa 'kin. Mas lalo akong nagtaka kaya inulit ko ang tanong ko.

"Manang? may phone po ba kayo?" Kailangan ko lang talagang maka-usap ngayon si Hera dahil sobrang nag-aalala na ako para sa kanya. Gusto ko lang na masigurong ligtas siya dahil hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama rito.

"Pasensya na ija pero mahigpit na bilin ni Irvin na huwag kang papahiramin ng kahit anong gadget para maka-contact ng ibang tao."

Unti-unting namuo ang galit sa sistema ko nang marinig 'yon. Bakit ba kase ganito ang nangyayari?! Anong karapatan niyang pagbawalan ako? Dahil ba inutusan din siya ng kanyang amo? Damn! This is what I really hate the most...I'm being manipulated again.

Lalabas na sana ako sa kwarto para hanapin siya nang naunahan ako nang kung sino at bumukas ang pinto. Tamang-tama at bumungad sa 'kin ang lalakeng gustong-gusto kong suntukin sa mga oras na 'to.

"Good that you're awake now, Agent Dahlia," He said in a monotone voice.

"Don't call me that way. I'm not an agent anymore," I told him with a blank expression. I fight the urge to keep my anger for a while until he smirked.

"I came here to tell you a bad news."

My knees started to tremble and the my heart was beating erratically now as he stare deeply in my eyes.

Taimtim ko pang pinagdasal na sana huwag naman tungkol kay Hera.

And I was right but...


"Nabaril ang Mafia Lord."

Hiding The Mafia's Baby (HIDING SERIES 03) Where stories live. Discover now