Chapter 9

8.1K 255 5
                                    

I keep on pacing back and forth for God knows how many times already.

"No, Dahlia! You can't just go with us after your long absence in the battles. It's better if you just stay here with your baby." Kanina pa ako sinesermonan ni Irvin dito nang sumunod ako sa kanila sa office ni Clayton.

Paano ba naman kase, sa sobrang tigas ng ulo niya, kahit hindi pa magaling ang kanyang sugat ay pinilit niya pa rin ang sariling tumayo at makipaglaban sa Lutone Clan.

"How about Clayton?! Hahayaan niyo rin ba siyang makisabak ulit sa giyera? Paano kung mas lalo pa siyang mapahamak?!"

Hindi ako mapakali habang paikot-ikot dito.

Kasalukuyang inaasikaso ngayon ng ilang mga nurse si Clayton para sa mga natamo niyang sugat. Hindi rin naman daw gaanong kadelekado ang kalagayan niya at magagawan pa raw ng paraan. Sa sobrang mapilit niya kanina ay agad niyang tinanggal ang benda sa kamay nito.

Nagising din tuloy si baby kaya agad kong tinawag si manang at siya na ngayon ang nagbabantay sa kanya.

"The Mafia Lord knows what he's doing. He can even kill lots of people with his closed eyes, Dahlia! But you-

"What?! I'm not as weak as you think! I didn't become an agent for nothing," I bravely said directly to him.

Napahilamos siya sa kanyang mukha na parang sukong-suko na sa 'kin. Hindi ko sila pwedeng hayaan na lumusob sa laban nang wala ako. Marami na rin akong naiambag sa clan at gusto kong makabawi sa matagal kong pagkawala.

I know some of them had grudge against me and I am willing to earn their trust again.

"That's your life anyway. Ang akin lang, dapat sigurado ka na sa desisyon mong 'yan. Think of your child, Dahlia. He's at risk too. Lalo na't kung kayo pang dalawa ng ama niya ang lalaban. What if fate will play against you again? At mapapahamak kayo parehas?"

Bakas sa kanyang boses ang matinding pag-aalala. Naiintindihan ko ang nais niyang ipahiwatig ngunit kailangan ko ring kumilos. Alam kong masyado pang maaga para magbunyi pero nakakasiguro akong maipapanalo namin ang laban.

"Trust me, Irvin...we will won."

___

Katulad ng kadalasan kong ginagawa ko noong paghahanda ay nag-ensayo muna ako dahil hindi na rin ako gaanong sanay sa pakikipaglaban lalo na't matagal akong nawala. Nauna na ang ibang mga kawali ng clan dahil nagsisimula na ang laban.

Nakailang pilit pa ako kay Clayton para payagan niya akong sumama sa kanila. Sadyang malakas lang siguro tama ko rito kaya pinagbigyan ang hiling ko kaso may isang kondisyon. I need to exercise myself first and get ready for the big battle. 'Yon ay ang makakaharap na namin ang pinakamataas sa clan.

And the current activity that I am doing is fire shooting. I was busy focusing on my shot when a familiar voice caught my attention from the back.

Her voice echoed around the corner here in the underground part of mansion.

"Trying hard, huh?"

"How the hell did you get here, Hera?!"

Tumawa ito nang malakas at umakyat ata lahat ng dugo ko sa ulo habang inaalala ang mga litratong pinakita sa 'kin ni Irvin.

She's a literal snake!

"Well, I'm not Hera Lutone for nothing."

Namumuo ang sobra-sobrang galit sa sistema ko nang banggitin niya iyon. Lutone? Does it mean that...no, maybe I just heard it wrong.

"Curious about my surname? Hmm...I bet alam mo na ang katotohanan, Dahlia. Asawa ako ng isang Mafia Lord na kalaban din ng ama ng anak mo."

Nanigas ako sa kinatatayuan. Nanindig ang balihibo ko sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin. Wala na ang dating kilala kong Hera...

Hindi ko man mapagtanto lahat ng bagay kung bakit siya narito ay may isang bagay akong napatunayan.

She was now possessed by an evil spirit that is now ready to attack me anytime she wants. Why is she doing this to me? For pete's sake, I am her cousin! I trusted her but she just betrayed me.

Mas mabuti pa nga atang makasama ko ang isang kaaway kesa ang taong nagpapanggap na kakampi ko.

"Bakit mo ito nagawa sa 'kin? Tell me, Hera! Did I do something wrong to you?!"

Palaisipan pa rin sa 'kin kung paano siya nakarating dito hanggang sa naalala ko ang anak ko! Damn! He's in total danger right now.

"Wala kang ginawang masama pero si Clayton, meron." Humalakhak siya na parang demonyo at todo pagpipigil na ang ginagawa ko ngayon para lusubin ang babaeng 'to.

Nababaliw na nga talaga siya.

"Anong kinalaman niya dito?" taka kong tanong.

Gusto kong malaman ngayon lahat ng tinatago niyang sikreto mula sa bibig niya.

"He killed my ex boyfriend. Let me tell you a short story...May boyfriend ako noon at siya lang ang kauna-unahang nagpakita ng totoong halaga ko. I know you're aware how that it feels, right? 'Yong tipong parang ikaw na ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo. Until I found out his secret..."

Tumigil siya kalagitnaan at unti-unting naglakad palapit sa 'kin. Wala akong kahit anumang takot ang nararamdaman kaya hindi ako umatras at sinabayan ang kanyang malamig na titig.

"He's a criminal, Dahlia. But then again, I still accepted him. We both decide to live under the same roof together but something happened. Isang gabi habang nasa loob kami ng bahay at nagplaplano ng aming kasal ay may lumusob na mga armadong lalake. I thought they are policemen and will convict him but my accusations were wrong. Kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano siya binaril sa harapan ko!"

Naguguluhan na ako ngayon at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na 'to. Kung awa ba o mananatili pa rin ang galit ko dahil involve si Clayton dito.

"And what about Clayton?"

"Siya mismo ang bumaril sa kanya. Hindi ko pa sila kilala noon at hindi ko rin alam kung magpapasalamat ba ako dahil hindi nila ako dinamay o mas lalo ko silang sisisihin na sana ay binaril na lang din nila ako. They left me after that while crying endlessly. Then one time, I met Erolden, the lord of Lutone clan. Muntikan na kase akong ma-aksidente that time pero fortunately, niligtas niya ako. And then the rest just happened so fast. I found myself falling for him despite our big age gap but it doesn't matter anymore. Pinangako niya sa 'king tutulungan niya akong makaganti at willing naman ako do'n. "

I can't believe that she got this so far. At hindi na ako magtataka kung may nagawa na siyang mas masahol pa dito.

"Hanggang sa nagpakita ka naman sa 'kin. No'ng una ay gusto kong makatulong sa 'yo. Sinikap ko lahat ng makakaya ko para lang hindi mo malaman ang totoo kong trabaho. Pero nang magkwento ka tungkol sa ama ng anak mo ay nagbago na lahat. Lalo na no'ng makita ko ang picture niya sa mga gamit mo. Tinago ko ang galit na nararamdaman ko at alam mo bang gustong-gusto ko na ring patayin ang anak mo no'n para lang makaganti?"

She laughed sarcastically in front of me. Ako na ang lumapit nang husto sa kanya at binigay ang gantimpalang nararapat sa kanya.

I slapped her so hard that the print of my hand was left on her face. Her face started turning into red but for me, it wasn't enough yet.

Sunod-sunod na sampal ang ginawa ko sa kanya at doon ko binuhos ang galit ko. Hindi siya gumalaw o gumanti man lang na halos ikatumba na niya.

Nang pumasok sa 'king isipan na may hawak akong baril ay agad ko itong tinutok sa kanya.

She mocked at me while smiling devilishly.

"Shoot me, Dahlia. I will be very thankful to catch all the bullets from you."

Ako naman ngayon ang napaatras nang humakbang na naman ito palapit. We are now exchanging dager looks that adds the fuel inside me.

Napatigil ako nang maramdaman ang pader sa likuran ko.




"There's no way to escape, my dear cousin. Your baby is now ready to go to hell..."

Hiding The Mafia's Baby (HIDING SERIES 03) Where stories live. Discover now