Isang linggo na ang nakakalipas simula nang manganak ako at hindi biro ang pinagdaanan ko. Halos hindi ko na mabitawan si baby Clave dahil hayok ito sa gatas. For 24 hours each day, all I did was breast feeding and cleaning him.
"Ako na maglilinis kay Clave, Dahlia. Kumain ka na muna," Hera volunteered. Nagpasalamat muna ako sa kanya tsaka ko maingat na pinabuhat si Clave. Kanina ko pa rin kase ramdam ang gutom at sabi nga ni Tita Jeniva ay kailangan ko ring alagaan ang sarili ko.
She told me that they will stay here next week to look on my baby as I find a job. The salary I got from the Reed clan is not enough now to sustain us. Ang dami na rin kase naming nagasto sa halos isang taon. Hindi rin naman pwedeng umasa nalang ako sa mga kamag-anak ko.
Just like what I told to myself before, I need to be used in being an independent woman, especially now that I'm a mother.
Binilisan kong kumain para matulungan din si Hera sa mga ginagawa. Day off kase nito ngayon sa trabaho. Nang matapos ako sa paghuhugas ay bumalik ulit ako sa kwarto at naabutan kong binibihisan na nito ang bagong ligong si Clave.
I laughed when I saw him giggled. I took the powder beside him and tapped it all over his body. Para ba itong nakikiliti at sobrang aliwalas ng mukha.
"Naku! Bilisan mong lumaki, baby para mapanggigilan na kita nang husto." Inilapit na ni Hera ang mukha nito sa mukha at nagpakita ng kung ano-anong emosyon para patawanin ang anak ko.
"Tigilan mo 'yan, Hera. Baka pagkamalan ka niyang demonyo.
Natawa ako nang sobra dahil sa masamang tingin na ipinukol niya sa 'kin.
Haissst...
Mabuti nalang at nandito ang pinsan kong 'to para kahit papaano ay maibsan ang mabigat na nararamdaman ko. Pati kase ang anak ko ay napapasaya niya rin.
"Ang sama mo, girl. Sana hindi magmana ang pamangkin ko sa 'yo." She rolled her eyes on me and continued being a clown in front of my baby.
I sighed as I realized a lot of things that happened to me. How I wanted to applaud myself right now for surpassing all these battles. I became brave to run away from the man who gave me hope from the beginning and the reason why I had a little angel now. No matter how I felt weak that made me want to give up, God really directed me to the right path. He didn't let me face the obstacles alone and sent me an accompaniment to atleast, mend all the bruises that was scattered inside me.
"Hera, tingin mo ba magagalit sa 'kin ang ama ni Clave kapag nagkita na kami ulit?" Buong tapang kong tanong sa pinsan ko. Natigilan pa ito saglit sa tanong ko at tinignan ako nang masinsinan.
Pagod na kase akong itago ang lahat ng hinanakit ko. Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito para ilabas lahat ng dinaramdam ko tungkol kay Clayton.
Binigay niya sa 'kin si baby at masaya ko naman itong pinagmasdan sa bisig ko. I even sniff his sweet scent.
"Does he love you?" Naupo ito sa tabi ko kaya umurong ako nang kaunti para bigyan siya ng espasyo.
"I felt it, Hera." I smiled faintly.
"Then I'm sure, he'll not get mad at you. But maybe, he will be so disappointed of your decisions. Dahlia..." Hinawakan nito ang balikat ko at tinignan nang seryoso.
"Ramdam na ramdam ko ring mahal mo siya at naiintindihan ko kung bakit mo nagawang itago sa kanya ang anak niyo. But have you ever considered his feelings? Kayo 'yong gumawa niyan eh. I mean it's your choice to give yourself to him but because he's a mafia, aatras ka nalang bigla?"
Napayuko ako sa katotohang 'yon. Nakukuha ko ang ibig niyang sabihin.
"Kayang-kaya niya kayong protektahan. I know his job is dangerous but I'm sure enough that all things are possible to him just for you and your baby to be safe. Ako rin mismo ay hindi sang-ayon sa ginawa mo dahil pinakita mo lang na wala kang tiwala sa kanya."
I want to shout at my cousin to stop her from speaking. She's only stating the truth but I feel so mad right now. Galit ako sa sarili ko dahil tama siya. Mahal ko nga si Clayton pero dahil sa pinangunahan ako ng takot ko ay hindi ko na inisip ang mararamdaman niya.
"Decide carefully now, Dahlia. It's not yet too late."
Tinapik niya ang balikat ko at paalis na sana siya nang pigilan ko ito sa braso. Pinahiga ko muna si baby sa kama at hinarap si Hera.
"Salamat." Hinila ko ito palapit sa 'kin at saka siya niyakap. Kahit ito man lang ang magawa ko sa ngayon. Alam kong marami akong pagkukulang pero dahil may mga taong handang tulungan ako at naniniwala sa 'kin ay kakayanin kong harapin ang mga pagsubok.
"Breathe well, Dahlia. Don't suffocate yourself with anxieties."
Humiwalay kami ng yakap at tinawanan nalang ang isa't isa dahil sa kadramahan namin.
"Gusto mong makalanghap ng sariwang hangin?" pilyo nitong tanong sa 'kin.
"Baket? Uutot ka?" Agad naman akong nakatanggap ng sapak sa kanya.
"Gaga! Sariwa nga 'di ba? Tingin mo ba fresh air ang utot ko?" Tinawanan ko lang ito at humalukipkip lang siya.
"Joke lang. Oh bakit nga?"
"Ako na lang magbabantay sa baby mo at ikaw ang bibili sa tindahan ni Aling Marites ng mga gulay na lulutuin natin mamaya."
Akala ko naman kung ano ang gagawin. Uutusan lang pala ako. At dahil bagot na bagot na rin ako sa loob ng bahay ay pumayag na ako sa kanya.
"Noted, ma'am. Pera?" Pabiro ko pang nilahad ang palad ko para humingi ng pera. Niloloko ko lang naman ito dahil meron pa rin naman akong naitabi na konting pera at ayaw konng makaabuso.
Umiling muna ito sa 'kin bago dukutin ang wallet niya sa kanyang bulsa.
"Binibiro lang kita. Itago mo na 'yan. May pera pa naman ako." Tatalikod na sana ako para kumuha ng pera sa bag nang mapigilan niya agad ako sa braso.
"Huwag kang pabibo, Dahlia. Wala ka pang trabaho, okay? Sagot ko na muna. Bawal tumanggi."
Kapag nagreklamo pa ako ay siguradong mauuwi sa ito sa rambulang magpinsan kaya pumayag nalang ako. Nahihiya pa ako sa loob-loob ko nang tanggapin ang pera mula sa kanya. Maghahanap na talaga ako ng trabaho para makabawi sa kanya.
Kinuha ko muna ang payong na nasa sala dahil sigurado akong napaka-init sa labas. Malapit na rin kaseng mag-tanghali.
Kaunting lakarin lang naman ang gagawin bago marating ang tindahan ni Aling Marites. May mga nakakasalubong pa akong mga bata na naglalaro ng piko sa daan. May mga teenagers din sa tabi na sumasayaw. Wari ko ay nagtitiktok sila. Napangiti tuloy ako sa nasaksihan. Makakita lang ako ng masasayang tao sa paligid ko ay nahihimasmasan na ako agad.
Nang marating ang tindahan ay nagsimula na akong pumili ng mga preskong gulay na nakalagay sa harap.
"Mura lang ang mga 'yan, ija. Bilhin mo na lahat."
"Ay grabe naman po. Hindi po namin makakakain lahat niyan," tawa ko.
Tumawa rin siya sa sinabi ko at hinayaan akong pumili ng bibilhin. Ngunit agad nagpantig ang tenga nang marinig ang usap-usapan ng ilang matatanda sa gilid ko.
"Nakakatakot 'yong mga lalake kanina 'no? Ang lalaki ng katawan nila at parang mananakit talaga ng tao."
"Oo nga. Nakita ko pang may mga baril na nakatago sa suot nilang coat."
"Halos mahimatay nga kami ng asawa ko."
"Yong anak ko nga kanina na si Vanessa ay halos maglupasay. Hindi dahil sa takot kundi dahil ang gwa-gwapo raw ng mga lalakeng 'yon."
Nagsimula akong kabahan dahil sa naging usapan nila. Madami akong hinuha kung sino ang mga 'yon. At may mga dala raw silang baril? Hindi kaya ang alagad ng Reed clan? O iba pa?
Nagsimula akong pagpawisan dahil sa kaba. Binilisan ko na ang pamimili ng gulay at agad inabot ang bayad. Buti nalang at sakto 'yon kaya hindi ko na kakailanganin ng sukli.
Mabilis akong tumakbo pabalik sa bahay.
Sh*t!
Mukhang delikado na rin kami rito...
YOU ARE READING
Hiding The Mafia's Baby (HIDING SERIES 03)
RomanceWe can't be together for he's the most dangerous man I know. I love him but I love my baby more and as Agent Dahlia, I am all heads up to turn my back on him and never let him know about our son. But I never anticipate that my world will be more wre...