Chapter 10 | END

12K 346 48
                                    

Wala akong kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid ko nang imulat ang mga mata. Last thing I remembered,  Hera covered my nose with a handkerchief and that't when I lose my sanity.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay sumalubong sa 'kin ang walang mababakas na emosyon ni Hera. Hindi ko inaasahang siya ang unang makikita ko. 

"Buti naman at gising ka na," malamig niyang tugon.

Nilibot ko ang tingin sa lugar ngunit sobrang dilim din dito. Saan niya ako dinala? Inaasahan ko rin na may kasama siyang mga armadong lalake na sasaktan ako ngunit kami lang dalawa ang narito. Ano ba talagang plano niyang mangyari?

"Saan mo ako dinala?" 

Dahan-dahan ako bumangon sa kinahihigaan ko dahil masakit pa rin ang ulo ko dahil sa pinaamoy nito sa 'king bagay kanina.

"Nandito tayo ngayon kung saan hindi ka mahahanap ng mga kalaban."

"What? Anong pinagsasabi mo, Hera? At nasaan ang anak ko? Saan mo siya dinala?"

Nagsimula akong dalawin ng matinding kaba at pilit na tumayo. Tinignan ko siya nang mariin ngunit wala pa rin itong pinapakitang emosyon na mas lalong nagpa-alala sa 'kin. I'd rather get a bad news than nothing at all.

"Tell me!" I exclaimed.

"He's safe. Nando'n siya oh." May tinuro siya sa bandang likod ko at nakita ang isang crib do'n.

Agad akong lumapit at halos mangiyak ako nang makita ang anak kong ligtas. 

"Wala ka bang ginawa sa kanya?"

"Kung ang tinutukoy mo ay masama, wala. Natutulog lang siya ngayon at pinainom ko na rin ng gatas kanina habang tulog ka pa." 

Gustong-gusto ko nang buhatin ang anak ko para man lang may mabawi ko agad ang lakas ko ngunit mas mabuti sa ngayon na pagtuonan ko muna ng pansin si Hera. Nahihirapan na akong intindihin siya.

"Why are you doing this to us?" I curiously asked. I breathe in heavily as I try to make myself better.

"Believe me or not, Dahlia but I am brave enough to turn my back to the people who helped me just to save you both." 

I became so speechless. The deafening silence filled us until I broke it.

"W-what? Is this a bait?"

Baka kase isa na naman ito sa patibong niya para magawan ako ng masama. Kunwari ay nagsisisi na siya at gusto niyang kumampi sa 'min para lang makuha ang gusto. At isa lang ang napagtanto ko kung bakit nahihirapan na akong magtiwala ulit.

Once you broke a glass, there's no other way to turn it back to its original looks. You can put back the broken pieces but it's not the same anymore and the best thing you could do is to replace it with something new.

Sa sitwasyon namin ngayon, mahirap nang maibalik ang tiwala ko sa pinsan kong hindi ko lubos aakalain na magagawa ang mga bagay na 'yon. Laking pasasalamat ko nalang na naunahan siya ng Reed clan para makuha kami ng anak ko dahil kung hinde, baka mas naghihirap na kami ngayon sa mga kamay nila

"I'm not going to force you to believe me this time or to receive your forgiveness. Just stay right here and follow all the things that I will say, alright? Kapag sinabi kong huwag kayong lalabas dito ay sumunod ka sa 'kin kung ayaw mong mapahamak kayo ng anak mo."

Tumalikod ito sa 'kin at nagsimulang humakbang palayo. Ewan ko kung anong sumapi sa 'kin sa mga oras na ito pero kusang humakbang ang mga paa ko at tumakbo palapit sa kanya.

"Hera." I held her elbow. She faced me curiously.

"Alam kong nasa loob mo pa rin ang dating Hera na nakasama ko noon. 'Yong pinsan kong walang ibang ginawa kundi magbiro at patawanin ako, 'yong pinsan kong laging handang tumulong sa 'kin at tinanggap ako nang buo. Hindi pa huli ang lahat para itama lahat ng mali. Naniniwala ako sa kakayahan mo, Hera."

Hiding The Mafia's Baby (HIDING SERIES 03) Where stories live. Discover now