CHAPTER: 3

21 6 0
                                    

=CHAPTER 3: ENROLLMENT

LIZ'S POV:

MONDAY:

Maaga ako nagising ngayon may lakad kasi kami ngayon at dating din sila daddy para samahan kami mag enroll.

Bumaba na ako at nag luto ng breakfast namin na Melly,marunong na kami mag luto pero yung mga simple lang naman.

"Good morning sissy"  ang lakas talaga ng bunganga nito.

"Good morning too, buti naman nagising kana sakto nakaluto na ako" masaya sabi ko.

"Excited lang kasi ako sa enrollment natin" ngiting ngiti sabi nya.

"Ako din, tara na kain na tayo at baka dumating na sila daddy" paganyaya ko pa.

Naligo na ako at nag ready ng matapos kami kumain baka kasi dumating na sila daddy. Nandito kami ngayon sa sala ni Melly nag aantay nalang kila daddy maya maya pa ay.....

Knock knock knock.......

"Sila daddy na yata yan" excited na sabi ko.

"Ako na lang" presenta ni Melly ayon na sila daddy nga. "Good morning po mga tito, lolo pasuk po kayo"

"Magandang araw Melly ija" masayang bati din ni lolo at nginitian lang nila daddy at uncle si Melly. "Ready na ba kayo" dagdag pa ni lolo.

"Ready na po kami lolo, tara na po"  pag singit ko sa usapan nila.

MAKATI EMIRATE UNIVERSITY ( MEU)

Grabe ang ganda ng school na ito ang laki din kung malaki yung school namin sa CAVITE mas malaki ito, parang denoble yung laki ng pagmamayari ng pamilya namin na school.

"Sissy ang ganda dito parang magiging masaya ng college life natin"tumatalon talon pa si Melly nginitian ko lang sya.

"So tara na punta na tayo sa Dean office para makapag enroll na kayo " pag-anyaya ni lolo.

"Okey po" maiksing sagot ko.

Dean office

Knock knock knock....

Kumatok muna si uncle Val bago kami pumasok.

"Hey Val long time no see" sabi nung lalaking mukang kasing dead ni uncle, naka upo sa Dean chair. Sya siguro yung dean." Good morning po tito, hey Vic kumusta na kayo"

"Ito ayos naman ,ikaw kumusta na" si uncle na ang sumagot.

"I'm fine,maupo muna kayo. So this two young girl ang eenroll nyo?" tanong nung lalaki.

"Oo ito yung apo ko" tiro ni lolo sakin " at ito naman apo ni Marvin" dagdag pa ni lolo.

"Good morning po" sabay naming bati ni Melly.

"Good morning din mga ija, I am Fernan Agustin the dean in this school" pag papakilala ng dean"Sooo? Gusto nyong i-take ang Engineering course?"

"Yes po dean" sagot ko tumango lang si Melly.

"That's good same with my son and his friends, Sana maging kaibigan nyo sila" nakangiting sabi ng dean.

"Engineering course din ang gusto ng anak mo?" Tumango lang yung dean "mas maganda kung maging magkakaibigan din sila, ilagay mo nalang kaya sila sa iisang section" suggest ni uncle.

You Are My FOREVER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon