=CHAPTER 4: FIRST DAY OF COLLEGE LIFE
MELLY'S POV:
Maaga akong gumising ngayon kasi unang araw namin sa college, super excited na talaga ako.
Dumeretsyo na ako sa banyo para mag ayos muna ng sarili bago mag luto ng agahan, di ko naman kasi maasahan si Liz sa pagluluto ng ganitong oras baka nga natutulog pa ang bruhang yun.
Ng maayos ko ang sarili ko ay bumaba na ako pero nagulat ako ng makita ko si Liz na...... nagluluto?
'seryoso ba ito ang aga naman nya nagising naunahan pa ako'
Di nya yata ako napansin kasi di man lang ako tiningnan.
"Good morning sissy" malakas na bati ko,lumingon naman agad sya ng nakangiti.
"Good morning din" masayang bati nya rin sakin.
"Aga natin hah?"
"Excited lang kasi ako, ngayon ang first day natin sa college" nakangiting aniya
"Ako rin,sana makita natin ulit yung nakabangga sayo" nakangiting sabi ko.
Gusto ko lang talaga makita yung lalaking yun,bang pogi nya kasi. Sana talaga makita naman sila mamaya.
Nagulat nalang ako ng biglang sumigaw si Liz.
"Hoy babae, anong ngiti ngiti mo dyan" pasigaw na tanong nya ng nagtataka.
"Hah? Ako nakangiti?" Maang maangang tanong ko rin.
"oo, kanina pa kita inaaya na kumain di mo man lang ako pinapansin" Hala diko narinig yun.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa kanya kanya namin na kwarto para magayos na ng sarili, baka malate pa kami first day pa naman pag nalate kami mauubos na ang buong taon na late kami always.
Nang bumaba na ako nakita ko na si Liz sa sala nag aantay na saakin.
'halatang excited nga itong babaeng ito'
Sabi ko na lang sa isip ko habang nag susuklay ng buhok.
"Ano ba yan? Ang tagal tagal mo kanina pa ako dito, alam mo ba yun" reklamo nya, ayaw talaga nitong pinagaantay sya pero pag sya yung matagal grabe.
"Sorry na,natagalan lang" sabi ko sakanya.
"Halika na baka malate tayo,ayoko pa naman na nale-late" pagaaya nya sakin.
Nauna na syang lumabas pero bago pa sya nakalabas ng bahay ay humarap sya ulit saakin "ako na lang mag da-drive para mabilis tayo makarating sa school"Seryoso sya? Sya mag da-drive? Baka mamatay kami ng maaga nyan, ang bilis kasi nyan magpatakbo ng sasakyan kala mo naman hinahabol. Pero ano ba ang magagawa ko pag sinabi nya yun ang masusunod.
"Hoy" nabalik nalang ako sa reyalidad ng sumigaw sya.
Ito talagang babaeng ito ang hilig sumigaw.
"Oo, ayan na oh" Yun na lang ang nasagot ko at tumakbo na ako papasuk ng kotse ko. Wala na saaming magsalita habang nasa byahe.
SCHOOL
Pagdating namin sa parking lot bumaba agad ako Wala eh excited ako masyado.
"Hanapin muna natin yung section natin" nakangiting sabi ko.
BINABASA MO ANG
You Are My FOREVER
Teen FictionA girl with a perfect life. When because of one decision her life is changed. The name of girl is ANFELIZA GIZELLE NUÑEZ she a have a best friend who was willing to do everything for her. Her best friend name is Melly. Liz and Melly are decide to g...