CHAPTER: 19

8 5 1
                                    

=CHAPTER 19: TROUBLE MAKER

LIZ'S POV:

"Uuwi na pala ako" nagmamadaling paalam ko.

"Hah? Hatid na kita" akmang kukunin na ni Gael yung susi nya sa may coffee table ng pigilan ko sya.

"No, kaya ko na ang sarili ko" pag sabi ko nun agad kong kinuha ang mini backpack ko at nag madaling lumabas ng bahay nila.

Nag lakad nalang ako palabas ng village nila. Mapalapit lang naman ang bahay nila sa high way.

Agad akong pumara ng taxi para maka uwi. Alam ko naman na di makakapasok ang taxi sa loob ng village namin kaya ipinakita ko yung I.D ko sa village namin.

Nakita ko na si Melly sa labas palang ako ng bahay nasa teresa sya at may kasamang...... Lalaki? Sino yun? Siraulong Melly to nagdadala ng lalaki sa bahay?

Dali-dali akong pumasok at pumunta sa teresa. Kailangan kong makausap si Melly. Agad akong napahinto sa pag takbo ko ng makita ang kasamang lalaki ni Melly. Si Phillip lang pala.

"Anong ginagawa mo dito Phillip?" Takang tanong ko. Nanliligaw?

"Bumisita lang. Alam ko kasing walang ibang kasama kayo dito kaya pumunta ako para samahan kayo kaso wala ka din pala" paliwanag nya napa 'ahh' nalang ako bilang pag sangayon.

Binalingan ko naman si Melly na nagtataka kong bakit akong tumatakbo.

Mamaya ko na lang sasabihin, nandito pa si Phillip eh.  Hinayaan ko na lang sila mag usap. Mukang may something sa dalawang yun eh.

Nakatulog na lang ako ng hindi naghahapunan. Siguro dahil sa antok na din. Maaga akong nagising dahil mahaba na din ang tulog ko.

Hindi pa gising si Melly kaya ako na ang nag handa ng almusal. Bahala na kung anong maging lasa nito.

Ginising ko na lang si Melly dahil mukang late na ito natulog kagabi. Baka nag K-drama ang babaitang ito.

"Hoy nag K-drama ka na naman no?" Tanong ko.

"Tinapos ko na kasi yung pinapanood ko eh" sabi na nga ba.

Kahit nasa hapag na, pumipikit-pikit pa. Mukang umaga na to natulog.

"Bilisan mo dyan Melly. Iiwan talaga kita" banta ko.

Nako talaga mag lalakad sya pag di nya binilisan. Dadalhin yang kotse nya. Ayoko pa naman ma late.

Inayos ko na lang sarili ko. Para maka pasok na ako sa klase. Monday na Monday pa naman ngayon.

Naliligo pa lang sya ng pinasok ko ang kwarto nya. Talaga naman oh.

"Melly bahala ka dyan. Aalis na ako mag commute ka na lang" sigaw ko at dali-daling umalis.

Bahala na sya kaya nya na din naman ang sarili nya. Matanda na sya.

Si Jas agad ang sumalubong saakin mukang.

"Good morning Liz" tumingin sya sa likod ko "Si Melly?"

"Nasa bahay pa yun" sagot ko.

"Hah? Bakit?" Ito talagang si Phillip.

"Papasok din yun. Wag ka na mag alala mahal ka nun" nginitian ko sya ng nakaka luko.

Wala pa yung bruhong tukmol. Late na naman yun. Lagi naman. Nung first day lang yata yun maaga pumasok eh.

Pati din si Oliver wala pa. Isa din yun wala kasing mga love life kaya walang nag aantay dito.

You Are My FOREVER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon