CHAPTER: 17

10 5 1
                                    

=CHAPTER 17: SUNDATE

LIZ'S POV:

Ayos din pala itong gunggong na ito, nakakabawas sa sama ng loob.

Puro na lang kasi si Melly ang nakukwentuhan ko. Mas okey din pala pag iba naman ang napagsabihan mo ng problema, nakakagaan ng damdamin.

"Ayos ka din pala kausap minsan" Saad ko habang nakatingin sakanya.

Ngumiti lang ang Gago, kala mo sinabihan sya ng napakagandang papuri.

"Tigil tigilan mo na nga yang pag ngiti mo, muka kang mag nanakaw ng panty" natatawang saad ko.

Mukang nagalit sya, nag iba kasi ang expression ng muka nya.

"Ang sama talaga ng ugali mo eh no?" Sarkastikong sabi nya.

"Totoo naman eh,  ngumingiti-ngiti ka pa dyan"  I seriously said.

"Di ba pwedeng masaya lang kaya ngumiti? Magnanakaw ng panty agad?" Inis na sabi nya, pero bigla ulit syang ngumiti na parang may kalokohan na naman na naisip "kung panty mo pwed...." Hindi na natapos ang sasabihin nya.

Agad ko syang binatukan sa inis ko.

"Gago ka?" Pikon na tanong ko.

"Masakit kaya Liza"  parang batang sabi nya.

'wait, what? Liza? Lakas ng tama ng Gael na ito'

Inis ko syang tiningnan, hinihimas na pa din ang ulo nya. Napalakas yata yung pag batok ko.

"Anong Liza?"  I ask, so he looked at me and smiled before answering my question.

"Liza" he said, but i didn't speak, so he spoke again " Liz is too short so it's just Lizahe explain "and Liz is very common, so it's just Liza and at least ako lang ang tatawag sayo nun" he added.

Napa 'ahh' nalang ako sa sinabi nya. Di ko alam kung bakit napangiti nalang ako.

Di ko na alam kung ilang oras kaming nag kwentuhan about sa kanya-kanya naming family.

"We are 3 siblings" he said "I am only boy and I am the eldest"

"Nag iisa kalang na lalaki?" Tanong ko.

"Kakasabi ko lang diba" iritang sabi nya.

"Nag tatanong lang" inis na sabi ko sabay irap.

Marami din syang sinabi about sa family nya na magulo din daw.

"Nagulo na ang family namin, simula nang pumunta si Mommy sa Singapore" sabi nya

"Eh?" Naguguluhang tanong ko.

Ano ba ang nangyari? Pumunta lang ng Singapore, nagkagulo na ang family nila? Anong meron sa Singapore?

Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya. Parang bang sobrang sakit ng pinagdadaanan nya.

"When my mom come from Singapore, they will always fighting with my dad. I don't know what the reason is" nakita kong pasimple nyang pinunasan ang luha nya.

"Bakit hindi mo sila tanungin kung bakit sila nagaaway?" Seryosong tanong ko.

"Hindi naman nila sinasabi ang rason, basta ang alam ko lang may kabit si Mommy" sabi nya, kaya tiningnan ko sya na parang gulat na gulat.

You Are My FOREVER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon