CHAPTER: 20

33 5 0
                                    

=CHAPTER 20: REPORTING

LIZ'S POV:

Hussle naman ng college. 2nd week pa lang ito pero problemadong--problemado na ako. Mga wala pang kwenta yung group mates ko sa activity na ito.

Ginagawa ko na yung activity namin bukas na kasi ito ipi-present. Nakalimutan ko din naman kasi. Naging busy ako kakabasa ng book ng engineering. Mas gusto ko kasi pag may bago akong nalalaman about sa engineering.

Kahit antok na antok na ako di pa din ako makakatulog dahil mas importante ito.

Malilintikan talaga sila saakin bukas. Bahala sila, di ako mag rereport nito.

Bibigyan ko talaga sila ng tuktuk sa ulo. Puro asa, ni di ko nga man lang makitang nag babasa ng libro.

Kaya pag may quiz kanya-kanyang kopyahan. Pano kaya sila makakatapos ng pag aaral nyan.

Tinapos ko na lang yung activity namin para makatulog na. Nagising ako sa sigaw at katok ni Melly sa labas.

"Hoy! Anfeliza gumising kana" paulit-ulit syang kumatok "Ala sais na gaga" sigaw nya ulit.

Pumikit na lang ulit ako. Bahala sya dyan antok pa ako. Napatayo ako ng sumigaw ulit sya.

"Iiwan kita! gaga ka, kala mo ha" di ko na narinig na sumigaw pa sya.

Dali-dali na akong naligo. Alam kong tututuhanin nya yun. Babawi sya saakin kagaya ng ginagawa ko nung monday.

Ngayon pa at may time sya para bumawi na. Lagi kasi akong nauuna sakanya kaya di sya makabawi.

Paalis na sya ng lumabas ako ng kwarto ko. Gaga talaga nito, iiwan ako. Kumakaway pa sya ng slow motion, para bang nang iinis. Lakas pang tumawa, labas pati kilagid. Buti na kang maganda at mapuputi yung ngipin nya kaya di nakakahiya.

"Bye-bye sissy" huling sigaw nya.

Nasa garahi na sya kasi narinig ko na din yung makina ng kotse nya. Bubutasin ko talaga yang gulong nya.

Binilisan ko na lang ang pagkain ko. Nag madali akong lumabas ng bahay. Tiningnan ko pa muna yung mga gamit ko kung kompleto.

Naglakad pa ako palabas ng village namin. Wala naman na pumapasok na taxi doon eh. bawal sila.

Andami ng dumaan na sasakyan pero wala man lang na taxi. Letse ka Melly.

7:34 a.m na. Malapit na mag 8 a.m di pa din ako nakakasakay late na ako.

Hindi na ako nag antay ng taxi. Sumakay na kang akong jeep. Malas talaga ako ngayon traffic pa.

Dalawang sakay ng jeep bago makarating sa university namin. Hussle naman ang araw na ito.

Late na ng 22 minutes ng makarating ako ng room namin lahat sila tumingin saakin ng bigla akong pumasok na pawisan at hingal na hingal.

Tinakbo ko ba naman mula gate hanggang dito sa 4th floor. Next time papagawa na ako ng elevator yung pinaka mabilis. Puta!

"S-sorry Sir for b-being late. T-traffic po k-kasi" hingal na hingal ako.

Napahawak pa ako sa dibdib ko. Agad kong tiningnan si Melly ng masama. Nagpipigil sya ng tawa.

"Take your seat Ms. Nuñez" utos ni Sir.

May nag rereport na ng activity pala. Masama kong tiningnan si Melly ng maka upo ako.

MELLY 'S POV;

"Oh! Where's Liza?" Gael asked.

Himala yata nandito na sila lahat. Hindi late? Nabaliktad na ba ang mundo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Are My FOREVER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon