=CHAPTER 5: NEW FRIENDS
LIZ'S POV:
LUNCH TIME
'Hayyyy salamat at lunch time na nagugutom na ako kanina pa at kanina pa ako napipikon doon sa bruho, masyadong mayabang hysst'
"Hey Melly, faster i'm hungry na" sabi ko dito sa bff ko, kasi naman nakikipag kumustahan po doon sa mga boys.
"Oo na, ito na ito na, fine halika na" napilitang sabi nya "ito naman ang kj mo, alam mo ba yun? Ha? Nakakainis ka naman sissy" dagdag nya pa, talagang babaeng ito napakaharot.
"Eh kasi naman kanina pa ako nagugutom alam mo ba yun?ha? and don't even talk to them" mariing sabi ko, diko lang talaga bet maging friends sila. Lalo na yung mayabang na bruho na yun, sisirain lang nun ang buhay ko.
"Bakit naman? Mababait naman sila hah? Porket kaaway mo yung isa sakanila dapat diko na rin sila kausapin?" sunod-sunod at naguguluhang tanong nya.
"Oo" deretsyong sagot ko na ikinatawa nya, baliw talaga ang babaeng ito.
"Alam mo Liz? Ang immature mo, masyado ka naman na isip bata ngayon sissy" natatawang sabi nya.
"Oo na kung immature ako, basta ayoko silang maging friends" pakikipagtigasan ko sakanya.
"Sissy naman gusto ko lang naman mag karoon ng new friends, para madagdagan naman ikaw lang kasi yung friend ko diba" nakapout na sabi nya.
Alam ko naman kasi na gusto nya lang mag karoon ng more friends, pero ayoko talaga doon sa mga mayabang na mag totropa na yun.
"Marami naman na iba dyan, gaya na lang nung katabi mo sa life side, yung magkaibigan din yata? Yung girl and gay" sabi ko sakanya.
Yun kasi gusto ko rin maging friends mukang mababait sila, maaamo yung muka,mukang mga sweet and masaya kasama yun.
"Gusto ko sila maging friends pero gusto ko rin maging yung mga kaaway mo" hala makulit talaga sya. "Dali na sissy gusto ko rin sila maging friends and sabi nila gusto ka rin nila maging friends kaso bigla ka na lang daw naging masungit sakanila" dagdag pa nya.
Nandito na kami ngayon sa canteen ang ingay ingay nya habang kumakain.
"Oo na oo na, nakikipag friends na tayo sa mga ugok na yun, kung di lang talaga kita mahal nako-nako iiwan kita dito sa university na ito at pupunta nalang akong Spain" sabi ko sabay irap sakanya, habang tuwang tuwa.
"Yehey, I love you sissy thank you, gusto ko talaga nagkaroon ng maraming kaibigan"nakangiting sabi nya habang pumapalakpak pa.
"Hi classmates, pwede makishare ng table?" Tanong nung classmate namin na bakla.
"Ah yeah yeah, here ohh" pagaalok ko sa upuan na katabi ko, sila yung kausap ni Melly kanina.
"Thank you, Liz right?" Nakangiting tanong nya.
"Yeah" tipid na sagot ko,
'mukang magiging masaya naman pala itong college life ko kahit may bruho sa university na ito' sabi ko sa isip ko."I'm Jasper Ken Enriquez, Jas for short. Jas maganda" tumatawang pakilala nya.
"Hi I'm Gianina Kira Angeles, Gia for short" sabi naman nung kasama ni Jas.
BINABASA MO ANG
You Are My FOREVER
Teen FictionA girl with a perfect life. When because of one decision her life is changed. The name of girl is ANFELIZA GIZELLE NUÑEZ she a have a best friend who was willing to do everything for her. Her best friend name is Melly. Liz and Melly are decide to g...