Part 24

1.7K 88 8
                                    

Nasa lobby ng isang malaking internet café si Gregor para sa operasyon isang araw at nakikipag-usap sa isang saksi ng kidnap for ransome case. Isang early twenties computer enthusiast na prime witness sa nasabing kaso. Nasa gitna siya ng pakikipag-usap ang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi nag-abalang sumilip sa telepono, pinutol niya ang tawag sa pamamagitan ng pagpindot ng power button sa gilid niyon. Hinayaang manahinik ang cellphone sa bulsa.

"Sigurado ka ba sa nakita mo? Baka ibang tao ang nakita mong kasama ng biktima? Kasi sa napag-alaman ko, sinundo siya ng isang kaibigan na nagngangalang Amalia Feros sa apartment para sa pupuntahan nilang party, pero lumalabas sa ebidensiya na walang kinalaman ang Amalia na iyon sa kidnapping."

"Opo, hindi ko po personal na kilala ang Amalia na iyan kaya hindi ko alam ang hitsura niya. Basta ang nakita ko, kasama niyang umalis ng bahay ang isang matangkad na babae, may highlights ang buhok tapos mahaba. Lampas balikat."

Ibinuka ni Gregor ang bibig para muling bumato ng tanong nang tumunog ulit ang kanyang cellphone. Mula sa labas ng kanyang jacket, muling kinapa ng lalaki ang power button para putukin ang tawag. "Kung ang description mo sa babaeng nakita mo na kasama ng biktima ang pagababatayan, umaayon sa hitsura ng pangunahing suspek. Pero may sinabi ka kanina na medyo may katabaan? Hindi naman malaki ang pangangatawan ni Amalia."

"Iyon po ang tanyiya ko, Sir, pero medyo malayo po kasi 'yon. Mga...dalawang bahay ang layo. Kaya p'wedeng mali ang tantiya ko."

"Hmm, sige..." inilagda ni Gregor ang mga pahayag ng witness sa kanyang maliit na notebook nang tumunog ulit ang kanyang telepono. Napapalatak siya.

Sino ba ang tawag nang tawag sa kanya nang mga oras na iyon? Hindi ba nakakaintindi na baka busy siya kaya ayaw niyang sagutin? Alam na alam ng mga katrabaho niya na kapag oras ng trabaho at pinutol niya ang tawag ay ayaw niyang magpaisturbo. At nakagawian na ng mga itong huwag mangulit kapagka ganoon dahil alam ng mga itong tutok siya sa trabaho. Is it Ruki? Pero hindi pangkaraniwan sa binatilyo na tumawag sa kanya. Mas madalas nga ay siya ang nauunang kumoktak dito.

Bagot na inilabas niya sa suot na kayumangging leather jacket ang cellphone. Nang makita ang nakarehistrong pangalan ng caller ay nagtagpo ang kanyang makakapal na kilay. "Teka lang," aniya sa kausap.

"Sige po, Sir."

Tumayo siya para lumayo at tanggapin ang tawag.

"Jannis?" bungad niya, halata ang pagtataka sa boses.

"Gregor, finally you answered," saad ng babae sa kabilang linya na tila malapit nang maubusan ng pasensiya. May pagkabuo ang boses nito, not so feminine unlike typical woman. Entirely fits for the lady's strong character. "Are you busy?"

"Yes. I'm working."

"Sorry, gusto ko lang ipaaalam sa iyo na pupunta kami ng Tayuman. May ka-meet akong important client."

"Then?"

"Ayokong kumuha ng hotel. Patuluyin mo naman ako sa condo mo for a a night." Sa pananalita nito mukhang pinal na ang plano ng babae.

"Why my condo when you can get a five star hotel?"

"Why not?"

Hindi siya nakasagot. Bakit nga naman hindi puwede? It's not as if they're in an unsullied relationship. Of course they shared bed for countless times already.

"And you know I always wanted to take a peak at your haven. Sige na, I'm arriving at late afternoon. Be a good host and pamper me. I can't stay in this call for too long, mag-eempake pa 'ko. Bye, Gregor!"

Napabuga ng hangin si Gregor nang tumahan na ang kabilang linya. Ito na mismo ang pumutol sa tawag. Jannis, in a night, sa condo? What could the upshot be? Noon pa niya paulit-ulit na hinihindian ang request nitong pagpunta roon dahil ayaw niyang  basta na lamang may pumupunta sa kanyang bahay. Knowing women, kapag umiral ang pagka-demanding ay basta na lamang sumusulpot sa bahay ng mga lalaki. It's a whole different story when it comes to his flings, though, at least ang mga ito, alam niyang may limitation at walang relasyon na namamagitan sa kanila. Walang dapat habulin sa kanya. For him, just like other standard guys, it's a big nuisance. Subalit dahil hindi na niya mabilang ang pagtangging ginawa kay Jannis, naubusan na siya ng irarason. At ngayon, mukhang hindi na siya makakatakas.

COMPLETED His Manly Bride: The Forbidden Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon