Part 11

1.4K 77 31
                                    

"Bakit parang lumalakas yata ang ulan?" Ruki was actually talking to himself. Naisatinig niya lang kung ano ang laman ng kanyang isip pero mukhang nakaabot iyon sa pandinig ng kanyang katabi kaya nagsimula ang kanilang usapan.

"Napanood ko sa TV kanina na mas lalakas pa ito hanggang bukas ng umaga. May bagyo yatang parating. Hindi ka dapat gumawa ng appointment ngayong araw, paano na lang kung hindi tayo nagkita sa coffee shop, mahihirapan kang umuwi."

Puwede naman siyang magpasundo kay Rei, kaso baka matagalan din dahil parati itong nag-o-overtime.

"Hindi ko alam."

"Yeah, I presumed...kumusta ka na pala, sa bago mong trabaho?"

Mula sa pagtanaw sa labas ng bintana ay napabaling siya sa katabi subalit agad ding nagbawi. "Okay lang naman."

"I hope they're not putting too much pressure on your shoulders."

"It's part of my job. No big deal."

Ito naman ang napatingin sa kanya. "Pinahihirapan ka ba nila?"

Nagtatakang napatingin siya rito. Bakit kahihimigan niya ng pangamba ang boses nito? "Hindi naman. Okay lang ako."

"If you sense any maltreatment, you may talk to me. I still bear some percentage in the company, I will talk to them."

"Hindi mangyayari iyan."

"You're quite optimistic, I like it. But I would appreciate it much if you'll let me hear, in case. I don't take joy in unfair manipulations."

'Bakit sa iyo ko pa sasabihin kung makakatanas man ako ng unfair treatment? Puwede naman kay Rei?'

"Akala ko wala ka na sa VLI."

"Kaya ba pumasok ka roon dahil akala mo wala na ako?"

"Oo," sagot niyang walang pasubali.

Bumungong-hininga si Gregor at hindi nakaligtas sa kanya ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa manibela ngunit nakatuon pa rin ang mga mata sa daan. "Hindi ko pa nababawi ang shares ko roon. I thought the process would be easier, pero inabot kami ng ilang buwan. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang kaso kahit tapos na ang...annulment."

"Matatagalan pa ba?"

"Ganoon mo na ba ako gustong mawala sa kompanya?" Gregor asked with a lopsided smile.

"Your issue with the company is none of my business. Magtatrabaho ako nang tahimik sa VLI."

"You might be seeing my face quite frequently in the company for the next days, I'll apologize in advance for that."

"Bakit ka nagso-sorry? Ang sabi ko nga, labas na ako sa problema mo sa kompanya."

"I am always sorry for you, Ruki, you know that. Alam kong nahihirapan kang lagi akong nakikita." Magsasalita na sana siya para itanggi ang paratang nito ngunit inunahan na siya ni Gregor. "If not, then you will not display such exasperation towards me. Pero tatanggapin ko ang lahat ng iyan, kung makakatulong iyan para gumaan-gaan ang pakiramdam mo." Bahagya itong nagpakawala ng mahinang tawa saka iniba ang timpla ng boses. "Mas lumalakas ang ulan, recalling unpleasant memories will just worsen the situation. Let's change the topic."

'Buti napagtanto mo. I'd rather sit here and have my holy silence.'

Iyon ang naisip niya ngunit nang kumustahin nito ang kanyang pamilya ay hindi niya nagawang dedmahin ang tanong nito, at humaba na nang humaba ang kanilang usapan.

COMPLETED His Manly Bride: The Forbidden Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon