Part 4

2.4K 125 7
                                    

Magkaharap sa lamesa ang tatlong lalaki. Si Rei na hawak ang nagyeyelo sa lamig na softdrinks ay tila mahuhulog pa ang mga mata. Magulo ang buhok nito dahil hindi man lang nagkaroon ng tsansang mag-ayos. Basta na lang kasi itong ginising ng kuya at pinilit na bumangon. Halata na nahihirapan pa itong buhatin ang mga pilik-mata.

Si Ruki na kape naman ang kaharap ay katabi ng huli at sa harapan nila ay ang kuya nito, si Gregor Carriega. Ang sinungitan niya kani-kanina lang. Patamad itong nakaupo sa silya at nakabukaka ang mga hita. Ang hawak na usb ay tinutuktok sa salamin na lamesa. Ilang sandali na nitong ginagawa iyon nang hindi man lang nagsasalita. Tuloy naririndi na siya sa tunog ng pagdampi ng usb sa lamesa.

Gumagalaw-galaw ang panga ng lalaki habang tinitingnan siya. Tila sinusuri nito ang buo niyang pagkatao. Naasiwa tuloy siya at nagsisi kung bakit hindi nagsuot kanina ng disenteng shorts. Ngayon masyado nang awkward para umalis sa harapan nito para magpalit ng damit.

"Ano, okay ka na?" tanong nito sa kapatid na halos nakapikit pa. "Sabi ko naman sa 'yo 'di ba na pupuntahan kita rito ngayon. May patitingnan akong file."

"Oo nga pala, ngayon nga pala 'yon," anang kanyang katabi na nagkamot ng ulo. Mas lalo tuloy nagulo ang buhok. "Nakalimutan ko, Kuya."

"Naglasing ka kagabi?"

"Naimbitahan lang sa birthday."

Naisip ni Ruki, 'Ano bang ginagawa ko rito? Hindi naman ako kasali sa usapan. Napaka-awkward naman, para akong decoration sa harap nila.'

"Madalas ba ang paglabas mo?"

"Hindi naman, kahapon lang. Wala namang pasok ngayon kaya walang problema," usal ni Rei na tumungga ng softdrink.

"Huwag kong maririnig na napapabayaan mo ang eskuwela mo dahil sa paggala, at isa pa 'yang paglalaro mo ng computer. Nakikita mo ba ang hitsura mo ngayon? May salamin ka naman siguro dito, hindi ba? Talo mo pa ang aso ni Pransing."

Napatawa si Rei sa sinabi ng kapatid. Kahit hindi kilala ni Ruki ang binanggit ni Gregor ay naisip niya kung ano kaya ang hitsura ng aso na ibig sabihin nito.

Dinala ni Ruki ang tasa sa bibig at humigop na lang ng kape.

"Hinintuan ko na nga kasi sumasakit na ang mga mata ko kapag masyado akong nagtagal sa screen."

Inipon ni Ruki ang lakas ng loob para mag-butt-in sa pag-uusap ng magkapatid.

"A...papasok po muna ak--"

"You stay there," sabi ni Gregor na pinatuwid ang daliri at tinuro siya. Tila nanigas naman ang kanyang katawan sa inasal nito saka bumalik sa pagkakaupo. Tumingin ulit ito sa kapatid saka iniabot ang isang pulang usb. "Fix that, I need that anytime."

Tiningnan muna ni Rei ang hawak na usb saka nagsabi, "I'll try but can't promise."

"If you can't then try harder."

Napakamot muli ang kanyang kaibigan sa ulo.

"Ikaw." Napatuwid ng upo si Ruki nang bumaling sa kanya ang pares ng mga mata ni Gregor. "You seems familiar, have I seen you before?"

"Uhm...w-wala po akong maalala...Sir."

"Don't call him sir. He's my kuya, call him kuya," saad ni Rei na umakbay sa kanya. "Kuya, I offered him to stay here temporarily kasi may problem ang family niya."

"Kailan pa? Bakit hindi ko alam?"

Mula nang magkita sila ni Gregor kanina habang nambubulahaw ito sa labas ng pintuan hanggang ngayon na magkausap na ang mga ito sa lamesa, hindi pa nakitaan ni Ruki na nabura ang guhit sa gitna ng mga kilay nito.

COMPLETED His Manly Bride: The Forbidden Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon