Part 9

1.3K 76 22
                                    

Dumaan ang ilang araw nang hindi nagparamdam si Gregor, sa ikinapapasalamat niya. Hindi niya alam kung paano pagtatakpan nang matagal kay Rei kung magpapatuloy pa ang palihim nilang pag-uusap nito. He bore the guilt kahit na nga ba alam niya sa sariling hindi naman niya plinano ang pagtatagpo nila ni Gregor. Hindi niya kagustuhan iyon. At kahit ano'ng tulak niya sa lalaki palayo ay nagpupumilit pa rin itong lumitaw sa kanyang paningin. He had been thinking of way on how to jilt away the man, pero wala siyang maisip. Sabihin nalang kaya niya kay Rei? Baka naman maging dahilan pa iyon ng alitan ng magkapatid. Even though he despises Gregor, ayaw naman niyang madamay lagi si Rei.

"Ruki." Nagtaas ng tingin si Ruki sa lalaking bumanggit sa kanyang pangalan, nakatayo ito sa harap ng kanyang table. A man in his late thirties, the general manager of VLI, Manolo Magwino o mas kilala sa tawag na M.

Agad siyang tumayo para batiin ang manager. "Good afternoon, Sir M."

"How's your first week? Everything's fine?" Katulad ng HR manager, maayos naman itong makipag-usap sa mga trabahante. Walang angas.

"Yes, Sir. Everything's fine."

"The board wants to take a peek at your design proposals."

"P-pero drafts pa lang po ang nagagawa ko, Sir. At iilan pa lang po."

"That's no problem, hindi naman sila himihingi ng final outputs, gusto lang nilang makita ang progress ng trabaho mo."

"Kailan po ba kailangan, Sir? Para ma-polish ko po."

"In 3 days, send your drafts to my email."

"Copy, Sir."

Ipinatong nito ang kamay sa kanyang balikat at bahagyang ngumiti. "Don't worry, this is just a common verification, from the board."

Tipid na ngiti lamang ang kanyang isinagot bagonito tumalikod.

Verification? In 1 week? What's the rush? Hindi man lang makapaghintay na matapos ang designs niya. Ganito ba lagi ang ginagawa ng board para sa mga designer? Kay bago bagonpa
lang niyang nakaupo sa posisyon na iyon, gusto na niyang mahapo. Ramdam na niya ang bigat sa balikat.

Everything surely has its price.

Now, kailangan na niyang pasadahan ang mga nasimulang disenyo para matapos niyang mapolish after 3 days. Ayaw niyang magsumite ng raw draft sa board, kahit na nga ba sa paraan ng pagkakasabi ng manager ay isang simpleng checking lamang ang mangyayari, siyempre, mag-iiwan pa rin ng impression kung anuman ang makikita ng mga ito. He will do his best para maging presentable at enticing sa mga mata ng executives ang ipepresenta niya.

Samantala, sa opisina ng presinto ay nilapitan ni Vince ang kaibigan na tutok sa paggawa ng report.

"Pare, nagyaya si Dylan." Ipinatong ni Vince ang kalahati ng puwet sa lamesa at itinukod ang isang kamay malapit sa keyboard ng computer ni Gregor. "Na-promote raw siya sa trabaho at gustong magpainom. Personal na kitang sinabihan dahil hindi ka sumisilip sa group chat. Inaagiw na ang mga text namin doon."

"Kailan?" tanong niya na huminto sa ginagawa at tiningala ito.

"Mamaya. Sabi ko na, wala ka na namang alam."

"Hindi ako puwede," aniyang ibinalik ang pansin sa computer.

"Huh? Bakit? Ano ba'ng pinagkakaabalahan mo ngayon? Teka, pansin ko lang, ngayong single ka na ulit, mas naging inactive ang social life mo."

"Inactive lang ako sa inuman."

"Kasama na rin 'yon. Specially roon. Noong kayo pa ni Jannis, halos ikaw mismo ang nagyayayang lumabas tayo ng barkada. Does that imply something?"

"Depends on how bigmouths do their rendition."

"'Di nga, pare, nahihiwagaan lang kami sa kinikilos mo...as concerned friends? Tell me, may bago ka na ba?"

Ipinagtagpo ni Gregor ang kanyang mga kilay habang tinitigan ang kaibigan.

"Are you dating?"

"Hindi." Patamad siyang dumausdos sa inuupuang silya habang pinapasadahan ng basa ang nabuong report.

"Are you pursuing someone?"

Napalingon siya sa kaibigan. "...hindi."

"That is what you call a significant pause. Mukhang kailangan mo talagang pumunta mamaya. Pag-usapan natin with the group, alam mo naman--"

"Ganyan ka ba talaga ka-chismoso? Kalalaki mong tao ang dami mong tanong."

Nagkibit-balikat ito. "Wala akong magawa, e. Ikaw ang nandito, ano pa ba'ng gagawin ko?"

"Call your wife, tell her sweet nothings, para mas mahalin ka."

"Done," sagot ni Vince, itinaas pa ang baba na parang proud sa nagawa. "Husband duty, executed well and precise."

Napabuga ng hangin si Gregor. Mukhang hindi siya makakatakas sa kakulitan ng kaibigan.

"May tanong talaga ako na alam kong gusto ring itanong ng mga barkada sa iyo, kaso, mukhang sensitive topic. Pero ngayon, parang okay ka na man na."

"Ano?" tanong niya sa bagot na tono.

"Okey na ha?"

Ikinampay niya ang kamay sa ere, ibig niyang ipagpatuloy nito kung anuman ang gustong itanong.

"Ano'ng rason ng hiwalayan ninyo ni Jannis? Parang okey naman kayo. Matino naman si Jannis...I suppose? Noon pa namin pinagtataka ang bigla ninyong pag-file ng annulment."

"Yeah, matino siya. She's been a good companion."

"Infidelity? On your part?"

"No. It just didn't go well between us."

Natahimik ito sandali bago nagpatuloy, "Why?"

"That's enough."

"Ahh...okey. It didn't go well. Minsan nga naman, may mga ganyang problema talaga sa relasyon. It's like, a strong force keeps pulling you apart, kahit gaano ninyo sinubukang salbahin ang pagsasama ninyo. Sabi nila, fate daw iyon. Di ba may kasabihang 'kung hindi ukol, hindi bubukol. Baka hindi lang talaga kayo para sa isa't isa."

"Ano 'to, confessions of a high schooler?"

May lumalabas din talagang makabuluhan sa bibig nito kapag umaatake na ang bunganga. Minsan, gusto na niyang sabihin dito kung ano ang totoong pinagdaraanan. Vince had his tough challenges also bago nagtagumpay ang pagmamahalan nito at ng step sister na ngayon ay asawa na nito. But still, he's not ready to be judged.

Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan niya kung malaman ng mga ito na he once had an affair with a man? A homosexual. That he did it with a person with same gender? Siguradong iisipin ng mga ito na tumikwas na rin ang mga daliri niya. Lalo kung sasabihin niyang iyon ang naging punong dahilan ng hiwalayan nila ni Jannis. It's not just a simple abc problem, it's a complex plight that requires thorough attention and remarkable understanding.

Tinapik nito ang kanyang balikat bago tumayo sa kinauupuan. "Mamaya, hindi puwedeng hindi ka pupunta. Ra-ransack-in namin ang condo mo kapag hindi ka sumipot."

Gregor scoffed. "Mga baliw."

COMPLETED His Manly Bride: The Forbidden Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon