Part 10

2.1K 116 16
                                    

Nagising si Ruki dahil sa amoy ng ulam na lumukob sa buong sala. Kaagad siyang bumangon nang maalala na nasa ibang bahay nga pala siya.

'Ano'ng oras na?'

Tunog ng metal at mainit na mantika ang nagpalingon sa kanya sa kusinang kanugnog lamang ng tinutulugan. Mula sa kanyang kinauupuan, tanaw niya si Gregor na nakaharap sa lutuan. He was wearing a brown apron at seryoso sa kung ano mang niluluto. Napagkit ang tingin ni Ruki sa kamay nitong tila sanay sa paghawak ng kawali at sandok.

"G-good morning po," aniya sa mahinang salita.

"You're finally awake." Napayuko siya sa sinabi nito, nakaramdam ng hiya. Ang mantika niya pa naman natulog kahit sa ibang bahay. Paano kaya niya babaguhin ang abilidad na iyon? "Papunta na si Rei, pack your things now. Nasa loob na ng bag mo ang uniform mo."

"S-sige."

Tumayo si Ruki para puntahan ang bag niya nang maalala na nasa kuwarto pa iyon ng lalaki.

"Puwede po ba akong pumasok sa loob para kunin ang bag ko?"

"It's in the other room," turo nito sa kabilang silid gamit ang hinlalaki. Ang mga mata ay abala pa rin sa putaheng piniprito.

"Sige po."

Nag-aalangan siyang kumilos sa loob ng bahay na iyon thinking kung ano ang bangayan na pinagdaanan nila ng lalaki. Kaya maingat siyang naglakad patungo sa bakanteng silid na malapit sa kusina.

Natigilan siya nang bigla ay tumigil ito sa ginagawa at hinarap siya. "You have your blanket, cover yourself. Sinasadya mo bang maglakad nang halos nakahubad sa harap ko?"

"S-siyempre hindi po!"

"I told you not to play tricks, Boy. Don't mess with me and my brother or you'll be sorry."

Bakit ba palagi na lang siyang pinagbibintangan nito? Sino bang naghubad sa kanya at palitan ng ganoon lang ang kanyang damit? Kung ayaw pala nitong makita siyang naka t-shirt lang, bakit hindi na lang din siya pinahiram ng short?

Bumangon ang inis sa kalooban ni Ruki dahil sa narinig. "I'm not playing tricks."

"Siguraduhin mo lang."

Palalampasin na sana ni Ruki ang sinabi nito pero kung gagawin niya iyon ay buong araw ulit siyang kakainin ng pagsisisi bakit hindi nabara ang lalaki. "Hindi po porket ganito ako, lahat na lang ng kilos ko ay may motibo."

"Bakit, wala ba?" tanong ni Gregor habang sarkastikong ngumiti. "The way you stared at my body last night, I doubt it."

"Ano'ng stared? Hindi ako tumitig sa inyo."

Pagak na napatawa si Gregor.

Akala ba ng lalaki pinagpapantasyahan niya ito? Napatingin lang naman siya sa tattoo.

"Hindi lahat ng napapabilang sa homosexuals ay ganyan ang iniisip, Sir."

Pinatay ng lalaki ang kalan at humakbang palapit sa kanya. Napaatras si Ruki at bumalik sa sofa para kunin ang kumot at itinakip sa buong katawan.

"So you're saying na iba ka sa kanila?"

"Yes."

Gregor scoffed. "Cocky little whore." Umikot na sana ito para bumalik sa pinagkakaabalahang agahan pero sumagot pa siya.

"Don't call me that way! Hindi ako puta para pagsabihan mo ng ganyan porket nakitulog ako rito sa bahay mo. Lalait-laitin mo na ako."

"Then how should I address you? A gay saint?"

Tumiim ang bagang ni Ruki sa sinabi nito. Masyado nang binababa ni Gregor ang tingin sa mga katulad niya! Kung makapagsalita ito parang kung sino'ng napakalinis at walang kasalanan. Ang pangit naman ng asal!

He wanted to save his pride at makaganti sa lalaking nasa harap kaya itinaas niya ang noo at nagsalita, "Kung magpapapansin man ako sa isang lalaki, sisiguraduhin ko sayo'ng hindi sa kagaya mo. Who would fall for a man who's mouth full of stinky words? Ang bantot pa ng asal. I have my standards and it happened to be higher than what you have expected."

Kinabahan si Ruki dahil bumadya ang galit sa mukha ng lalaki. Tila nanlilisik ang mga mata nitong tumitig sa kanya. Naggalawan ang mga prominenteng panga.

Did he just hit a weak nerve?

Ngumisi si Gregor. "You sure are full of yourself, Boy. High standards, huh?"

Inisang hakbang ni Gregor ang pagitan nila at sinaklot ang kanyang buhok kaya napatingala siya. Binitiwan ni Ruki ang hawak na kumot at inilipat sa kamay nitong nasa ulo at pilit tinatanggal.

"Bakit ba ang tapang mong sumagut-sagot sa akin? Akala mo ba hindi kita kayang saktan dahil napailalim ka sa proteksiyon ng kapatid ko?"

"Bitiwan mo 'ko!"

Imbes na tanggalin ang kamay, ikinulong ni Gregor ang kanyang baba sa isa nitong kamay at pinisil ang kanyang magkabilang pisngi.

"Hindi kagaya ko ang standard mo, sabi mo? Prove to me."

Nanlaki ang mga mata ni Ruki nang bigla ay lumapat ang mga labi ni Gregor sa kanya. He was stunned, as if electrified by the sudden motion. It took him quite a while to register and react with the situation. Gregor already devoured his parted lips and exploited every inch of it. Itinaas niya ang mga kamay at buong lakas na itinulak ang katawan nito. Nang walang nangyari ay sinunod ang mukha ng lalaki ngunit mahigpit ang pagkaka-lock ng mga daliri nito sa buhok niya kaya walang nagawa ang kanyang pagtulak. Napakadali nitong hinuli ang kanyang mga kamay para ibinaba.

A kiss! His first. His life was in silence and order, kahit na nga ba minsan hindi maiiwasan ang struggles. Hindi niya naranasan kailanman ang pumasok sa kahit na anong klaseng intimate na relasyon kaya ang makaranas ng isang halik ay isang milestone sa kanyang buhay. Ngunit, hindi niya inakalang magiging ganoon ang kahinatnan ng kanyang unang halik. He hadn't asked for that, he hadn't wished for that.

Isa iyong halik, oo. But the way Gregor executed it, it was more of a retribution. Dahil sinagut-sagot niya ito at ininsulto.

Kahit aminado si Ruki sa agwat ng kanilang lakas, hindi pa rin niya itinigil ang pagpupumiglas. Gregor finally let go of his hands but he gasped when the latter wrapped his arm around him and groped his butt.

No!

Magpa-panic na sana siya nang bigla ay itinulak siya nito sa sofa. His frail body bounced on the soft couch at napapikit siya dahil doon.

Marahas ang pagdura na ginawa ni Gregor sa sahig. "Filthy slut!"

Kapwa nila habol ang hininga nang tumunog ang doorbell. Magkasabay pa silang napatingin doon.

"Don't you dare say anything to Rei, or I'll kill you," anitong dinuro siya.

Tumunog ulit ang doorbell kaya nilapitan na iyon ni Gregor at binuksan.

"Kuya, si Ruki? Ruk?" puno ng pag-aalalang tawag nito sa kanya at lumapit nang makita siya sa sofa. "I'm so sorry. Hindi ako nakauwi kagabi. Malayo kasi ang pinuntahan ko, nakatulog ka ba nang maayos dito?"

Mabigat pa rin ang hininga na napatango si Ruki.

"Why are you breathing like that? May masakit ba sa 'yo? Kuya told me everything. Kung ano ang ginawa ni Dean sa 'yo. That lowlife brat! I'll make sure he'll pay for what he did!"

"O-okay lang ako, Rei."

"Are you sure?" Tumango ulit siya bago pasimpleng tinapunan ng tingin si Gregor na matalim ang pagkakatitig sa kanya.

"Alright, I'm glad." Nilingon nito ang nakakatandang kapatid at nagsalita, "Is breakfast ready, Kuya? Nagugutom na 'ko. Kumain na tayo."

"Yeah," saad nito na hinanda ang mga gamit sa lamesa.

"C'mon, Ruk."

"Sige...magbibihis lang ako."

Tumayo siya at pumunta sa kuwarto. Pinalitan ang t-shirt ng kanyang uniform na nasa loob ng backpack. He was surprised when he found out na nalabhan na ang lahat ng kanyang damit. Gustuhin man niyang magpasalamat pero nanaig ang poot sa kanyang loob para kay Gregor dahil sa ginawa nito sa kanya.

COMPLETED His Manly Bride: The Forbidden Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon