Part 17

2.2K 114 31
                                    

Gregor had done his routine morning workout, nakapagluto na siya ng pang-agahan. Nakapagpaikot ng labahin sa automatic washing machine. Nalinis na ang buong sulok ng bahay at ngayon ay nakasalampak na sa malambot na sofa kaharap ang malaking TV. It was 6AM at nagawa na niya iyon dahil as usual, madaling araw pa lang, gising na siya. Naipikit niya ang mga mata ng mahigit dalawang oras ngunit nakaramdam ng pagkaihi kaya nagising. Right then, alam niyang hindi na siya makakabalik sa pagtulog kaya minabuti niyang maging productive na lamang ang mga susunod na oras.

He's used to doing chores kasi wala naman siyang ibang magagawa. Kaya madalas, kapag may bisita siya, laging nakakatanggap ng papuri ang kalinisan ng kanyang bahay.

Ilang buwan na niyang tinigilan ang pag-inom ng sleeping pills na nireseta ng doctor sa kanya dahil nakakaramdam siya side effects such as headache and dizziness. He should have reported it to the physician pero alam niyang hahanapan lang naman siya ng ibang panghalili ng gamot na iyon. Dalawang beses na iyong nangyari at wala rin namang nagbago. Mas naaasar lang siya dahil samu't saring side effects na ang nararamdaman ng katawan. Tinanggap na niya na wala ng lunas ang sakit niyang iyon. Sanay na rin naman siya at nakakagalaw ng normal. He can live, at least. Kailangan lang niyang dalhin ang maiitim na eyebags araw-araw. Minsan, lalo kapag tinatakasan siya minsan ng kulay, gusto niyang matawa dahil nagmumukha siyang bampirang ligaw.

Habang inaaliw ang mga mata sa pinapanood, panay ang sulyap ni Gregor sa cellphone na nasa tabi. Kagaya ng madalas mangyari nitong mga nakaraang araw, wala naman siyang hinihintay na partikular na tawag o text pero hindi mawalay ang tingin niya roon.

Or...is he really expecting a certain call?

He scrolled the screen up and searched for the latter's number. Sigurado siyang tulog pa si Rei ng mga oras na iyon. O baka naman tulog din ang isa. Nasa aktong nagpatumpik-tumpik si Gregor kung magda-dial ba ng number o hindi nang may nag-doorbell sa kanyang pintuan. Naibaba niya ang cellphone at tinungo iyon para tingnan kung sino.

Napataas ang mga kilay ni Gregor sa surpresa nang makita sa peephole ang taong maagang nagdo-doorbell. Wala sa loob na pinasadahan niya ng tingin ng hitsura at napagtantong wala pala siyang suot na pang-itaas. Ayaw niya kasing mangamoy ng ulam ang suot niyang sando habang naluluto siya kaya niya tinanggal kanina.

"W-wait!" Nagmamadali niyang tinungo ang upuan ng dining table kung saan niya sinablay ang sando saka nagbihis. Before opening the wooden door, he made a fast preparation by clearing his morning throat and changing his facial expression into what he usually wears—the stern one.

"Uhm, good morning," may pag-aalinlangang bati ni Ruki sa kanya na may mga matang hindi makatingin nang diretso. Mukhang pinili nitong idapo ang tingin sa kanyang mga labi pero napagtantong mali ang parteng napili kaya nagbawi ng tingin.

He suppressed a smile.

"Good morning. Ano'ng kailangan mo?"

"Si Rei, inutusan akong itanong sa 'yo kung may gamot ka sa LBM. Nasa banyo siya."

He wanted to thank the heavens for pushing him to buy those couple of capsules the other day nang mapadaan sa pharmacy at maalalang paubos na ang laman ng mga garapon ng gamot niya.

"Mm, meron ako. Halika, pasok ka."

"'Wag na po. Hihintayin ko na lang dito."

Gregor's sensitive nerve was quite displeased kaya naglabasan ang ilang gatla niya sa noo. Mas niluwagan pa niya ang bukas ng pintuan para i-insist rito ang kanyang paanyaya. Nakuha naman iyon ng batang lalaki kaya pumasok na rin.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Kakagising ko lang." Nanatiling nakatayo lamang ang bisita sa likod ng main door na ngayon ay nakasara na.

COMPLETED His Manly Bride: The Forbidden Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon