Part 19

1K 60 19
                                    

Ilang nakakabalisang araw ang lumipas kay Ruki. At sa bawat araw na iyon ay tila pasan niya ang daigdig, tila inagawan na niya ng career si Atlas. Subalit nang banggitin ulit ni Rei ang tungkol sa kanyang sakit...

"Hahanap ako ng paraan, Rei, tandaan mo iyan! Makakahanap ako ng paraan. Kahit ano, huwag mo lang akong ipakain sa ibang tao. At sana, kung ano man ang mahanap ko...sana ganyan rin kabukas ang isip mo."

Confident siya nang sabihin iyon, dala ang ideyang binigay ni Gregor sa isip. Totoong hindi niya inasahan ang suhestiyon ng huli, hindi pumatong sa kanyang utak iyon dahil sa pagkamuhi niya sa nakaraan. Pero ngayon na lumipas na ang ilang araw ng pagtitimbang, naisip niya, 'Bakit nga ba hindi man lang niya naisip iyon?'  Masyado ba siyang na-overwhelmed sa mga pangyayari?

Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang kanyang loob, hindi pa rin maatim na tanggapin ng kanyang isip ang ideya ni Gregor. In fact, whenever he tries to imagine their figures, close at each other, naked, agad niyang binubura ang ideya. He just could not bring himself to stomach it. Paano pa kaya sa aktuwal?

But, he wished he had other options, obviously wala na. Nakakapanlumo man, but this cunning thing called fate left him without any choice. Kahit isa man lang sana. Humans indeed are greedy and fickle, one moment he desperately prayed for only one answer at noong binigyan siya, ayaw naman niya at humingi ulit ng isa.

Get a grip, Ruki.

Kaya naman, hindi na niya pinagana ang kanyang emosyon, at piniling makipagkita kay Gregor.

"May desisyon ka na ba?" tanong ni Gregor, magkaharap silang nakaupo sa mahabang sofa, ang kanyang isang binti ay nakapatong. Nasa sala pa rin sila ng bahay nito dahil doon ang pinakaligtas na lugar para makapag-usap sila nang walang pangambang may makakita.

Kinagat niya ang itaas niyang labi bago nagsalita, "...puwede ko bang malaman kung paano mo planong gawin ang sinabi mo?"

Mula sa pagkakatukod ng mga siko sa binti, humarap din si Gregor sa kanya. Halos okupado na tuloy ng bulto nito ang buong lapad ng sofa.

"Nagbasa-basa ako, reviews, testimonies articles...ang sabi, kailangang punan kung ano ang pakiramdam ng pasyente na kulang sa kanya. Sample, insecurity, attention...love. And so kailangang gumawa ng mga activities in relation to that. Iparamdam sa pasyente na hindi siya pinagkakaitan ng ganoong mga bagay."

"So...ibig mong sabihin, magpapanggap ka sa akin? Effective kaya 'yon kahit hindi totoo?"

"For surrogate partnership, since walang feelings involved sa ginagawa nila, oo, nagpapanggap sila. They act like a real lover, with a therapeutic intention. So far, sa sabi ni Francis at sa mga nabasa ko, it is proven effective...pero sa sitwasyon natin, there will be no pretension, lahat magiging totoo."

Ruki let a soft snort. "Hindi mo na kailangang--palamutian ang mga salita mo, Gregor. Pretense or not, gagawin mo pa rin at pareho lang ng magiging resulta kaya huwag ka nang magsinungaling."

"...wala akong naalalang nagsinungaling ako sa'yo," usal nito sa mababang boses pero dinugtungan kaagad, "So, papayag ka na ba? Napag-isipan mo na?"

Napahagod si Ruki sa mukha ng kamay bago tumango. "Tell me na may choice pa ako."

"Meron, si Francis. Over my dead body."

Sa gitna ng seryosong usapan ay hindi napigilan ni Ruki ang mapatawa nang mahina. It wasn't supposed to be a joke, pero ang timing ng pagkakasabi nito ay nagpabasag sa mabigat nilang atmospera. Si Gregor naman ay nakatingin lang sa kanya gamit ang nagtatakang anyo.

"Sorry, sorry..." aniya na ikinampay ang kamay sa harap. "Uhm, about kay Rei, puwede bang huwag na lang nating sabihin sa kanya?"

Muling sumeryoso ang anyo ni Gregor. "Ruki, kung ako ang tatanungin mo, hindi maganda na huwag siyang paalamin. He has the right to know, at kagustuhan niyang mapagaling ka. Afterall, 'di ba ginagawa mo ito para sa inyong dalawa? You may think of me as a crack in your relationship, but he is still my brother. I still care for him. Pero kung ipagpipilitan mo, it's all up to you. Just be ready for the consequences."

COMPLETED His Manly Bride: The Forbidden Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon