Part 30

1.6K 81 12
                                    

"Ano'ng sabi ng boyfriend mo, Ate? Ngayong dinadala mo ang anak niya. May balak ba raw siyang panagutan ka?" tanong ni Ruki sa kapatid na nakaupo sa kama ng ospital. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa couch saka nagpunta sa kusinang kanugnog ng silid para hugasan ang mansanas na inilabas niya mula sa supot.

Malaki ang suite room na pinaglagakan ng kanyang kapatid. Sa paanan ng kama nito ay may maliit na sala set. Isang couch--kung saan siya nakaupo kanina--at dalawang maliliit na cushioned chair, sa gitna niyon ay isang babasaging maliit na oblong shaped table. Kulay puti ang kabuoan ng silid na may wood look tile na sahig. Ang makakapal na mga kurtina na nakasabit sa malalaking bintana ay kulay light green. Pakiramdam tuloy ni Ruki, imbes na nasa ospital ay hotel ang kinalalagyan nila ngayon.

"Oo..." Matipid ang sagot ng kanyang ate ngunit kariringgan niya ang ngiti sa boses nito.

"Mabuti naman. Ikaw? Magpapakasal ka ba sa kanya?" Inihinto niya ang paghiwa ng mansanas at sinilip ang kapatid mula sa pinto ng kusina. "May nababasa akong kakaiba sa mga galaw niya, Ate."

"He's just...different, Ruki." Itinukod ni Phoebe ang kamay sa kama para suportahan ang pag-inat. Naupo ito nang mas matuwid.

"Sana makakabuti sa iyo ang pagka-'different' niya. Ayokong magbitiw ng maraming comments sa kanya kasi 2 times pa lang naman kami nagkausap. Ikaw ang mas nakakakilala kaya...aasahan kong alam mo na kung ano ang magandang desisyon, Ate." Ibinalik niya ang atensiyon sa prutas para lang mapataas ng kilay sa sunod na sinabi ni Phoebe.

"Ikaw ba si Mama?"

Muli siyang sumilip sa pinto at ipinakita sa kapatid ang pagtikwas ng kilay. "Ako ang nag-iisa mong lalaking kapatid. Wala na tayong ama at wala si Mama rito, sino pa ba ang inaasahan mong magbigay sayo ng salita? Bilang nag-iisang lalaki sa pamilya, responsibilidad kong protektahan ang mga kapatid ko."

"Alright, Ruki...chill! Nagiging tunog Mama ka na minsan, e. Akala ko nakaligtas na ako sa araw na ito sa sermon ni Mama," ismid nito na pinagdiskitahan ang remote control ng TV at binuksan. Siya ay nagbuga ng hangin. Nagpatuloy ang kanyang ate sa pagsalita mula sa kama. "Alam ko naman na masyado kang nag-alala ka sa pagkawala ko. Iyon ang sabi ni Siovhan sa akin. But...we haven't seen each other for a long time. Hindi ba puwedeng skip muna natin ang sermon? Alam kong malaki ang pagkakamali ko, and I am more than willing to reflect on it, pero huwag muna ngayon. Let me rest. I think I feel exhausted."

'Alright. I'll let you off the hook for now.' Iyon ang nasa isip ni Ruki pero mas pinili na lamang niyang tumahimik at ipagpatuloy ang ginagawa.

"I promise, Baby brother, hindi ka na ukit mag-aalala nang ganito sa akin."

Bumuntong-hininga na lamang siya.

Pagkauwi niya sa condo, bago pa man tumuloy sa pagpasok sa flat ay napahinto si Ruki sa pagpihit ng seradora. Humakbang paatras para tingnan ang itim na pinto sa kabilang unit.

Three days have past since Gregor bid a temporary farewell to him. Ang sabi nito ay nag-file raw ito ng leave, 1 week at kailangan nitong umuwi sa ancestral house. May aasikasuhin raw habang naroon. Alam man niyang mami-miss niya ito pero sino naman siya para magpakita ng pagtanggi. Ang nagawa lamang niya ay ngumiti at magbigay ng basbas para sa ligtas nitong pagbiyahe. Ang kinalulungkot niya ay simula noong umalis ito ay hindi pa siya nakatanggap ng tawag o kahit text man lang mula sa lalaki. It's not that he's expecting pero marahil 'hoping' na sana naisip rin siya nito kahit nasa malayo. Na may epekto rin kay Gregor ang hindi siya masilayan nang ilang araw. Thinking how everything went smoothly between the two of them, simula nang naging magkalapit sila, wala siyang maalalang panahon na may alitan na nanyari sa kanilang dalawa. Gregor has been kind and gentle, he could say that their characters are a great match. He used to think that him, creating a friendship with a homo person is quite near to impossible let alone nurture an relationship. But as the saying goes, 'you can never tell how a human brain induce changes'. In accordance to that, is it really unimaginable that Gregor could also fall in love with him?

COMPLETED His Manly Bride: The Forbidden Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon