Special Chapter-Misery

389 17 6
                                    

The wait was too painful for Gregor. It took him three weeks to secure a visa to USA, and in those days with full of dreaded agony, his soul felt like dying.

Pagkarating na pagkarating niya sa L.A ay wala na siyang sinayang pa na sandali. Nagpahatid kaagad siya sa St. Nicholas Hospital kung saan nakalagak ang mag-asawa--sa tulong ng isa sa mga kaibigan ni Ruki na si Sheena.

Una siyang dinala nito sa kuwarto na kinalalagyan ni Ruki. Ramdam ni Gregor ang pagguho ng makapal na pader ng kanyang damdamin nang mapagmasdan ang anyo nito. Sa nanghihinang mga binti ay nilapitan niya ang puting kama. Agad na nahilam ng mainit na luha ang kanyang mga mata at ilang sandali lang ay nag-unahan na ang mga iyon sa pag-agos sa kanyang mga pisngi.

He could barely recognize the swollen face of the man. Covered with dark purple bruises, never ending stitches and scratches, he laid there unconsciously with large tubes attached to his body. Nakabalot din sa benda ang buong ulo nito. Agaw pansin ang malaking hiwa nito sa kaliwang noo patungo sa pisngi. Napatiim-bagang si Gregor sa napagmasdan. Maging ang katawan nito ay sumisilip ang mga pasa mula sa suot na patient's gown.

The doctor had to do an emergency operation the moment Ruki got there. There was internal hemorrhage, so they opened his skull to relieve the pressure.

Mariin na naipikit ni Gregor ang mga mata habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha. A sob finally escaped his throat as he held Ruki's hand for a squeeze.

Why?...Why you of all people? You don't deserve any of this!

"It's good that you're here, Gregor. Im sure he doesn't want to wake up with no one beside him...now that...Rei is..." Hindi na natapos ang salita ni Sheena dahil napahikbi na ito.

"Where is he?" pagkuwan ay tanong ni Gregor na uminat patayo. "Where is my brother?"

"Ill take you there..." she answered in between sniffles.

Sheena have been keeping him updated while he's still struggling his way to the States, and so on the second week, he got the most terrifying news in his whole life, he wished it was just a nightmare. Rei didn't make it, and hell broke loose.

Kaya naman tila ayaw nang humakbang ng kanyang mga paa papunta sa morge kung saan nakahimlay ang kapatid. Muling tumulo ang kanyang mga luha habang nilalakbay ang nag-iisang parte ng ospital na hindi niya kailanman inasam na pupuntahan para lang makitang muli ang isang kapamilya. Mula sa panghihina ng katawan sa pagkakakita kay Ruki, wari ay gusto nang maglupasay ni Gregor sa sahig nang hawiin ang puting tela na nakabalot sa katawan ng nakahigang katawan.

It was really Rei, his brother. Gaya ng kalagayan ni Ruki, the man's face is unrecognizable. Hindi niya pa rin maiwasang hilingin noon na sana kapagkahawi ng balot sa bangkay ay ibang mukha ang kanyang makita. Na hindi roon nakahiga ang kanyang kapatid. That he's just somewhere, some other place, receiving treatment.

Pigil man ang sarili mula sa paghagulhol ay napakagat ng ibabang labi si Gregor.

Libo-libong 'bakit' na ang naitanong ni Gregor sa isip simula nang malaman niya ang nangyaring aksidente at hanggang ngayon ay iyon pa rin ang tangi niyang tanong, ngunit hindi naman nasasagot. What have these precious people done to deserve this misery?

Tinapik niya ang malamig na balikat ng kapatid.

Brother, how could you do this so suddenly? How could you leave Ruki behind? Nakikita mo ba siya ngayon? He's barely living, and he needs you more than anyone else, dammit! He needs you when he opened his eyes...ano sa palagay mo ang sasabihin ko kapag hahanapin ka niya sa akin pagkagising? At si mama...hindi pa niya alam ang lahat ng ito. Paano ko sasabihin sa kanila ang pagkawala mo? I don't think I can handle them, alone.

"You'll need to sign some papers, sir," ang sabi ng lalaking namamahala ng morge na nagpukaw kay Gregor.

"Yeah, right," aniyang pinahid ang pisngi.

"Don't worry, Gregor, I and my husband will be with you all through this," anang kaibigan ni Ruki na hinawakan siya sa balikat.

"I appreciate your help, Sheena."


Dumaan pa ang ilang linggo bago unti-unting nabawasan ang mga tubo sa katawan ni Ruki at ang mga pasa nito ay nawawala na rin. Ang magang mukha ng lalaki ay umimpis na, ngunit mukhang kailangan nang idaan ito sa plastic surgery para maibalik sa dati ang hitsura.

Sa mga nagdaang araw ay hindi pinahintulutan ni Gregor ang sarili na mawala sa tabi ni Ruki lalo na noong sabi ng doktor na anytime soon ay maaari itong magising. He doesn't want his bedside to be empty the moment he opened his eyes. He knew Ruki would go crazy looking for Rei, so he readied himself for the worst case scenario.

Tinawagan na rin niya ang nakatatandang kapatid nito na si Phoebe na pagkatapos humagulhol sa telepono ay nagsabing pupunta sa States sa lalong madaling panahon.

"Hurry up and open your eyes, Ruki. Your sister is coming, I know you missed them," aniyang ginagap ang kamay nito at kintalan ng magaan na halik. "I'll be back in a flash."

Gregor felt like drowning himself with alcohol so as to mask the pain inside his chest, get wasted and forget everything even for a brief moment, but he couldn't and it is a hellish torture. Kaya naman magkakasya na lamang siya sa paglagok ng isang can ng beer. Lumabas siyang bahagya para kumuha ng maiinom sa vending machine na nakatayo sa hallway at naupo sa isa sa mga bakanteng upuan sa labas habang tinutungga iyon.

Muli ay nauwi siya sa malalim na pag-iisip, kung ano ang mangyayari sa oras na malaman ng kanyang ina ang pagkawala ng bunso nito. He remembered how happy she was last christmas, hugging his three most beloved sons. Feeling complete ang contented.
His mom had enough of sorrow when his father left them. Hindi niya alam kung paano ipararating dito ang balita nang hindi maaapektohan ang kalusugan nito. Her mom is in her vulnerable age, and she has been complaining of health issues.

Nang maramdamang magaan na ang hawak na lata ng beer ay nag-inat si Gregor bago iyon tinapon sa isang maliit na basurahan. Naglakad pabalik sa silid. Dahan-dahan niyang isinara ang pintuan ngunit natigilan.

"Rei?"

Mabilis siyang napalingon sa nakahigang pasyente. "Ruki?" Inilang hakbang ni Gregor ang pagitan ng pintuan at kama saka niyuko ito. "You're awake!"

"Rei..."

Paos at matamlay ang boses nito, tila nahihirapan pang magsalita dahil kahihilom lang ng butas ng tracheotomy ni Ruki. Pilit nitong inaangat ang kamay na kanya namang sinalo at ikinulong sa sariling kamay.

Akala ba ni Ruki na siya si Rei? Malabo pa yata ang paningin nito. Kaagad na pinindot ni Gregor ang emergency call button ng nurse station. Ilang sandali lang ay may dumating na na nurse para siyasatin ang kondisyon nito.

"Rei..." tawag ni Ruki sa kanya tila nagpapasaklolo.

"It's okay, Ruki. Im here," aniyang pinisil ang kamay nito bago humakbang paatras. "How is he, nurse?"

"His vitals signs are getting better, but he might be a little bit confused due to head trauma. We'll keep monitoring his condition, as of now, Ill inform the attending doctor."

"Thanks."

Pagkaalis ng nurse ay tumabi siya kay Ruki at muling ginagap ang kamay nito. "How are you feeling?"

"My head...it's heavy..."

"Any pain?"

Umiling ito sa kabila ng panghihina.

"Rest some more, Ill be right here," aniyang dinampian ng halik ang noo nito. Ilang segundo lang ay narinig na niya ang pantay na paghinga ni Ruki.

COMPLETED His Manly Bride: The Forbidden Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon