Chapter Fifteen : Past (6)

0 0 0
                                    


Chapter Fifteen :
Past (6)

Kinabukasan masaya na nagdiriwang ang pamilya ng Reddish. Nalaman nila na kami na ni Javix. Nakita kami ni Javeen kagabi at siya na din ang nagsabi ng mga nasaksihan niya.

Nagtipon-tipon lahat ng miyembro ng pamilya, kasama na din ang mga malalapit na kaibigan nila Tita Jade. Halos mapuno ang mansyon ng mga Reddish sa sobrang dami ng tao.

' Teka, kailangan bang i-celebrate ang pagkakaroon ng girlfriend ni Javix? Weird!'

" Hi!" Lumapit sa akin ang isang babae. Mataas ito, may masasabi ang balingkinitan nitong katawan na sinamahan ng morenang balat. Maganda ang tindig at maihahalintulad ito sa mga modelo ngayong panahon.

" Hello " ngiting bati ko sa kanya.

" You must be Magenta?" Nakangiting tanong pa nito.

" Yes!" Nakangiting tugon ko sa kanya.

Bigla ang kaninang nakangiti nitong mukha ay napalis at napalitan ng isang aura na ikasisindak ng nakakarami. Ang mataray nitong mga mata ay pinasadahan ako mula ulo hanggang paa. Umikot pa ito na parang inaanalisa ang buong pagkatao ko.

" Hindi ko akalain na isang katulad mo lamang ang papatulan ni Javix?" Panimula nito sa pang iinsulto sa akin.
" Sabagay, madali naman i-seduce si Javix! The way i seduce him back then!" Huminto ito sa harapan ko at nakipagtitigan sa akin.

" Wala akong ginawang masama!" Sabi ko sa kanya na hindi natitinag. " Hindi ko siya inakit, katunayan ay iwas ako sa kanya!"

" Ang pag iwas ay senyales ng pagkagusto sa taong iyong iniiwasan! Alam iyon ni Javix" May punto ito sa sinabi nito. Mas halata ang pagkagusto kapag iniiwasan.

" Anong ibig mong iparating?"

" Javix is a Lion and he's now playing his rabbit to enjoy! " Natatawang sabi pa nito. " Kuneho ka lang at mga leon kami!" Ang kaninang nang-iinsultong tingin nito ay napalitan ng seryosong mukha.  " You're not belong in here!"

" Oh Tina you're here!" Parang huminto ang mundo ko ng marinig ko ang boses ni Javix.

Dahan-dahan kong nilingon at sinundan ng tingin si Javix. Kung paano ito ngumiti, kung paano ito yumakap sa babaeng kaharap ko ngayon at maging sa pagkalas nito sa yakap nakangiti pa din ito. Napalingon ako sa mukha ni Tina, ang tingin na iyon na parang siya ang nagwagi.

Sa tinagal-tagal ko sa bahay na ito at sa tagal ko na ding nakasama siya, niminsan hindi siya bumati sa mga tao. Mananatili itong tahimik at kalmado atsaka babanat ng mga salitang nakakainsulto.

" Gen she's Tina!" Pakilala nito. " Tina she's Gen!" Inaantay ko pa na irugtong nito na girlfriend niya ako. Ngunit nabigo lang ako. Nag-usap lang ang dalawa sa harap ko at naitsapwera na ako.

Nag kwentuhan ang mga ito na parang sobrang close talaga sila. Mukhang magtatagal pa ang mga ito kaya nag paalam na ako na kukuha lang ng pagkain. Nilingon lang ako ni Javix at muling nabaling ang atensyon nito sa babaeng kaharap.

Lumapit ako sa buffet table para kumuha na ng pagkain. Hindi ko inaasahan na lumapit sa akin si Javon.

" She's Tina!"

" I know sir Javon!" May paggalang na sabi ko dito.

" Just Javon!" Tumango na lang ako dito habang patuloy na kumukuha ng pagkain.

" That girl, Tina! Is Javix's childhood friend. Sobrang close talaga nila noon, halos hindi mapaghiwalay!" Nagsimula na itong magkwento tungkol sa babaeng nanlait sa akin kanina. " Malaki pareho ang pagkagusto nila sa isa't-isa!" Napalingon ako sa sinabi nito. Waong paligoy-ligoy na sinabi niya na nagkaroon ng ugnayan ang dalawa dati.

Jubilant Breaks The Broken One ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon