Chapter Five

7 6 0
                                    

Chapter Five

Mukhang hindi nga dapat ipagsabiro ang bawat miyembro nang pamilya nila.

Nasa gym kami ngayon. Siya din ang nagtuturo sa kin ngayon. Una puro stretching lang ginawa namin. Hanggang sa matapos. Maya-maya ay tinuro na nya sa akin kung paano gamitin yung mga kagamitan sa gym.

Tumaas ang energy ko. Lahat ay parang gusto kong I try at parang gusto ko na ding sumayaw sa taas nang energy na nakuha ko.

Ngunit ang lahat ng sobra ay may kapalit.

' ouch grabe ang sakit ng buong katawan ko! Huhuhuhuhu! '

Hinilot ko ang binti ko pataas sa hita. Mina-massage ko lang hanggang sa hindi ko na talaga kaya ang sakit.

" Ayoko na! Ang sakit non! Grabe sana nakinig na lang ako! Ayoko na!" Para akong luka-luka na naiyak sa kama. Buti na lang ang katabi ko sa kama ay kanina pa nasa baba.

Ang igalaw lang ng kaunti ay ang hirap na. ' sana wala na to bukas! May pasok ako!'

" How's your feeling?" Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Tita Jade. " Balita ko na nag gym kayo ni Javix kahapon! Kaya may kasama akong massage therapist ngayon!" Sabi niya. Pumasok ang isang lalake na naka parang pang nurse na damit.

' no choice! Pero ka jahe pa din!'

" What do you think you're doing Mom? Seriously?" Biglang pasok nito sa pinto. Kinuha nya ang wallet nya at kumuha nang 2k. Iniabot nya ito dun sa lalake. " Your payment, just get out of here!" Sabi nito dun sa MT. MT short for massage therapist.

" Ano ka ba Javix? She needs massage!" Sigaw nito sa anak. Lalong nasakit ang ulo ko dahil don.

' mas masakit pag walang ulo!'

" Really mom? A guy?" He said sarcastically.

" Walang available na babae na ther----"

" Ok fine! Get out! Ako na mag ma-massage!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

' gagong to! Lalong jahe!'

He pushed his mother outside the door. He come closer.

" Dry Massage will do, turn around!" Dumapa naman agad ako.

Para akong binalda nang isa pang kapwa kong mataba. Para din akong lumalaban nang sumo. Para akong binalian nang mga buto sa katawan ko. Bagsak ang katawan na iniwan nya ako. Hindi na ito bumalik, marahil ay tapos na. Ibang kaginhawahan ang naramdaman ko sa oras na iyon. Ang sarap itulog. Wala na akong nagawa kundi pumikit at bumalik sa pag tulog.

Medyo wala ang sakit sa buong katawan ko. Hindi mabigat sa pakiramdam. Maayos kong naigagalaw ang mga hita at binti ko.

Suot ang uniform habang papasok sa naturang paaralan. Nasa tabi ko si Geline na may dalang back pack. Nakangiti ito habang hawak ang lunchbox nya.

" Good morning teacher Magenta!" Bati nung teacher sa akin. Siya yung nagtanong kung anak ko yung bata.


" Good morning din uhmmm!" Napahinto ako dahil hindi ko man lang alam ang pangalan nya samantalang siya ay alam ang sa akin.

Jubilant Breaks The Broken One ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon