Chapter Three

12 6 0
                                    

Chapter Three

Maganda ang gising ko ngayon. It's Saturday today. May date kami ni Tyrian kasama ang mga bata.

Sa ilang buwan na kasama ko sya ay parang nasanay na ako sa presensya nya. Kaya sa araw na ito ay sasagutin ko na sya.

Nasa akin ang kilig ng bumangon ako. I want it to become official for the both of us.

Binuksan ko ang laptop ko. Tiningnan ko ang picture ni Javix together with his girlfriend. Sexy at maganda sya pang miss U ang datingan.

' ano namang laban ko sa ganyan? '

Nag paalam na ako sa picture, magiging ito na ang huling araw na makikita at masisilip ko ang mukha nya dahil may Tyrian na ako.

Naligo muna ako bago mag luto para hindi mapasma. Nakahain na sa hapag ang pag kain nang gisingin ko si Geline. Nag reklamo pa ito dahil wala naman daw pasok. Agad naman itong bumangon nang sabihin kong mamamasyal kami kasama si Tyrian at Syrian. Pumasok ito sa banyo at naligo.

Inalis ko sa pagkakahanger ang damit na isusuot nya at nilagay sa sofa. Ngayon ay kumuha ako nang towel at iniyakap sa kanya. Pinunasan ko ito bago ipasuot ang damit na binili ko sa kanya last time.

Kumain kami at ako naman ang nag bihis. Ito yung damit na backless and meron na syang foam sa dibdib para hindi na kailangan mag bra. Binili ko ito sa halagang limang daang piso.


" Aalis na po tayo?" Tumango ako at hinila na sya sa kamay.

Sakay ng jeep papuntang mall ay hindi mawala ang ngiti namin sa labi. Pababa na sana kami nang tawagin ako nang driver.

" Ineng kulang ang bayad mo!" Nag taka ako sa sinaad niya.

" Po? Sakto lang po yung binayad ko!" Sabi ko.

' ngeksss nagiging masama image ko dito ah!'

" Bale dalawa kasi ang counted noong sayo!"

' ay grabe! Pati ba naman jeepney driver bully na ngayon?'

Napabuntong-hininga ako at kumuha muli nang pambayad sa bag ipinaki-abot sa mga pasahero at humingi nang paumanhin.

Pinalis ko ang bad vibes na nararamdaman ko. May date ako ngayon. May bonding kaming apat. Kailangan mawala yung bad feelings na to.

' grabe naman talaga yung driver! Sumbong ko kayo sa Knight in shining armor ko eh! '

Naglalakad na kami papasok ng makita ko si Tyrian sa may entrance.

' ang bebe ko!!!!'

Nakangiti ako habang palapit kami sa kanya.

Si Tyrian naman nakatalikod sa way namin mukhang may katawagan. Gugulatin ko sana ito nang marinig ko ang usapan sa cellphone.

" Oo nga! Malapit na nya akong sagutin! Sinabi ko naman sayo diba? May thrill talaga to! Ihanda mo na ang pambayad ng mga sira-ulong kaibigan natin sa pustahan! Ano ka ba naman pre? Anong tingin mo sa akin? Gustong gawing katawa-tawa ang sarili ko?" Tumawa ito at hindi lang tawa. Humalakhak pa ito. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip kung bakit ako pa ang ginaganito nang mga tao.

' pustahan? Hindi ba nila alam na makakasakit sila?' naiiyak na lumingon ako kay Geline. Mukhang naintindihan nya ang nangyari.

Hinihila na nya ako paalis. Pero parang gusto kong makita nya ako na nakatayo sa likod nya at malaman nya na alam kong ginagago nya lang ako.

Jubilant Breaks The Broken One ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon