Chapter Thirteen: Past

4 2 0
                                    


Chapter Thirteen:
Past

“ Sabi ko na nga ba dapat nung una pa lamang, Hindi na umasa, hindi na naniwala”

“ Hindi tayo pwede, pinagtagpo pero di tinadhana, Hindi na posible, ang mga puso'y wag nating nahirapan, suko na sa laban, hindi tayo pwede!”

Hindi Tayo Pwede by The Juans

" Ugghhh turn off that f*cking speaker!" sigaw ni Owen sa kapatid nitong si Odessa. At ang kaibigan ko nilaksan pa ang volume. " Ano ba Odessa?!!!" Singhal niya dito.

" Kuya! Tumigil kana nga diyan! Kahit hindi bumalik si Gen kay Javix hindi ka din non magugustuhan!" Sigaw nito pabalik.

Nandito kami ngayon sa bahay nila. Nagkaroon kasi ng mga katanungan si Odessa. Tanggap niya din ang pagiging lalakwe ng gwapo niyang kapatid.

" So ano ba ang nangyari sa past mo girl? Bakit naman naging ex mo Si Javix? Paano mo nakilala?" Usisa ni Odessa sa akin matapos makipag away sa kapatid.

" Well, asa apartment ako non nakatira!" Panimulang sabi ko habang nagtitimpla ng juice para sa dalawa. Iniabot ko naman agad sa kanila iyon. " Tapos may kapit-bahay ako don na may anak! Lagi silang nag aaway at naiiwan sa akin ang bata!" Ibinalik ko ang mga lalagyan sa dati nitong pwesto. Kumuha naman ko ng isang tasa para magtimpla ng paborito kong inumin. Kape.

" Tapos?" Kaagad nitong tanong.

" Pwede ba Odessa antayin mo siyang mag salita!" Sigaw ni Owen, kahit medyo bitter pa din siya sa nangyari.

" Heh! Tumigil ka! May irereto ako sayo! Mag move on kana! Bitter!" Pasigaw nitong tugon sa kapatid. " Go on bhi! Continue!"

" Uhmmmmm sa kasamaang palad namatay ang parents nung bata sa isang uhmmm------ aksidente, kaya naiwan sakin!" Pag-aalinlangan kong sabi. " Tapos yung bata related pala sa pamilya nya kaya ayon!"

Naningkit ang mata ni Odessa. " Yun lang?"

Ngumiti lang ako sa kanya at sinimulan ng ayos ang lahat.

......................

" Let's have dinner!" Napabaling ako sa nagsalita sa likod ko. Kasalukuyan kaming nasa mansyon ng mga Reddish. At ngayon ay nasa harapan ko si Liam Sky, nag aaya ng dinner.

" Sorry hindi pwede!" Tugon ko sa kanyang paanyaya. Noon din ay nilisan ko ang lugar at iniwan siya.

Ngunit sadyang may kakulitan talaga siyang taglay.

Hindi niya ako nilubayan sa halip ay hinigit niya ang dalawa kong braso. Sapilitan niya ako hinigit palabas hanggang sa makarating kami sa labas.

" S---sir L---Liam bitiwan ninyo ako!" Sigaw ko sa kanya.

" Let her go!"

' Javix?'

Nilingon ko ang kinaroroonan ng tinig na iyon at nakita ko sa harapan ng gate si Javix.

Jubilant Breaks The Broken One ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon