Chapter Eleven

8 2 0
                                    

Chapter Eleven


" Gen nakita ko si Javix! Naramdaman ko na ulit yung feeling na hindi ko maipaliwanag!" Si Owen yan. Ewan ko sa taong yan simula nung sabihin niya na may nararamdaman sya kay Javix daw ay nagkaganyan na sya.

Laging hindi mapakali at hindi alam kung anong gagawin. Pinagpapawisan tapos namumutla ang mukha.

Ako naman tago ng tago na parang tanga. Hindi ko alam kung saan ko itatago ang sarili ko.

Ilang araw na kaming pumupunta kung saan naglalagi si Javix. Gusto ko sana na tumanggi kaso.

" Punta tayo kay Javix!" Pamimilit niyang muli.

" Ayoko-----"

" Oppsss hindi ka pwedeng humindi! Nasa akin ang precious lucky mo!" Nakangiting sabi nito.

Tiningnan ko mula ulo hanggang paa si Owen. Lalakeng kumilos. Lalakeng tumindig. Lalakeng-lalake boses. Ang galawan nito makakapagpatunaw ng puso ng babae. Makalaglag panty pag nangiti. Gwapong-gwapo naman kapag seryoso.

' how come na naging lalakwe ang dating lalake? '

" Sayo na si Lucky! Alagaan mo huh?" sabi ko sa kanya at kinuha ang lesson plan ko.

" Hey! Hey!" Naramdaman ko na humabol ito sa akin.

Hinigit niya ang braso ko pa harap sa kanya. " Sabi mo tutulungan mo ako Diba?" Maluha-luha na agad ang mata nito ng humarap ako sa kanya. " Look Gen, bago pa lang ako sa nararamdaman ko! Ayoko man pero mas malaki yung parte na gustuhin ko!"

Tiningnan ko sya sa mga mata. Napabuntong-hininga ako at tumango.

Ako ang nahihirapan sa sitwasyon niya. Alam kong pinipigilan niya ang nararamdaman niya pero alam ko naman na hindi niya mapigilan. Katulad na lang nung kanina.

" Ok sa may Antipolo ang next niyang shoot!" Napapailing na lang ako sa kanya. Nitong mga nakaraang araw ang sinasabi niya lagi na pinipigilan niya ang damdaming iyon dahil hindi niya tanggap na magkagusto siya sa kapwa niya. Tapos sesegundahan niya iyon ng hindi gusto niya si Javix. Gusto nya sa kanya lang.

' hayysssttt! San na naman kaya ako magtatago?'

.................

Asa byahe na kami papunta sa next shoot ni Javix. Katulad ng mga nakaraan kong outfit. Nerdy eye glass, nakalugay na buhok, manang na damit at ang medyo malaking fake mole sa may baba ko at sa may pisngi.

Minsan pang tinanong ako ni Owen kung para saan daw ang mga iyon. Kung bakit daw ako nag di-disguise.

' baka ma-akit sakin, sige ka! Maagawan kita!' Lagi kong sinasabi sa kanya kapag nagtatanong siya. Tinatawanan lang ako nito, tapos magpapasalamat dahil binalato ko na daw si Javix sa kanya.



" Sir Owen nandito na po tayo!"

Heto na naman ang kabog ng dibdib ko na parang sasabog dahil sa kaba. Napapikit ako at kinalma ang sarili ko. Hindi maaaring makita niya ako dito, lalo na at nasa tabi ko si Owen.


Nang makatigil ang sasakyan agad na bumaba si Owen, samantalang ako ay nag hintay pa ng ilang minuto bago bumaba.

" Antagal mo!" reklamo niya sa akin at inakbayan ako.

At dahil lalakeng-lalake ang itsura nito lahat ng nakatingin sa amin ay galit sa akin. Nandoon yung mga babae na mga models at may shoot din sa lugar na iyon. Nasa mga mukha nila ang inggit at selos dahil kasama ko si Owen. May mga gays naman na nairap sa kin pero ngingiti kay Owen.



Jubilant Breaks The Broken One ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon